Chapter 10

2 0 0
                                    

"Put the sofa on this side please." Sumunod naman sa utos ni Psyche ang mga trabahador nya.

Umikot sya sa loob ng condo at pumunta sa kabilang room. Her stilleto's echoed on the tiled floor. "Miss Morsus this tone po ng wallpaper?" Tiningnan nya ang full moon na tone ng cream wallpaper. Umiling sya agad at iwinasiwas ang kamay.

"Use silver birch please." She handed them the wallpaper that best suits the room.

"Yes ma'am." Agad naman nilang hinanda ang wallpaper na ididikit sa dingding.

"Ma'am may tumatawag po sainyo!" Dali daling ibinigay ng secretary nya ang business phone nya.

"A little bit on that side, yes." She raised her hand to motion stop. Nilagay na nila ang frame sa puwesto na gusto nya.

"Ma'am mali po pala yung sukat nito-" I raised my hand to stop him from saying anything. Sinagot ko ang phone na nagriring.

"Hello? Kuya I'm quite busy. Tell me the agenda." Tumahimik saglit ang kabilang linya.

"Psy you changed your number again so I called your busine-" Sumama agad ang timpla ng muka ko. Alam na alam ko na ang tonong 'to. Nilagay ko sa mute ang phone at tinawag ang assistant ko.

"Shina what's the date today?" I asked impatiently.

"May 30, 2024. Thursday ma'am." Napairap nalang ako sa hangin.

"Hey I know you're going to get mad again-"

"But please come to our mom's death anniversary. You already know the answer Parco." Ako na ang nagtuloy ng sasabihin nya. Pinatayan ko sya agad ng tawag.

"Alright double time! We're finishing this shit!" Pumalakpak ako ng dalawang beses to get their attention.

Napailing na lumayo naman sakin ang secretary ko. She knows that I'm not just in a bad mood. This is me, a hell incarnate.

"Who said that dito ilalagay yung sofa? Ilipat nyo yan!" Turo ko sa cinnamon brown sofa.

"Eh ma'am kayo po nagsab-" Shina immediately told them to keep their mouths shut.

"Palitan ng creekside tone 'tong wallpaper. I want everything perfect for the client!" Napakamot nalang sa ulo ang ibang trabahador.

"Ma'am nakadikit na po-"

"Aren't you listening to me?" Pumasok ako sa iba pang room. I checked the furnitures.

"Ayan nanaman sya lord." Para bang mamamatay na ang isa sa employee ko.

"Bakit ba ganito nanaman po?" Nagpupunas na ng pawis ang isa.

"Why is this wall blank? Put something to brighten up the space!" Sumenyas ako na dalian na nila dahil nauubos na ang pasensya ko.

I badly need a drink.

"Ma'am flowers po? San po ilalagay-" Napigtal na ang pasensya ko.

"Why is that a real flower? Allergic sa pollen ang client my god! Do you want this project to fail?" Maiyak iyak naman ang babae sa harap ko dahil sa sigaw ko.

Pilit na inilayo naman ni Shina ang babae habang hinahagod ang likod nito. I made her cry. I sighed loudly.

"Let's just continue this tomorrow. 8 am sharp. No one should be late!" People dispersed from all directions. Umalis ako sa condo at bumaba na.

"So that's what happened?" Nagsalin ng Shiraz si LV sa vintage glass.

"Yes. He's still persistent as ever. In game sa butihing anak." Tinungga ko ang Zinfandel sa baso ko.

"Well you can't blame him. He just wants you to be finally okay Psy." LV is concerned.

Tumango nalang ako kahit wala talaga akong balak mag agree. Ang dami pa naming pinagusapan. Sinagot ko naman lahat ng tanong nya. Hindi ko ba alam at wala na akong matandaan.

Ang alam ko lang ay nasa harap na ako ng puntod ng nanay ko. Umiiyak sa ulan. Basang basa na nakaluhod sa puntod nya. "S-sorry ma. S-sorry...hindi ko sinasadya...ma. K-kung h-hindi ko lang sana...sana nandito ka pa. Sana hindi galit sakin si Papá."

Lumakas pa ang buhos ng ulan. Para bang hindi na titila. Kumulog ng malakas at kumidlat. Gusto kong humiyaw mawala lang ang sakit. Gusto kong ilabas lahat sa harap ni mamá.

I touched the letters of her name.

"S-sorry pa, ma." Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.  

Dahan dahan kong itinayo ang sarili ko. Namamanhid lahat sakin. Wala sa loob akong naglakad pauwi. Ilang beses akong natapilok sa daan. Basta ang alam ko kahit gaano kalayo gusto kong maglakad.

Hinubad ko na ang stiletto ko at nagpaa habang umuulan. Madulas ang daan kaya pinilit kong magdahan dahan.

Bukas ko na aalalahanin ang mga sugat sa paa ko. Nakakapagod ang lahat.

Kung akala ko'y wala ng ilalakas ang ulan ay lumakas pa ito. Nagtatakbo ako ng makakita ng bench sa gilid. Naupo ako rito at nilagay ang mga gamit ko.

Pagbukas ko ng phone ko ay 11:11 pm na. Naalala ko ang taong nagturo sakin mag wish sa ganitong oras. Kaya tumingala ako sa langit nang may mapait na ngiti.

"Maybe all my other wishes were never heard...but I hope this one will reach you..." Pumikit ako sa kawalan. Dinama ko ang malalaking patak ng ulan.

Nakauwi ako ng basa sa condo. Tiningnan ako ng guard kaya nakipagtitigan din ako. Ano naman sa kanya kung basa ako. Hindi ba sya naawa at sugat sugat paa ko.

Parang gusto pa nya ako mag mop ng putik na nakalat sa tiles sa lobby.

Umirap ako sa hangin at nagtungo na sa cr. Gusto ko sanang magbabad sa bathtub pero mahapdi ang sugat ko sa paa.

"I remember where we started, I remember how you looked." I hum the song habang nagbibihis ako.

Nagpunta ako sa laundry area at isinalang ang mga damit kong basa sa washing machine. Buti nalang at automatic madaling matuyo hindi na kailangan magsampay.

"Don't tell me, tell me that you're leaving. My belly hurts, and my heart is hardly beating right." Tumulo nanaman ang luha ko.

"I hate to beg, but I'll try one last time..." Suminghot singhot ako sa lapag ng laundry area.

"Tangna..." Pinigilan kong umiyak pero wala eh. Ayaw huminto.

***
A/N: Song: The book of You & I by Alec Benjamin

Safe Place Where stories live. Discover now