Prologue: Ang Limang Klase ng Multo

20 0 0
                                    

Ayon sa sabi-sabi, kapag naglakad ka sa gabi sa may Acacia Drive sa Lower Campus at mistula kang may dinadalang mabigat sa loob mo — siyempre hindi bagay ang pinaguusapan natin dito kasi kapag college kana at dinadamdam mo pa rin ang mga walang kuwentang bagay ay magaakala ang mga kaklase mo sayo na pabebe ka — may sasalubong daw sayo na lalaking nakasalakot at nakasuot ng kamisa't chino para kaibiganin ka at dinggin ang mga pinoproblema mo.

Sinasabi ko lang naman kung ano ang nadinig ko mula sa iba.

Marami akong pinagdaanan sa unang taon ko sa Unibersidad ng Hilaga, ngunit sa pangalawang taon ko lang nalaman na sa mundo, lalong-lalo na sa kolehiyo, meron palang limang klase ng multo.

Napagusapan na natin ang Elder Ghost, o ang Punong Multo.

Kilala siya sa angkin niyang kabaitan at karunungan.

Tiyak daw na matututunan mo ang mga karunungang nagtatag sa mundo kung makilala mo ang Punong Multo.

Yun nga lang, mailap na spirito ang Punong Multo. Paminsan-minsan lang siyang nagpapakita, at sa mga iilan lang na siya mismo ang pumili, ayon sa kaalaman niyang saklaw ang lawak ng planeta. Siyempre may pagmamalabis sa paniniwalang ito, ngunit tunay naman na may kalayaan ang lahat na maniwala sa sarili nila.

Kaiba sa Punong Multo, may spirito rin daw na nakasanayan nang hilain sa lungga niya ang mga walang kaalamang kaluluwa sa sandaling nawalan sila ng direksyon o control sa takbo ng buhay nila.

Ito naman ang multo na Haring Alimango, o ang King of Crabs.

May paraan sa pag-iwas sa lungga ng Haring Alimango: ito ay ang paglakad ng matuwid sa buhay at ang pagtutok sa mga bagay na importante ayon sa mga layunin mo.

Ngunit kung labis ang pananabik mo sa paghigop sa tinatawag na life's mystery soup, o sabaw na kailanman daw ay di malalaman ng taga-labas kung ano ang misteryosong sangkap, paglipad sa ere sakay ng umaapoy na sakayang-papel at ang pagsali sa isang karera kontra mismo si Kamatayan na kilala sa katawagang impyerno sa hating-gabi, ay mistula na rin na pumirma ka sa isang kasunduan na ibibigay mo ang kaluluwa mo sa Haring Alimango.

Kung pagbabasehan ko sa sabi-sabi — at isang malaking parte ng buhay natin na labas sa ating sariling pamamahala ay ayon sa sabi-sabi — may pakikipagbaka daw na nagaganap sa pagitan ng Punong Multo at ng Haring Alimango.

Minsan lang naman daw talagang nagkaharap ang dalawang mga alamat na yan.

Kadalasan daw sa ghost activities na nangyayari sa paligid ng kolehiyo ay ginagawa ng mga tagasunod nila.

Kilala ang mga tagasunod ng Haring Alimango bilang mga multo sa sapot.

Dalubhasa sila sa pagiging konektado at nagtutulangan para maabot ang mga hangarin ayon na rin sa mga prinsipyo ng Hari.

Sa kabilang banda, ang mga multo naman na gumagalang sa karunungan ng Punong Multo ay tinatawag na multong fighting.

Kaiba sa mga multo sa sapot, ang mga multong fighting ay karaniwan lang ang buhay sa paligid ng kolehiyo.

Kung bukas ang mga mata mo — at tulad sa lahat ng kwento iyan lang naman ang kondisyon upang malaman mong isang malalim na realidad ang limang klase ng multo — kadalasan mong makikita ang mga multong fighting na kumakain ng magisa sa ilalim ng punong kahoy, nakaupo sa likod ng silid-aralan at mistulang alam talaga ang mga paksang pinagtiyatiyagaan na aralin ng lahat araw-araw.

Ang panghuling klase ng multo ay ang mga multo ng kinabukasan.

Ang mga ito naman ay may dalawang landas na maaaring tatahakin: ang landas ng fighting o ang landas ng sapot.

Ang tanong ngayon ay, bakit nga ba sila naging mga multo?

Ang sagot sa tanong na iyan ang dahilan ng pagbubukas ng mga mata ko.

Ngunit gusto kong magtapat bago pa magsimula ang kwento, na noong una pa man ay hindi ko talaga binalak na makakita o makihalobilo sa kahit anong klase ng multo.

Limang Klase ng MultoWhere stories live. Discover now