4. Ang Pagkatanggap sa Kilusan

6 0 0
                                    

"May higit sa limampung tao ang naninirahan sa Alitaptap, diba? Kaya ano ba ang meron sayo at ikaw talaga ang napagtuunan ng pansin ng dalawang 'to?"

Ito ang matalas na tanong ni Lory habang nilagay niya sa nanginginig kong mga kamay gamit ang pansipit ang isang piraso ng karne na siya mismo ang nag-ihaw sa apoy na siya rin ang gumawa.

Katabi ko siya sa kumakaloskos na apoy at balot sa kumot na gagamitin sana naming upuan sa binalak na piknik ngayong gabi.

Si Pinunong Rom at Baldo naman ay kaharap namin sa naglalagablab na apoy at minghoy na pinagsasaluhan ang isang bote ng beer at iilang piraso ng barbecue.

May paraan upang sagutin ang tanong ng marikit na binibini, ngunit balikan natin ang isang importanteng pangyayari sa nakaraang limang araw.

🎆

Ang paligid ng berdeng parang ay makikitang balot sa makapal na dilim.

Mahaba ang mga anino ng mga punong kahoy na gumagapang sa lupang nakalubog sa kulay-pilak na ilaw ng buwan.

Ang mga matataas na anino ay para bang pilit na inaabot ang puso ng mundo, at gusto itong hablutin at ihandog sa walang kapantay na langit.

Sa malayong parte ng parang ay makikita ang isang grupo ng mga kabataan. Hindi mo mahihinuha ang totoong hitsura nila dahil sa kanilang kasuotan. Sila ay balot ng mask, makakapal na jacket at ang iba pa nga ay nakasakay sa motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Matapos ang ilang sandali ay may isa pang lalake na lumabas mula sa dilim ng mga punong-kahoy sa kabilang direksyon at dahan-dahang naglakad sa parang palapit sa mga nakakumpol na grupo ng mga kabataan.

"Dala mo ba ang epektos?"

Pinangunahan na nga ang transaksyon ng isa sa mga kabataan na nakasuot ng misteryosong pananamit.

Makinang ang malapad niyang ngisi at para bang walang kaba na nilalabanan sa dibdib. Ang lalakeng ito ay para bang may malalim nang karanasan sa paghuhudyat ng mga ganitong transaksyon.

Hindi na kinailangan ang pormal na introduksyon: ang lahat ng ito ay purong negosiyo lamang.

"Pinanghahawakan ko palagi ang parte ko sa kasunduan."

Ang lalakeng huling dumating sa eksena ay may inilabas na paketeng nakalakip sa malaking kulay-kayumangging sobre.

"Kayo ba? Mapagkakatiwalaan ba kayo?"

"Hi-hi-hi," ikumpas ng lalake ang kanyang kamay sa ere at sa sumunod na saglit ay may lumapit sa kanya na isa pang lalaking may dala-dalang bag na puno ng isang bagay na may partikular na hugis.

"Huwag mo kaming pagdudahan, kaibigan.”

Sa mga susunod na saglit ay makikitang iniinspeksyun ng bawat panig ang mga epektus na natanggap nila mula sa isa't-isa.

Nagkumpulan ang grupo ng mga kabataan at may tinangap ang bawat isa mula sa pakete ng huling dumating na lalake.

Pagkatapos ay isa-isa silang umalis at nawala sa dilim.

"Nasiyahan ang mga kaibigan ko sa natanggap nilang epektos,” mungkahi ng lalake nang dalawa nalang silang natira sa lugar malapit sa mga punong-kahoy. “Mapagkakatiwalaan talaga ang Kilusan.”

"Maganda din naman ang kalidad ng  iginawad niyo sa Kilusan. Tiyak na malugod itong tatanggapin ng Pinuno."

Lumaking bigla ang ngisi ng lalake na kasama ng grupo ng mga kabataan.

"Pakisabi sa Pinuno mo na masaya akong hindi siya nagbabago. Malaki talaga ang mundong 'to para sa aming dalawa."

Medyo natagalan sa pag-sagot ang ikalawang lakake na para bang inisip pa kung may mas malalim na kahulugan ang mga salitang inilahad sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Limang Klase ng MultoWhere stories live. Discover now