Chapter 8

1 1 0
                                    

Ciara justice

Ilang linggo hanggang sa maging buwan, palala nang palala ang pinag daraanan nina nanay at tatay, hindi ko na rin sila makausap ng maayos at halata sakanila ang pamamayat.

Ngayon ay wala akong pasok sa trabaho, dahil may pinuntahan si Heather. Hindi rin kasi sya nag bubukas hangga't wala sya roon.

Tumulong ako sa pag titinda ni lottie sa palengke at ikinagagalak ko namang marami kaming naibentang hipon at tahong.

Lumipas nanaman ang isang araw na puro trabaho ang inatupag namin ni lottie makatulong lang sa bayarin dito sa bahay nila.

Malaki ang pag papasalamat namin dahil sa pag papatuloy nina lottie saamin dito sa bahay nila.

Sa susunod na buwan na pala ang Pasukan, kolehiyo na ako kaya't kapag nag bebenta kami o kahit sinasahod ko sa trabaho ay may itinatabi akong pera ara makaipon para sa Pag pasok ng university.

Nakatulong din ang libreng scholarship na natanggap ko matapos ang school year ko ng  grade 11, kaya hindi na ako gaano mahihirapan.

Kaunti nalang..kaunting panahon nalang makakapag tapos na ako. May ilang taon pa ko sa kolehiyo, at sa susunod na buwan ay ang simula ng taon na iyon.

Kinakabahan ako pero uunahin ko paba ang kaba ko?  kung Hinaharap ko ang nakasalalay dito? Wala na sigurong lugar pa para sa karamdamang pagka-kaba dahil may pamilya akong umaasa sakin, at ang aking ina't ama ay nahihirapan na sa araw-araw na gawain.

Nakuha ang aking atensyon nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag.

[Lottie! Umuwi ka, yung nanay at tatay mo] saad ng boses sa linya, si tita lucia.

[B-bakit po Tita? Ano pong nangyari?] Pag alala kong sagot, at napansin naman ito ni lottie.

"Bakit sis? What happened?" Anito "tumawag si tita lucia, may nangyari ata." Pigil kaba kong salita

[Umuwi muna kayo ni lotlot anak ara] anito at binaba ang tawag.

"Lottie umuwi na muna tayo" agad naman naming niligpit ang mga gamit na ginamit namin para sa pag titinda.

Nag mamadali kaming umuwi sa bahay at dalawang mobil ng pulis ang nasa harapan ng bahay nina lottie.

"Tita! Ano hong nangyari?" Bungad ko nang makita kong may pulis na nakaupo sa upuan at maging sila nanay at tatay ay nakaupo rin, parang kinakabahan.

"Bakit ho may pulis?" Sunod na tanong ko "narito ako para arestuhin ang tatay mo" anito

"Bakit ho? Bakit ho aarestuhin ang tatay ko? Wala naman ho siyang ginawang masama ah? Wala naman diba tay?" Kumuhang pag-asa kong tanong kay tatay.

Tanging tingin sa baba lang ang naisagot nito. "Kung ganon...ano ho bang kaso ng tatay ko bakit ninyo siya aarestuhin?"

"Pinag hihinalaang isa sya sa taong pumatay sa isang bata na natagpuan sa third street dito sa sanbuena noong mga nakaraang buwan"

Kaya ba parang balisa ang mga magulang ko? Kaya ba parang Hindi sila makausap kasi may hindi magandang nangyari?

Bakit ba puro kamalasan ang ipinapataw sakin. Kailan ba ito matatapos.

"S-sasama nalang ako ng tahimik" basag katahimikan ni tatay, wala akong magagawa kundi tanggapin ito. Hindi ko na kailangan ipaglaban dahil inamin na rin ni tatay ang nagawang krimen.

———

Makalipas lang ang isang buwan na wala si Tatay ay nag kasakit naman itong si nanay, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko, sunod-sunod na problema na ang meron ako.

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon