Chapter 3

15 2 0
                                    

"Nay, kakain na ho tayo!" Boses ko dito sa kusina para tawagin ang aking inang natutulog sa kaniyang kwarto, habang ako ay nag aasikaso ng hapag.

Ewan ko ba, hindi na sumasabay si nanay saakin kapag kakain, hindi ko rin siya matanong dahil, hindi ako maka hanap ng tyiempo, para makapag usap kaming dalawa.

Maging si tatay ay madalang ko nalang din nakakausap, dahil pag uuwi ito ay laging pagod at uuwi lang para matulog at kumain.

Napailing nalang ako at tumuloy ako sa pag kain nang mag isa.

Nakuha ang atensyon ko sa pagkain dahil sa cellphone ko,  Kinuha ko ang aking cellphone dahil ito ay tumutunog, senyales na may tumatawag, ang nakalagay sa screen ay unknown number, agad ko naman itong sinagot.

"Hello? Sino ito?" I said, and a baritone male voice answered on the other line, na ikinatigil ko sa aking ginagawa.

“ Nalaman ko na nag hihirap ka raw dahil wala kanang pam-paaral? Mag ibibigay ako sayo ng trabaho. i'll hire you as a maid, a hundred thousand a month salary, take it or leave it? , mag lilinis kalang sa loob ng isang buwan ay may isang daang libo kana alam kong nag hihirap ka kaya kunin mo na.” mapang udyok na saad ng lalaki sa kabilang linya ngunit hindi ako makasagot dahil parang dinadaga ang aking dibdib

“kukunin ko po, Mag tatrabaho po ako sainyo.” mabilis na saad ko na puno ng kunsidirasyon kahit di ko'to kilala ay tatanggapin ko agad, desperada nako magkaron ng trabaho.

Ngayon kinakabahan ako na baka kung ano ang mangyari sakin pero mukha namang hindi panloloko ang sinabi nito, ibinigay nito ang lugar kung san ako mag tatrabaho at totoo nga ang sinasabi niya na mag tatrabaho ako. Sa wakas may pang tulong na ako kila nanay at tatay at may pang bili narin ako ng gamot para sa dialysis ng tatay ko.

Pansin ko rin kasi na madalang nalang mag pa checkup si tatay, at nag kakanda ubos na din ang gamot nito, kaya malaking tulong talaga ito sakin...sa amin.

+093******** (Unknown)

Unknown No. : “Here's the address, you can go anytime you want, mayroon akong assistant doon.
Link: a******, Subd *****”

Me: “Kuya bakit naman link ang isinend ninyo? Baka mamaya, kapag pinindot ko iyan sa shoppee o lazada ang punta niyan ha, uso pa naman ang mga scammer ngayon” pag tipa ko sa cellphone ko sabay sent!

Hindi na nag reply ang unknown number na tumawag sakin, pero sinubukan kong pindutin ang link na ibinigay nito,

"Ahhh, kaya pala, google maps naman pala." Ani ko at kumamot sa aking ulo

"Pasig city? Eh napaka layo naman nito" i said and barely looked at the money in my wallet "200 pesos nalang, kaya to, tipirin ko nalang"

Mabilis akong naligo matapos kong kumain, at nag handa pag alis, "nay, aalis muna ako, mag a-apply ng trabaho sa pasig, may ku-kuha raw doon sakin"

"Mag ingat ka." Turan nito

Dali-dali akong humaripas ng takbo sa labas at binuksan ang aking dalang payong, pag punta at pag punta ko palang ng sakayan ng jeep ay di ko na pinalampas, kahit punuan, sisiksik ako basta makapag apply lang ng trabaho.

"Isang manggahan nga kuya!" Sigaw ko at nag abot ng bayad.

Matapos ang ilang minutong byahe sa dyip na aking sinakyan ay sa wakas narito nako, at hinahanap ko ang isang bahay na sinabi roon sa Text na aking binasa kanina lang.

Habang abala ako sa pag lalakad at pag hahanap ng bahay ay aksidente akong nabungo sa isa pang babaeng ka edaran ko na sa tingin ko ay nag mamadali rin, at nag kanda hulog naman lahat ng gamit nito

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon