CHAPTER TWO:He's The Boss?

160 5 0
                                    

   Ilang minuto din ang nagtagal bago ko tuluyang marating ang sinasabing kompanya ni blaire. Matapos kong bayaran ang sinakyan kong taxi ay agad akong bumaba.

   Iniangat ko ang ulo ko at ganoon na lamang ang pagkamangha ko sa laki ng building na nasa harapan ko. Ang magandang disenyo nito sa labas ay talagang nakakapukaw ng pansin.

   Nang pumasok ako sa loob ay mas lalo akong namangha. Tama nga si blaire‚ nakakamangha nga ang labas at loob ng gusaling ito.

  Matapos kong magmuni-muni ay agad kong hinanap ang elevator upang magtungo sa 7th floor‚ hindi naman ako nahirapan dahil nasa left side lang din naman ‘yon ng entrance.

  Naglakad ako patungo doon at pinindot ang button na nasa right side nito dahilan upang magbukas ito‚ pumasok ako doon at pinindot ang ikapitong numero.

   The elevator was about to close when a pair of hands stop it. Muling bumukas ang elevator.

   “I’m sorry Miss but i’m in a hurry.” bakas sa boses nito ang pagkahingal.

Sandali akong natigilan sa isang pamilyar na boses na iyon. Nanlamig ang kamay ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Iniangat ko ang ulo ko para sana tingnan kung sino ito ngunit tanging ang maskuladong likod na lamang ng lalaki ang nakita ko.

Hindi ko alam na nakapasok na pala ito.

   Dumako ang tingin ko sa naka side view na mukha niya ngunit tila bigo ko din makita ang itsura nito dahil sa suot nitong itim na mask at cap.

Iniyuko ko ang ulo ko.

Napabuga ako ng hangin.“Baka naman kaboses niya lang ‘di ba?”pabulong kong tanong sa sarili ko.

  “So you’re also going to 7th floor?Applying too?”napa-angat akong muli ng tingin sa kaniya sa biglaang pagtanong niya.

  Ako ba ang tinatanong niya? Napatingin ako sa kaliwa’t kanan.

  “Your the one i’m asking‚ Miss.”saad nito‚ napansin niya ata ang ginagawa ko.

   Napa ayos ako ng tayo at nahihiyang napabalik ng tingin sa gawi niya ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng mapagtantong kasalukuyan din pala itong nakatingin saakin.

  Tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. His pair of eyes is color green‚ not hazel brown eyes.

  Agaran akong nag-iwas ng tingin. I was about to answer him when the elevator suddenly opened.

   Nasa ikapitong palapag na pala kami.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya para sana sagutin ang tanong niya ngunit hindi ko na natuloy ng magsalita ito.“I’m sorry miss but I need to go.”saad nito bago mabilis na naglakad papalabas ng elevator.

   Napakibit balikat na lamang ako at sumunod na rin sa paglabas. Nilingon ko ang gawi kung saan siya naglakad ngunit wala na siya doon‚ ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at mas minabuting hanapin ang manager’s office.

  Mabuti na lamang dahil mabilis ko iyong nahanap. Madaming tao doon‚ karamihan pa doon ay mga kababaihan.

  Ngunit mabilis din na umusad ang hanay‚ bukod kasi sa hindi sila natanggap sa gusto nilang pwesto sa trabaho ay hindi daw nila nagustuhan ang inasal ng sekretarya ng CEO kaya naman nagsialisan na din ang iba.

Maya-maya pa ay lumabas ang nasa unahan ko kaninang babae.

Inis nitong pinunit ang resume niya at akma na sanang sisipain ang pinto ng opisina ng pigilan siya ng dalawang bodyguard.

  “Get off your dirty hands of me‚ i’m the one who’s deserving for that place in this company.”pahabol na sigaw nito bago pa man siya tuluyang makaladkad ng mga ito papalabas.

One Night Stand With My Boss [HIATUS]Where stories live. Discover now