Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Fired.

"Hindi naman sa pagiging pakielamera, Ciara pero sumosobra na sila eh, bakit parang wala lang sayo?" Si nina.

"Wala namang mangyayari kapag binibigyan mo ng pansin ang mga taong maraming sinasabi nina, kung papansinin ko sila hindi ako makakausad" Sabay punas ng Lamesa.

Malapit na kami mag out sa work and as usual, kami ni Nina ang naka toka sa pagsara ng Kapehan.

"Wala ka ba talagang balak isumbong sila?" Pag basag katahimikan ni Nina.

"Wala, Pag sinumbong ko sila May chance na ma sisante sila, ayaw ni heather sa mga ganung ugali diba?" sagot ko

"eh hindi naman kasi tama ang ginagawa nila" hirit pa nito.

"Intindihin mo nalang, nangangailangan din sila ng trabaho gaya natin, kapag na sisante sila nang dahil sa pag sumbong ko wala na silang trabahong mapapasukan" pag-papaliwanag ko, matapos kong i lock ang Glass door ng kapehan.

"Ano nga palang ganap mo, Malapit na ang enrollment for college." Si nina

"Nakaipon na ako, kahit papaano ay may pang tustos na ako sa pag aaral ko." Sabay subo ng instant noodles.

"Ikaw ba nina? Hindi ba pareho lang naman tayong tumigil sa pag a-aral dahil sa problema Pinansyal?" Pag iba ko ng usapan

"Hindi na ako mag a-aral, Ara" ikling sagot nito habang nakangiting naka tingin sa labas.

"May mga bagay talagang kahit anong ipilit natin, hindi talaga puwede." Dagdag nito tumingin naman ito sa akin "kaya ikaw, pag butihin mo Gusto ko humingi ng favor sayo ciara. Dapat makapag tapos ka."

Na iintindihan ko naman ang sinasabi nito, kaya hindi na ako nag tanong.

"Wala na akong magulang." Anito habang kami ay nag liligpit ng pinag kainan namin kanina lang.

"Bata palang ako ay wala nang tumayong magulang sakin ara, walang naging pigura saakin, naging palaboy ako. Nag apply ako isang beses bilang katulong, kahit papaano nabuhay naman ako nang ako lang magisa.

Iniwan ako ng mga magulang ko 4 buwan palang ang itinatagal ko noon dito sa mundo, Ang sabi naman ng mga magulang ko sa Bahay ampunan ay babalikan ako pag walung taon na ako.

Pero dise otso na ako, wala pa din sila. Yung araw-araw na pag-asa kong mag antay sakanila ay nawala na. Kaya itinigil ko na rin ang pag aaral ko." Masayang kwento nito.

"Elementarya lang ang natapos ko ara, ika-anim na baitang. pero may natutunan naman ako kahit pa-paanong sa anim na taon ko sa elementarya. Kaso di ako masyado maka intindi sa ingles" pag-tawa nito.

"Alam mo Ciara, naiingit ako sayo." Hinawakan naman nito ang kamay ko, "Bakit naman? Wala ka namang dapat kaingitan saki-. naputol naman ang sasabihin ko nang mag salita ito "Naiingit ako sayo kasi buhay pa ang dalawang magulang mo, nakakasama mo pa sila. Samantalang ako mag isa na simula pag-kabata." Tumingin ito sa palad ko at marahang pinisil.

"Ano kayang kasalanan ko sa mga nakaraang buhay ko, bakit ako pinaparusahan nang ganito" Ngumite nanaman ito. pero Bakas sa mata nito ang Sakit at kawalan ng pag-asa.

Nag patuloy na kami sa pag lalakad para makauwi na pareho. Agad naman kaming pumara ng dyip at sumakay "Bayad po, isang San buena nga" inabot ko ang bayad ko sa katabi ko.

"Isang Cypress po" si Nina, sabay abot din ng bayad.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na din ako sa bababaan ko "Para ho kuya." Sigaw ko agad naman nitong ipinara ang dyip para makababa na ako, pero bago pa ko makababa ay may narinig ako kay nina. "sige na nina dito na ako. Bukas uli."

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon