Chapter 5

11 4 3
                                    

"Hala gago yung note!" Napabangon ako ng maalala ko ang note na iniwan sa Eros. Nakakahiya naman kasi kung hihingi pa ako ng pabor kay Alessandro dahil naabala na sya sakin kahapon. I forced myself to get ready kahit masakit pa ang paa ko.

I was rushing to get outside of the taxi para makapasok agad ng café. Linggo ngayon kaya sa labas pa lang ay medyo may tao na sa loob. Napanganga ako ng makapasok ako sa loob at matanaw na hawak ni Alessandro ang note ko.

"Wala kang nakita! Binabawi ko na pala." Hinablot ko sa kamay nya ang note at nilamukos ito.

"Why? Hindi ko pa naman naririnig ang gusto mong pabor. Let me hear it." Iba ang kislap ng mga mata nya ng tumingin sya sakin pabalik. He seem to like the situation I'm in.

"I don't want to ask you a favor anymore. Hahanap nalang ako ng ibang magiging model ng sculptu-" Natutop ko ang bibig ko ng masabi ko ang pabor na hindi dapat sabihin.

Ang tanga lang Psy.

"I agree." Tumango ako. Buti naman ay madali syang kausap. Akala ko ay mahihirapan pa akong kumbinsihin sya na wag nalang sya ang maging model ng sculpture ko.

"Tama, hahanap ako ng iba-" He took a step closer to me kaya napaatras ako.

"I agree. I can be your model. Hindi mo kailangan maghanap ng iba. Nandito naman ako." Parang iba yata ang nadinig ko. Kailangan ko na yatang maglinis ng tainga.

"A-ade ikaw na nga lang. Sabi ko nga. Hindi ka ba masyadong malapit? Tumabi tabi ka nga." Pagtalikod ko ay pinapaypayan ko ang nagiinit kong muka. Pagtawa lang nya ang narinig ko sa likod ko.

His laugh even sound nice.

Humanap ako ng table na mapagtatambayan. Dahil malapit na ang deadline tinanggal ko ang pagkabalisa ko at hinatak ko ang lalaki sa table. Mukang nabigla pa nga sya na hinatak ko ang pulso nya.

"Free ka ba ng monday afternoon? Para makapag start na rin ako ng base." He looked amused.

"We can even start now if you want. Are you tight on schedule?" Ako ang gagawa ng sculpture. Parang mas excited pa sya saking masimulan ko ang piece. Wala pa nga akong materials.

"Wala pa akong materials Mr. A." Inirapan ko sya.

"We can buy the materials now if you want?" Ang kulit din ng lahi ng lalaking 'to. Naalala ko tuloy si LV.

Ikaw ba gagawa mas marunong ka pa sakin?

"Oh tara na! Dahil excited ka, ikaw magbubuhat ng mga bibilhin ko."Sabay kaming lumabas. Nakakahiya pala hindi kami umorder sa Eros dahil busy kami sa paguusap.

Busy sa isa't isa?

Napailing nalang ako sa iniisip ko. Pinagbuksan nya pa ako ng pintuan ng kotse.

Wow galawang gentleman.

"Where do I put these boxes? Damn these are heavy." Tinuro ko kay Alessandro ang spare room na paggagawan ko ng sculpture sa bahay nila Kana. Tatlong box na patong patong and dala nya.

"Tara may pupuntahan pa tayo bilis!" Sumakay ulit kaming kotse. Tinuro ko sa kanya ang daan papuntang  bahay namin.

"Why are we tiptoeing? Is this your house?" Dahan dahan kaming pumasok sa bahay. Kailangan ko lang kunin ang mga panghulma ko sa sculpture.

"Shhhh. Wag ka na ngang maingay d'yan. Basta magdahan dahan ka lang." Pabulong kong pagbabawal sa kanya.

Dali dali akong pumuntang kwarto. Hinanap ko ang mga gagamitin ko sa sculpting at nag pack na.

"Psyche!" I quickly grabbed his hand ng marinig ko si mamá. Muntik pa syang matalisod kaya nasamid ako kakatawa. He glared at me kaya huminto ako sa pagtawa.

"Psyche bumalik ka rito-" Dinig na dinig ko ang nagbabantang boses ni mamá hanggang labas ng gate.

Tumakbo kami palabas. Tawa ako ng tawa ng makapasok kami ng kotse. Asa naman syang babalik ako sa loob para pakinggan ang misa nya.

"Is that your mom? Silly girl." Nangingiti pa ang lalaki sakin. Tumango lang ako at umayos ng upo.

"Step on it." Ngumuso ako sa accelaration pedal. Sumunod naman sya at nakaalis kami agad sa tapat ng bahay.

Good thing mamá didn't run after me.

"Wag kang gagalaw!" Nangunot ang magaganda nyang kilay.

Nandito na kami sa bahay ni Kana. Nakaharap sakin si Alessandro habang nakapangalumbaba sya sa isang kamay. Iginuguhit ko ang muka nya sa sketchpad ko. Pangalawang try na 'to dahil ang isang iginuhit ko kanina ay side wiew nya. Hindi ako makapili. Kahit anong pose ata ang ipagawa ko sa kanya ay bagay sa kanya.

"Wag kang magkamot! Sasakalin kita!" Pinanlakihan ko sya ng mata. Tinawanan nya lang ako habang nagkakamot pa rin ng batok nya.

"It's itchy Psy. Kung ayaw mo akong gumalaw ikaw magkamot." Tumataas taas pa ang kilay nya sa kapilyuhan.

Aba't hinahamon talaga ako.

I swiftly walked and reached him. I sat in front of him and leaned my face to his.

"Can I touch you?" Nanigas sya sa kinauupuan nyang sofa. Hindi nya pa ma irehistro ang sinambit ko.

"W-what?" Pinitik ko sya sa noo.

"Your face." I didn't wait for him to answer.

I slowly traced his brows down his closed eyes to his cheek bones. My fingertips met his firm jaw line 'till it settled down his luscious lips.

"S-stop what you're doing-" Namumula na ang mga tainga nya.

"Shhh. A, I'm memorizing every stroke of your face." Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.

I held his chin and lifted it up. I want to inspect every inch of him. He looks like a piece of art. He opened his eyes. Maybe to peek on me. My eyes met his heated stare. Our breaths became shallow. I gathered my thoughts and backed away from him.

Ano 'to Psy?

"Fanculo! Il mio cuore." He whispered something and held his chest lightly.

Ano raw?

"Y-yeah. This is enough." I cleared my throat.

Inayos ko na ang mga gamit ko. I walked in the kitchen. Kinuha ko sya ng  malamig na tubig na maiinom. Namumula na kasi ang buong muka nya.

"Thank you for your service today. Pwede ka ng umuwi." He nodded his head. Inabot ko sa kanya ang baso ng tubig. Ininom naman nya agad ito ng walang kibo.

Alessandro sped off. Tanaw ko sya sa bintana sa taas sa kwarto ni Kana. Bumaba na ako sa sala. Pinagmasdan ko ang sketchpad ko sa lamesita.

Ang gwapo nga.

"Huy!" Ginulat naman ako ni Abi na kakarating lang ata.

"Ay tangna!" Halos maibato ko ang sketchpad ko sa muka nya. Kasama nya sina Jul.

"Bakit naman kasi nanggugulat?!" Nawala ang ngisi nya't tinitigan ng mabuti ang hawak ko.

"Wow may lalaki ka na ha! Pasado! Ang gwapo! Ang taas ng standard mo ha." Inagaw nya sa kamay ko ang sketchpad ko.

Buti nalang ay hindi sila nag-abot ni Alessandro. Kung hindi ay tatadtarin at gigisahin ako ng tanong ng mga 'to.

"Patingin nga!" Ayan nag-agawan na sila. Hinahatak ni Mase sa kamay ni Abi ang sketchpad ko. Si Anni naman ay tinatapik paalis sa sketchpad ko ang kamay ni Abi. Sa kabila naman ay si Kana na nakikisilip lang habang nakatuntong sa sofa.

"Parang Eros ah! God of love! Meant to be kay Psyche! Goddess of soul! Nux!" Fran butted in. Nako nandito rin pala sya. Natampal ko nalang ang noo ko. Mahilig kasi sya magbasa ng mga greek mythology. Nakiagaw din sya sa sketchpad ko.

Wag sana mapunit ang sketchpad ko.

***

A/N: Mase (meys). Sorry ngayon lang update sleepy heads. Umalis kasi kami.  Dedicated to AngelynPingol2 Fanculo! Il mio cuore. (Translation: Fuck! My heart)

Safe Place Where stories live. Discover now