Chapter 3

13 4 1
                                    

Flashback...

"Psyche report card mo pinabibigay ni Ms. Paz." Nagiwas sakin ng tingin ang kalase kong si Xyla ng iabot nya sakin ang card ko.

Napatingin ako sa gawi nila Beatrice ng magtawanan ng malakas ang grupo nila. Sya lang ang nakatingin sa gawi ko habang nakangisi.

Pinagwalang bahala ko nalang at tiningnan ang marka ko. Pito ang subjects ko under fine arts, at hindi ko gusto ang mga numero na nakikita ko.

Puta puro dos at may isang tres.

"Kung minamalas nga naman." Gusto ko ng matapos ang oras at umuwi. Vacant namin ngayon dahil wala si Ms. Santos, nag file ng leave dahil kasal nito.

Last period na.

"Balita ko naglabasan na ng grades this semester." Panimula ni mama sa hapagkainan. Alam ko na ang kasunod nito.

"Tapos na ako." Tumayo ako kahit wala pa akong nasisimulan sa pagkain na nakahain sa lamesa. Lumagapak ang baso ni mama sa lamesa.

"Huwag kang bastos Psyche!" As usual tahimik si Papa dahil kahit anong gawin ko sa buhay ko ay wala syang pakielam.

Itong isa nasobrahan sa pakielam.

"Bakit sa iba ko pa kailangan malaman ang grades mo? Grades mo na patapon!" Halos magpanting ang tainga ko sa sinabi nya. Hinampas nya sa lamesa ang report card ko.

"Iisa lang din naman ang sasabihin nyo. Para saan pa?" Hindi ko na dapat dinadamdam ang mga sinasabi nya.

"Sinabi ng business management ang kunin mo ng may pakinabang ka sa pamilya! Pinilit mo ang gusto mo at nag fine arts ka hindi mo naman pala kaya!" Sigaw nya ang namayapa sa dining room.

"Ma, hindi naman bagsak si Psyche." Kuya finally meddled in. Lagi nalang syang taga awat namin ni mama tuwing nagkakasagutan. Hindi na 'to bago pero palala ng palala ang bawat engkwentro namin.

"Tingnan mo si Beatrice, alam magsikap! Matalino ang bata dahil nag-aaral ng mabuti! Ikaw! Hinayaan ka na nga sa desisyon mong kurso hindi mo pa kayang galingan!" Halos mapatid ang litid nya sa leeg sa kasisigaw sakin. Pero mukang ayos lang sa kanya na matanggalan ng litid basta mapasama ang loob ko.

"Magaling din naman ako ma. Ako pa nga ang nauna na sperm cell. Hindi nga lang si Beatrice ang resulta." Nag walk out na ako bago pa kung ano ang mabitawan kong salita.

"PSYCHE VRI MORSUS-"Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mama dahil sinampal ako ng Papa kong nagkaroon bigla ng pakielam.

"Ganyan ka ba dapat magsalita sa Mama mo?! Hindi ka namin pinalaki para magkaganito lang!" Nagtubig ang mga mata ko pero hindi ko hinayaang pumatak ito.

"Hahah si kuya ang nagpalaki sakin. Huwag kayong umakto na para bang may tinuro kayo saking magandang asal!" Isang matunog na sampal nanaman ang sumalubong sakin. Humapdi ang labi ko kaya alam kong nagdurogo na 'to.

"Pa, sumusobra na kayo! Psyche umalis ka muna. Ako ng bahala rito." Inaakay na pilit ni kuya si Papa palayo sakin. Si Mama naman ay masama ang titig na pinukol sakin.

"Kaya nasasanay ang bata na yan Parco! Lagi mong kinakampihan!" Tinungo ko ang kwarto. Dinala ko ang bag ko at iba kong gamit.

Dama ko pa rin ang pamamanhid ng labi ko. Nagpunta ako sa Eros café. Halos walang tao rito dahil luma na ang café. Affordable lang din ang mga pagkain at makikita mong laging malinis ang paligid.

Hindi na muna ako uuwi. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko ang puwede kong abalahin ngayong gabi. Alam kong walang busy sa kanila dahil kakabigay lang ng grades pero ayoko pa ring humingi ng tulong.

Umorder na ako ng pagkain. Sa paghihintay ko ay napansin ko ang board nila sa paderna may mga sticky notes. Mukang puwedeng magsulat ang mga customer.

Lumapit ako sa board at pumili ng kulay ng sticky note sa lamesa. Pinakat ko ang lavender sticky note sa board.

I'm so tired of being compared ;>

"Order for number 4!" Kinuha ko na ang order ko.

Hindi ko maiwasang mapangiwi tuwing ngumunguya dahil sa sugat ko sa labi. Tumingala ako sa board ng makitang may lalaking nagsusulat doon.

He looks nice.

Nagtungo ako sa cr pagkatapos kumain. Hinugasan ko ang labi ko na may tuyong dugo. Para pala akong bampira kanina sa labas.

Namumutla na nga, may dugo pa. Bampira nga.

Lumabas na ako ng cr. Nadaanan ko ang board kaya sinilip ko ang note ko. Nanlaki ang mata ko ng may makitang note na nakapatong sakin. May kasamang bandaid na naka pin sa tabi ng note.

Wanna talk about it? ^-^ Here's a bandaid! Your lip seems to be bleeding.
-A

Napansin ko nalang na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Nagsulat ako ng mensahe at dinikit sa ibabaw ng note nya.

Thank you for your concern A :>

Napagdesisyunan ko na sa bahay nalang ni Kana ako mag stay. Kaibigan ko sya mula high school. Kilala na ako ng parents nya dahil pabalik balik nalang ako sa kanila tuwing may problema ako. Mababait naman ang mga Calope sakin simula't simula.

"I'm not gonna ask if you're alright. Here drink some warm milk." Kana offered me a glass. Malamang ay nakita nya ang bandaid  sa labi ko.

Nandito kami sa kwarto nya. Wala ang parents nya at nasa business trip sa Japan. Kaming dalawa lang ang nasa bahay nila at mga katulong.

"Come here Chloe cuddle ate!" Madaming aso sila Kana kaya lagi akong nakakapag relax kapag madaming nangyayari sa bahay.

"Just a few years and matatapos mo na ang college life mo." She patted my head warmly.

"Hmm." Hindi ko na namalayan na inaantok na ako. Hinahagod ni Kana ang buhok ko habang nakadapa ako sa kama.

"Sige matulog ka na maaga pa bukas ang pasok mo." Pumanik na sya sa kama nya at nahiga. Hindi kami pareho nagpapatay ng ilaw. Ayaw nya ng madilim. Gusto ko naman ng dim lights. Dalawa ang ilaw nya sa kwarto kaya okay lang din dahil isa lang ang nakabukas at yun ang nakatapat sa gawi nya.

Napamulat ako ng mata ng maalala ang lalaking nagsusulat sa board kahapon. Sya lang naman ang nakita kong nagsulat sa board kahapon. Maybe it's really him who gave me the bandaid.

He doesn't only look nice. What a kind soul.

Safe Place Where stories live. Discover now