Chapter 6

8 1 0
                                    

Lottie

"Ano ara kumusta maganda ba?" Bahagya kong sinilip ang nag babasang si Ciara sa tabi ko "k lang naman, bet ko ang male lead isa syang buff na guy huhu! My dream guy"

"Sana naging lalaki nalang tayo tapos mag ge-gay din tayo para maka sungkit na masasarap na papii!!" Sigaw ko

"Hoy kayong dalawa jan, anak ara, lotlot tara na rito't kakain na" pag katok ni mama sa pintuan ng kwarto

Agad naman kaming bumaba ni ara para sana kumain ngunit kakaibang aura ang naramdaman ko pag dating namin sa kusina....kalungkutan.

Pansin ko mula kaninang tanghali ay parehong balisa sina tito emman at tita julia. Mga magulang ni ara. Hindi na ako nag tanong dahil baka nag daramdam lang sila

Tumayo naman ang dalawa at nag paalam na pupunta ng kwarto, wala raw silang ganang kumain, kaya't 3 nalang kami nina mama at ciara dito, si papa naman ay natutulog na rin sa kwarto.

"Pansin mo rin ba lottie? Matagal na silang ganyan e." Pag basag ni ciara ng katahimikan "what do you mean sis?" Kuryosong saad ko "3 weeks ago, napapadalas na ang pag so-zone out ng dalawa, pansin ko 'yon, si nanay at tatay ay umiiwas saakin, kung noon na sabay sabay kami kumain, ngayon ay hindi na." Aniya sabay inom ng tubig at nag patuloy sa pagkain

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanilang dalawa eh..." Saad niya at nanood nalang kami ng balita.

" isang Bata, patay matapos pag sasaksakin nang ilang beses sa katawan, hinihinalaang dalawang tao ang gumawa nito sa bata. Hinalay at pinatay, matapos gawin ang karumal dumal na krimen ay iniwan na lamang ito sa Gilid ng damuhan sa third street, sa baranggay ng sanbuena. Nag uulat, Christian Hermosa."

"Kawawa naman 'yong bata—ay hala!" Naihulog ni ara ang Tinidor at agad naman niya itong pinulot, at pinalitan ng bago.

May dadating kayang tao?

"Ako na ho ang mag huhugas tita.." Pangunguna na wika ni ara.

"Sige ara, at ako'y mag bu-byuti rest na, ikaw lottie tulungan mo si ara" saad ni mama at tinusok tusok ng daliri ang aking tagiliran.

"Bakit kaya ganun sina nanay at tatay ngayon? Parang wala sila sa kanilang mga sarili, naaawa ako sakanila." Ani ara at nag simulang hugasan ang mga plato't baso na ginamit kanina.

"Baka may nangyari o baka naman pagod lang sila? Hayaan mo muna sila mag pahinga"

"Napapadalas kasi ang hindi pag kain nila lot eh... Noong naroon kami sa dati naming bahay ay hindi ito kumakain, hindi ko alam kung kumakain paba sila pag wala ako o hindi, namamayat na rin sila." Linyada ni ara habang binabanlawan ang mga hugasin.

"Tanungin mo kaya? Ikaw lang naman ang nag iisa nilang anak eh, its okay if you asked them if ano ang nararamdaman nila." Saad ko.

Maging ako na napakasayang tao, madaling mapapansin ang nangyayari sa paligid. At ang napapansin ko ay, kalungkutan. Hindi naman ito super powers o ano, ngunit ramdam na ramdam ko ito.

Buntong hininga nalang ang naisukling sagot sa'kin ni ciara habang nag pupunas ng mga pinggang basa.

5 minuto natapos na ito, at inaya ko nang pumunta sa kwarto para matulog, "dito ka sa rightside sis sa harap ng bintana" favorite kasi ni ciara kapag ang kama nya ay nasa bintanang naka bukas kapag gabi, tinuturing niyang night light ang buwan kapag matutulog ito, maski sa bahay nila.

Nag tungo ito sa right side ng kama at ako naman sa left, mabilis lang makatulog si ciara, napapansin ko ding stress na ito kaya deserve nya ng mahaba habang pahinga sa malambot na kama, at makapag relax. pansin kong nakatulog na ito, kaya't natulog narin ako.

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon