That time , hindi naman ako nagalit kase may tiwala ako sa kanya pero nagselos ako sa babae kasi dapat ako yun eh -_____- Nakakapagtampo;3 mas inuna niya pa yung mga kaklase niya. Pero ayus lang hindi naman niya alam na gusto siyang makasama ng GIRLFRIEND niya eh :( tamang tama that time ni-plug yung number ng babaeng kasama niya sa fb kaya nitext ko . Yeah! Angel pangalan niya.
"Hi,ganduuuh!:) Mylene here." text ko.
"ay , hello po ." ang tipid niya -____-
"kasama mo si Jonathan kanina?"
"uh. opo. pumunta lang kami sa bahay ng kaklase namin."
"ah. anu ginawa niyo?"
"wala lang po, nagtrip . kumain tsaka kung anu-ano."
"uh.sige."
"ikaw po yung girlfriend ni Jonathan diba?"
"uh.opo!panu niyo nalaman?"
"lagi ka po kase niya nakukwento sakin e."
"uh.ganun ba?"
Hanggang sa kung anu - ano pa yung napagusapan namin .
"bantayan niyo yan uh? baka manchixx."
"ay,hindi po . ikaw lang po mahal nun tsaka alam naman sa Edison na ikaw girlfriend niya."
"ah.sige , salamat."
THAT DAY , Wala man lang siyang paramdam kaya wala . TULOG lang ginawa ko :| hanggang sa nagising nanaman ako kinabukasan . Nagsweet message ako sakanya pero di niya rineplyan siguro tulog pa siya. 11 o' clock ng umaga , kumakain ako kasabay ko si Ate tsaka si Mama ng almusal.
"ma , may------"
Dapat sasabihin ko na kay mama na meron na akong boyfriend pero napahinto ako kasi biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi nga ako nagkakamali , siya yung nagtext. GroupMessage tas may signature na "HINDI AKO MASAYA x||" napatigil ako sa pagkain tas nireplyan ko agad siya.
"oy,bhie.anyare?" reply ko.
"wala.bhie may tatanong ako sayo,"
nung tinext niya yun , bigla na akong kinutuban.
"anu po yun?"
"masaya ka ba sa ganito?"
"uo. nagsisimula pa lg naman tayo e."
"pero bhie , ayoko na . alam ko naman pong magsasawa ka rin sakin. mas maganda nalg siguro kung babygirl kita. atska alam kong mas sasaya tayo kung habang maaga pa lang wala na tayo."
habang binabasa ko yun , hindi ko namalayan na tumutulo na yung luha ko. napatingin ako bigla kay mama tska kay ate. Nakatingin silang dalawa sakin sabay nagkatinginan sila ni mama. Hindi ko na natapos yung kinakain ko bigla akong dumiretso sa CR tapos naghilamos ako. Pagtingin ko sa salamin namumula na agad yung mata ko . Ang ganda pa naman ng gising ko kase gagala nanaman ako , birthday kase ni Andrea. buti na lang maaga ako naligo , kinuha ko agad yung USB tapos bumaba , dire-diretso lang ako hanggang sa tinawag ako ni mama.
"hoy!mylene , umupo ka muna dito. bakit ka umiiyak?"
"walaaaa-" nanginginig kong sagot.
"bt nagbreak kayo ng boyfriend mo?" tanong ni ate.
"huh?kasee .. mama! uo. kakabreak pa lang namin yun yung dapat na sasabihin ko sa'yo kanina pero nakipagbreak na sha e." mas lalong lumakas yung iyak ko.
dapat yayakapin ako ni mama. pero bigla akong lumabas.
"mama , sandali lang. magpapaprint lang ako."
tumakbo na agad ako. pero ang totoo , hindi ako magpapaprint . pupunta ako kay Christian tsaka kay Jericho para sabihin yung nangyari. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep , iyak pa rin ako ng iyak halos namamaga na yung mata ko . May tricycle na biglang huminto , nakita ko na nakatingin sa akin yung tricycle driver . Dumire-deretso lang ako hanggang sa lampasan ko na siya , pero hindi naman ako ginalaw . PAgsakay ko sa jeep , hinanap ko agad yung pera ko. 370 kase yung perang dala ko nun. Nakaseperate yung 20 pesos para sa pamasahe. Nagulat ako bakit nawawala yung 350 ko , pero hindi ko nalg pinansin . nagbayad na agad ako. Grabe yung kahihiyan ko sa Jeep halos lahat ng pasahero nakatingin sakin dahil hagulgol ako ng hagulgol. Hanggang sa pagbaba ko ng jeep , nung patawid na ako muntik na akong masagasaan ng kotse .
"anu ka ba? hindi ka man lang tumutingin sa dinadaan mo." bulyaw ng driver ng kotse.
"pasensya na po. " nakita ng driver na umiiyak ako kaya tumakbo na lang ako. naabutan ko si Christian atsaka si Jericho sa Gotina (Computer Shop) na naglalaro ng LOL (League of Legends) nahihiya pa nga akong lumapit sa kanila , napatigil sila maglaro nang makita nila akong umiiyak .
"oh?bakit ka umiiyak?" tanong ni Christian , samantalang si Jericho ay tahimik lang.
"wala na kame." sabay iyak ulit.
"ha?bakit? anung nangyare?" tanong niya.
"wala. tara samahan niyo ako sa bahay nila Lara." tapos tumakbo na ako tutal malapit na doon yung bahay ni Lara. Nang makarating kami sa bahay nila Lara . tiniwag ko agad siya.
"Ate Lara!"
mabilis naman na bumaba si Ate Lara , pagbukas niya ng pinto yinakap ko agad sha.
"hala?bakit?anung nangyare sayo?" pagaalala niya.
"WALA NA KAMI" lalo pa akong umiyak.
nabigla si Ate Lara sa sinabi ko . Nangigigil sha pero pinigilan ko na lang siya . Biglang tumawag si Andrea. "Mylene?asan na kayo?" "wait lang andito ako sa bahay nila ate Lara. sige na , Happy birthday. Papunta na kami jan." kinwento ko muna kay Ate Lara lahat ng nangyare. Bago kami umalis , kinausap ko agad si Jericho. "pwede pumunta sa birthday?" tanong ko.
"BAHALA KA! Bakit? Hawak ko ba buhay mo?" sagot niya.
Parang bumagsak yung mundo ko kase naalala ko agad yung sinabi niya na "kapag pinili mo sha , sakanya ka na . Hinding hindi mu na ako mababalikan."
Mas lalong bumagsak yung mundo ko kase dalawang lalaki sa buhay ko yung nawala. As in , para akong BALIW na iyak ng iyak . Hindi ko alam kung paano ko pa ulit masisimulan yung panibagong buhay ko ngayung nawala na yung dalawang lalaki sa buhay ko. Hindi ko pa makalimutan si Jonathan at umaasa pa rin ako hanggang ngayon na magkakabalikan pa rin kami kahit alam kong malabo na. Bawat pangyayaring nangyari samin ni Jonathan ay naaalala ko . Nang dahil sa aking maling desisyon ay hinding hindi na pwedeng maibalik yung dati .
Ngayon , naisip ko na yung pagkakasakit ko at pagkalowbat niya ng cellphone ay ilan lamang sa mga signs na dapat hindi ko sha sinagot dahil sasaktan lang niya ako. Kaya hindi pa rin talaga ako naniniwala sa mga sinasabi nilang dapat kapag nagmahal , Utak ang ginagamit para hindi masaktan . pero bakit ako? Utak na ginamit ko pero nasaktan pa rin ako. Sabi niya "hindi naman kita sasaktan e. Magtiwala ka lang." pero bakit ganun? nagtiwala ako pero sinaktan parin niya ako.
It's easy to forgive but It's not easy to forget. Hanggang ngayon , hindi ko pa rin kayang magsimula ng panibagong buhay pero andito parin yung mga kaibigan ko at family upang tulungan akong makapagsimula ulit. Especially si God , humihingi ako ng tulong sa kanya dahil at first , siya na mismo nagbigay ng sign na hindi talaga kami para sa isa't- isa.
And that's the end of my story ;) sana magustuhan niyo kahit mashadong cheap.
![](https://img.wattpad.com/cover/4856702-288-k512022.jpg)
BINABASA MO ANG
"NOONG UNA PA LANG , IKAW LANG NAMAN NAGPUMILIT!"
RomanceItong story , ay tungkol sa isang babaeng hindi alam kung sino ang pipiliin sa simula kung ang bestfriend ba nya o yung totoong love niya but at the end , yung dalawan lalaking mahalaga sa buhay niya ay nawala sa kanya dahil lamang sa maling desisio...