Chapter 56: Lunch packs
THAT day, for the first time ay nakasalo ko sa pagkain ang mga anak ko. Doon sila kumain ng lunch hanggang sa nagmeryenda na rin kami. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko.
Sa apat na taong nagdaan ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang kakaibang saya sa puso ko. Nag-uumapaw ito at sana lang ay hindi na mapuputol pa ito. Na sana lang ay kaya ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay kapag darating na rin kasi si Archimedes ay alam kong hindi ko na magagawa pa ang mga ito.
May limitado na ang pag-alis ko at higit na niya akong pipigilan kapag makikipagkita ako sa aking mga anak.
Kinabukasan ulit, hindi man ako sigurado na sasama pa ulit ang triplets sa daddy nila ay naghanda pa rin ako ng lunch pack nila. Bago nga kami umuwi kahapon ni Zavein ay dumaan muna kami sa grocery store. Bumili ng cute na lunch pack and groceries para makapagluto ng food.
Walang kitchen ang suite namin pero puwede kaming humiram ng kitchen sa may-ari. Request namin iyon pero hindi na rin pala kailangan. May isang floor ang hotel kung saan na free gamitin ang mga kusina kapag gusto ng guest nila na magluto ng mga pagkain na gusto nila.
Hindi naman ako pinigilan ni Zavein sa gusto kong ipagluto ang mga anak ni Miko—anak ko rin naman ang mga batang iyon. Wala lang nakaaalam sa katotohanan.
“Grabe, Kalla. Nakuha mo agad ang loob ng mga batang iyon? Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala!” nagugulat na bulalas ni Zavein. Nakaupo siya sa highchair at tinitikman ang mga luto ko, ayon na rin sa request ko kung masarap na ba ang mga ito. Kahit bata lang ang pakakainin ko ay still mahalaga ang opinyon nila.
Beef steak, fried chicken and omelet. Sa unang lunch pack ay ang dessert, may tig-tatlong slice ng apple, pineapple and vegetables salad. Sa pangalawa naman ay ang mga ulam at sa pangatlo ay kanin na nilagyan ko pa ng ketchup, guhit na nakangiti ito. Kanya-kanyang lunch pack ang hinanda ko and a pink tumbler bulaklak ang decoration nito.
“Hindi naman pala talaga sila masungit. Mababait sila at magalang, eh,” pagbibida ko na ikinatango niya.
Masaya ako na napalaki sila nang maayos ng kanilang ama. Mabait, magalang at bibong bata. Hindi man ako nakasama sa apat na taon habang sila ay lumalaki ay sapat na iyon para sa akin. Masayang-masaya na ako.
“Noong una ko kasi silang nakita ay hindi naman sila ganoon. Aloof sila sa mga tao. Ang daddy lang nila ang nilapitan ko kasi mabait at approachable na engineer ito. Kakaiba siya sa mga kapatid at pinsan niya,” sabi pa niya. Wala pa rin akong idea kung saan niya unang nakilala si Miko.
“Let’s go na, Zavein? Gusto ko na silang makita!” masayang saad ko. Tinulungan niya akong ilagay sa lunch bag ang mga hinanda ko. May hinanda rin naman ako para sa amin ni Zavein. Kasya nga ang tatlong tao kapag kakain na.
“You know what, Kalla? Ngayon ko lang nakita ang kakaibang aura mo. Na parang ngayon ka lang naging masaya. Na genuine ang mga ngiti mo at iyong hindi ka pinipilit,” komento niya na tanging pagngiti at pagkibit-balikat lang ang naisagot ko.
Magugulat siya kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ako masaya at genuine na ang mga ngiti.
Hanggang ngayon din ay nakabuntot pa sa amin ang dalawang bodyguards ni Archimedes. Pero nasa akin na naman ang loyalty nila. Kasi alam nila kapag may ginawa ako na hindi kaaya-aya or may isang tao ang lalapit sa akin ay sila pa rin ang mapapahamak. Matatanggal sila mula sa trabaho nila. Kaya pinili rin nila ang manahimik na lamang.
Hindi na kami maaga pang pumunta sa site. 8:30 lang noong nakarating kami at busy na ang mga construction workers. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa tent kung nandoon na rin ba sina Miko at ang mga bata pero nakita ko siya na abala na rin sa pagbibigay ng instruction sa mga tauhan niyang nagtratrabaho na.
![](https://img.wattpad.com/cover/358439708-288-k37961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...