Chapter 6

8 4 4
                                    

"Why are we getting wasted again?" Tumingala ako kahit antok na antok na ang mga mata ko. Gusto ko ng matulog. Ilang oras na kami sa loob ng bar. Hindi naman mauubusan ng pera si Mase.

"Pinagpalit kasi yun." Nginuso ni Jul si Abi na busy sa pakikipag wild dance sa kung sino mang nilalang.

Nandito kaming magkakaibigan sa bar. Si Kana lang ang wala dahil ayaw nya ni amoy ng alak. Basta may problema ang isa samin lahat kami ay  umiinom. May isa pa palang hindi umiinom Si Mc na Mr. No alcohol. Pero nandito naman sya at umiinom ng orange juice.

"Ayoko na! Shit!" Halos maduwal si Anni. Nagtatakbo sya sa cr.

"Huy gago kayo sino ka makeout nun?!" Sabay sabay silang lumingon sa gawi ni Abi na tinuro ko.

"Pigilan nyo na bago pa maikama." Sabi ni Fran na nag cross leg at sumisimsim ng beer.

"Right. Tayo na Dash!" Tinulak tulak pa ni Mase si Dash para lang tumayo ito. Inaantok kong pinagmasdan ang paghahatakan nila Dash at Abi sa gitna ng dance floor.

"This is wild." Nanlalabo na ang paningin ko. Napadukdok nalang ako sa table.

"Huy gaga ka wag ka matulog d'yan!" Sinapok ako ni Abi sa ulo.

"Tangna bigat ng kamay mo Abi!" Hinihimas himas ko ang ulo ko at bumangon mula sa table. Nawala ata ang antok ko sa pagkairita. Inirapan lang nya ako.

Sa aming magkakaibigan, si Abi ang lagi kong kalambingan. Para kaming mga bata na laging away-bati. Walang araw na magkasama kami na hindi kami nagkakabarahan.

"Masarap 'to tikman nyo! Nakaka good mood!" Ej gave me a blue green to yellow drink. Nakapangalumbaba na ako sa table. Malamang ay namumungay na ang mga mata ko.

"Tigilan mo hindi ako good mood! Bitin!" Inisang lagok ni Abi ang drink na binigay sakin ni Ej.

"Akala ko ba tigilan, ba't mo ininom girl?!" Tawa nang tawa si Ej. Sana sumakit tyan nya nang maisuka nya lahat ng nilaklak nyang alak.

"Sabi mo nakakagood mood. I just tested it. And it's not effective." Abi drank another glass of liquor. Hindi ko alam kung utu-uto ba 'tong babaeng to o ginagago lang nya si Ej.

"I'm back! What's not effective?"  Nagtatakang tanong ni Anni na kakabalik lang galing trip to Jerusalem. Ang tagal nya sa cr. Mukang sinuka nya pati lamang loob nya.

"Ito. Gusto mo?" Halos mabali ang leeg ni Anni kakailing sa pagtanggi ng drink na inaabot sa kanya ni Ej.

Nadala ang gaga.

Na cancel ko pa ang pagkikita dapat namin ngayon ni Alessandro pagkatapos ng class ko dahil dito. Hindi ko pa tuloy nasimulan ang base ng sculpture ko. Pero at least may sketches at plano na ako.

Kamusta na kaya ang lalaki ngayon. Wala naman akong alam sa buhay nya dahil wala pa kami sa part ng friendship na may deep talks about life.

Friendship nga ba talaga?

"Psy kanina ka pa namin tinatawag. Hello?!" Si Mase na kumakaway na pala sa muka ko.

"Kamay mo naman ang baho! Amoy alak." Pinalis ko ang kamay nya.

"Ano ka si Kana 2.0?" Inasar asar pa nya ako sa pagtapat ulit ng kamay nya sa muka ko. This time sinakto nya pa talaga sa ilong ko.

"Uy si Neil may ka chat! Guys may bebe oh!" Pinukol ng masamang titig ni Neil si Anni. Nag peace sign lang sa kanya si Anni sabay layo at lipat ng pwesto. Sumipol si Dash at binwisit si Neil.

"Wag kayong maniwala." Sinilip ko ang cellphone nya.

"Bakit may I love you?" Biro ko kay Neil na mabilis namang tinago ang cellphone nya.

Hindi ko naman mabasa ang nasa screen dahil nanlalabo na ang mga mata ko. Hindi ko nga sigurado kung may 'I love you' ba talaga ron.

"Guilty!" Gatong pa ni Jul habang kumakain sya ng pulutan.

"Ano Psy kaya pa ba?" Hinawi ni Fran ang buhok ko na tumabing sa muka ko.

"Hindi na." Pumipikit pikit na ang mga mata ko.

Inaantok na talaga ako.

"I need to go guys. It's nearly 12 am." I got up my seat. Inalalayan ako ni Fran.

"Neil ihatid mo na sa labas si Psy. Baka kung mapano pa." Marahang saad ni Jul.

"Wait up Psy!" Ibinulsa na ni Neil ang cellphone nya na napasakamay pa ni Anni at Mase.

"Wala pa lang bebe huh?" Sabay na nagtawan at nag apir si Anni at Mase sa sinabi ni Mc. Mukang may nakita ang dalawa sa cellphone ni Neil.

"Ang pula ng muka mo Neil." Tinapik tapik ko ang pisngi nya ng nasa labas na kami.

"Pasok ka na. Ingat Psy." I hugged him.

"Y'all too. Sorry ako unang aalis. Bawi ako next time!" I hopped in the taxi.

Hinintay pa ata ni Neil na mawala ako sa paningin nya bago pumasok ulit ng bar.

Pagdating ko ng bahay nila Kana ay patay ng ang mga ilaw maliban sa kwarto nya. Ayaw na ayaw ni Kana ng amoy ng alak kaya naghubad ako ng damit at nag shower sa guest room.

Sumunod sakin si Chloe sa guest room. Hinayaan ko nalang sya dahil sosyalin ang aso na 'to. Kailangan pag natulog naka aircon. Nag blower ako ng buhok. Nakaantabay naman sakin ang aso.

"Chloe bakit ka nakatingin? Am I pretty?" Nginitian ko ng mtamis ang aso pero hindi man lang ito tumahol bilang pagsagot.

"Ah so panget ako ganun?" Nag pout ako ng tumahol ito.

Kinuha ko nalang ang suklay. Pinili ko nalang magsuklay kaisa makipag usap sa aso.

Grabe pati aso ngayon nagsisinungaling!

Sinaksak ko na ang charger ng phone ko at nilagay ang phone ko sa ibabaw ng small table katabi ng kama. Binuksan ko ang dalawang lamp sa magkabilang gilid ko sa kama. Pinatay ko ang ilaw sa kwarto. Nahiga na ako sa kama.

*beep beep*

I checked my phone. May nag message sakin na uknown number. Wala naman akong pinagbigyan ng number ko. Maliban lang sa note na sinulat ko sa Eros. Pero si Alessandro lang ang nakabasa ng note. Hindi naman siguro sya ang nag text.

Dahil curiosity got the best of me ay binuksan ko ang mensahe.

Uknown number

I miss you

Baka naman wrong number 'tong sender. Talagang sa number ko pa sumakto ang message. Hindi ko na ni replyan dahil baka nga wrong number lang.

Sana nga wrong number lang.

***
A/N: Dahil excited ako mag update eto na. This chapter's dedicated to yxtalzvi


Safe Place Where stories live. Discover now