CHAPTER TEN:Make her mine

131 6 0
                                    

   Alam kong mali ang ginawa niya‚ he definitely kissed me without even minding me. But why does my heart beat so fast everytime I think about it?

  Napatingin ako sa kalangitan ng marinig ang pagkulog‚ ang maliwanag na ulap ay sinimulang balutin ng dilim‚ bigla ding lumamig ang simoy ng hangin na ikinayakap ko sa sarili.

Uulan ba? Huwag naman sana‚ wala pa namang dumadaan na sasakyan dito‚ nasa kabilang highway pa yung waiting area kaya naman kung uulan ay paniguradong mababasa talaga ako bago pa man ako tuluyang makarating sa trabaho ko.

Muli kong ibinalik ang tingin sa daan at mabilis na hinakbang ang paa ko ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ang unti-unting pagbuhos ng ulan sa kapaligiran.

Pîste. Wala akong dalang payong.

Nagmamadali naman akong napatakbo sa malapit na convenience store‚ tumayo sa harap niyon at doon ay nakisilong.

Napatingin ako sa kalangitan ng mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan‚ umaampiyas pa iyon saakin kaya naman mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa sinisilongang bubong.

“Ang malas naman‚ tumila ka please..” bulong ko habang mahinang napabuntong hininga. Paniguradong naghihintay na din si Sir. Gustavo saakin.

Bihira pa namang may dumaan na sasakyan dito‚ mayroon naman pero paniguradong private vehicle yun or kaya naman service kaya no chance din na makakasakay ako.

Dumako ang tingin ko sa harapan ko ng may humintong kotse doon‚ mukhang mamahalin.

Ibinaba din nito ang tinted na salamin ng kotse niya at mula sa driver seat ay sumilip ang di pamilyar na lalaki.

“Miss!”

Nangunot ang noo ko‚ nakatingin siya saakin pero hindi ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niya. May babae rin kasi akong katabi pero mukha namang walang pake‚ panay ang ngiti at busy pa ata makipagharutan sa boyfriend niya.

“No need to look to her madam. Your the one i’m calling Ms. Savior!” sigaw nito

Napatingin ako sa kaniya.

“Ms. Savior? Sino? Ako?” tinuro ko ang sarili‚ ngumiti naman ito bago dalawang beses na tumango.

“Yes‚ Ms. Savior. It’s you right?” saad nito na ikinakunot ng noo ko.

His voice sounds familiar but I doubt it‚ hindi ko sigurado kung siya ba iyon isa pa kulay berde ang mata niyon at hindi kulay itim. Saka Ms. Savior? Mukha ba akong super hero?

“It’s me madam‚ the guy who borrowed your cellphone yesterday.” he uttered‚ nakangisi at mukhang natutuwa pa sa naguguluhang mukha ko.

Mukhang nalinawan naman ako‚ kaya pala pamilyar ang boses niya saakin eh.

“Ah‚ ikaw pala yun‚” sagot ko na halata namang hindi niya narinig dahil sa ginagawang ingay ng ulan.

Sumeryoso naman ang mukha nito. “Your going to your work aren’t you?” tanong nito.

“Hindi tayo close para sagutin ang tanong mo‚ mister.” Wika ko‚ matunog naman na tumawa ito.

“Well i’ll take that as a yes Ms. Savior and since we’re friends now I will give you a free ride.” sarkastik na sagot nito.

“W-wait‚ hindi ko sinabi—”

“The rain becames even more heavier‚ seems like it won’t stop. Paano ka kaya makakaalis niyan Ms. Savior?” pagputol nito sa sinasabi ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid‚ mahina akong napabuntong hininga ng mas lalo ngang lumakas ang ulan.

“Fine‚ salamat.” wika ko habang muling idinadako ang tingin sa kaniya.

One Night Stand With My Boss [HIATUS]Where stories live. Discover now