CHAPTER 1

14 2 0
                                    

"Ano pong ulam, nay?" Tanong ko kay nanay nang makauwi ako sa bahay.

"Cia, anak pasensya na wala kasing nalikom ang tatay mo sa pamamasada kanina, halos lahat ay naka jeep na, bibihira nalang ang mag tricycle anak." Saad ni nanay at nginitian ko lang ito

Matapos kong mag bihis ay pumunta ako sa mu-munting kusina namin at nag dildil nalang ng kanin.

Walang ulam ngayon, kaya tiis tiis nalang muna sa asin at kanin.

Habang kumakain ako ng pinagdildilan ko ng asin at kanin ay hindi ko maiwasang mag isip ng isang bagay na laging suma-sagi sa aking isipan, habang ako ay kumakain.

"Nay!" Pag tawag ko kay nanay dito sa kusina, ngunit walang sumasagot sa aking pag tawag.

Matapos kong kumain ay Iniligpit ko na ang mga plato at kutsarang ginamit ko, at inilagay sa maliit na lababo.

dumiretso ako sa sala para sana hanapin si nanay, ngunit walang presensiya ni nanay ang aking naabutan sa loob ng sala. "Nasan kaya si nanay." Saad ko sa hangin

"Cia nandito ako!" Saad ng boses ni nanay at mukhang nasa banyo ito, nag lalaba na naman ng labahing hindi saamin.

"Nay, kumuha nanaman ba kayo ng labahin sa kapit bahay para labhan?" Tanong ko rito " Oo anak, para maka-kain ka mamaya ng masarap na ulam, para hindi na muna asin ang uulamin mo, kaya nilabhan ko ang labahin nila cinthia sa maliit na halaga." Saad nito pabalik at pinag patuloy ang kaniyang ginagawa.

"Magkano naman ho ang perang ibabayad sainyo sa pag lalaba ninyo ng damit nila aling cynthia?"

"150"

"Hindi po kasya satin ang 150 na halaga nay, masyado na pong mahal ang bilihin sa tindahan. Pano po kayo maka-kakain niyan?"

"Ayos lang anak, basta makita kong naka-kakain ka ng masarap, busog na si nanay."

Umupo ako at tinulungan ko si nanay na labhan ang dalawang malalaking palanggana na laman ay purong damit nila aling cynthia at nang kaniyang mga lalaking anak.

"Cia, anak. Ako na" saad ni nanay

"Ayos lang po, wala naman po akong gagawin ngayun, tutulungan ko nalang po kayo kesa patambay-tambay lang po ako" saad ko, ngumiti naman ito.

"Si tatay po? Asan?"

"Nasa istasyon ng bus, nag be-benta ng itlog ng pugo at chicharon, dahil walang masyadong sumasakay ngayun, sa tricycle kaya ang pag titinda ng itlog ng pugo at chicharon muna ang tatay mo mag ta-tiyaga"

"Nanay, bat ninyo naman po pinayagan si tatay na mag tinda roon e napaka init po, ngayon pa pong tanghaling tapat, eh baka kung anong mangyari sakaniya." Nag aalala kong saad

Ngumiti lang ito ng pilit pero hinding hindi kayang maitago ang lungkot sa likod nito.

A smile can hide the pain, but the eyes always reveal the truth.

Ngiti nalang din ang aking naisukli, at ipinag patuloy ang ginagawang pag lalaba, dahil hindi ko kayang makita sa ganitong lagay,  ay ngumingiti si nanay.

"Nay?"

"Hmm"

"Mag trabaho po kaya ako?" Saad ko

"Bakit naman anak?, graduating kana ng Senior highschool aba, next next month college kana" saad nito

"Tapusin ko lang po muna yung Senior highschool ko nay, tapos mag s-stop po muna ako, tsaka ko na po itutuloy ang college ko." Saad ko

"Sige" mabilis na turan nito pero, ito nanaman, ang ngiting hinding-hindi ko kayang makita, kapag si nanay ang aking kaharap.

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon