Chapter 4

5 1 0
                                    

Ciara

Matapos kong takbuhan iyong lalaking body guard daw kuno kanina, ay narito ako ngayon nag lalakad malapit sa paresan, dito sa Subdivision ng manggahan.

"Bakit ba ang malas ko" kamot ulo kong wika sa sarili ko

Eh bakit naman kasi 10 years Ang expiration noong pipirmahan, mga baliw ba sila? 10 years? Eh kung mag kanda kuba ako—

"Aaaaaahhh!!!" sigaw ko nang kamuntikan nakong masagasaan ng umaandar na kotse, hindi ko napansin na narito pala ako sa pedestrian lane dinala ng aking mga paa.

Nakatitig nalang ako sa harapan ng kotse na tila na wa-wala sa sarili, agad namang bumalil ang ulirat ko nang bigla namang bumusina nang may pag ka lakas lakas ang kotse sa harapan ko, na kanina ko pa tinititigan.

"Ano hindi kaba aalis diyan?" Pag silip ng lalaki sa bintana ng sasakyan

"Ay sorry ho" at tumakbo ako papunta sa side walk.

Bahagya kong tinignan ang orasan sa cellphone ko at marami pa kong oras para mag hanap ng trabaho, mabuti nalang at dala dala ko ang mga id at forms ko ngayon, just in case na mag hahanap ako ng trabaho uli.

Habang marami pang oras ay lumarga na ako sa pag hahanap ng trabaho, maski laundry shop ay di ko pinalampas o kahit Baby sitter pero hindi parin ako tinanggap.

"Hello po, nakita ko po yung sign ninyo sa labas ito po oh" Sabay pakita ng sign na ang nakalagay ay 'Wanted full time barista, 24 hours at Heather's cafè'

"Bakit ho? Mag a-apply ba kayo?" Tanong ng babae habang nag aasikaso ng mga order.

"Opo sana"

"Antayin mo matapos tong ginagawa ko, kakausapin kita, mag antay kanalang doon sa may table nayon" turo nito sa isang Hindi okupadong lamesa.

"Salamat ho" pag tango ko ay nag tungo na sa lamesang itinuro ng manager ata nila, ibang iba kasi ang uniporme nito sa iba pang barista dito.

Para hindi mabagot ay nag laro nalang ako ng online games sa aking cellphone, habang kinakain ang kabayan na binili ko kanina.

Nakuha ng atensyon ko ang babaeng kaninang kausap ko ay patungo rito sa kinauupuan ko, tapos na ata siya sa inaasikaso niya.

"Heather lascano" sabay lahad ng kamay

"A-ah Ciara ho, Ciara justice" pag tanggap ko ng kamay nito at nakipag shake hands

"May experience kaba sa pag gawa ng kape o kahit mag serve ng mga costumers?" Tanong nito habang tinitignan ang papel na ibinigay ko. Ang impormasyon tungkol saakin.

"Ah dati po akong tiga silbi sa karinderya po." Pag sagot ko

"How about, coffee shop? May experience kaba sa pag sisilbi rito?"

"Wala po eh, pero willing po ako matuto, at mabilis lang din po kung matuto." Sabay kamot sa ulo

"It's okay, let's talk about your weekly salary? Since nag sisimula kapalang ay, how about 30 pesos per hour? At linggohan ang sahod bali 5,040 at kapag overtime naman ay plus 60 pesos so, kapag sumahod ka nang naka overtime sa buong week ay 5,460 ang sasahurin mo. Plus may promotions kapa depende kung gaano mo sisipagan" she explained

Kaya siguro malaki ang sahod dito linggohan dahil dinadagsa ito ng mga tao, araw-araw.

"Kailan po ba ako puwede mag start" pag-simsim ko sa libreng kapeng dala nito, ang bait niya. Nag abala pa syang mag pa dala ng kape papunta rito.

"How about, bukas?" Anito

"sige po, kailangan na kailangan ko na po kasi ng trabaho eh.."

"Okay, puwede ko bang kunin ang contact number mo?" Bahagya naman itong bumunot ng maliit na papel, calling card ang tawag at ibinigay saakin.

Hello Mr. Perfecty Fine (Mister's series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon