TRACK: intro

4 0 0
                                    

"Mirage! Mirage! Mirage!" /mi-ra-ji/


Paunti-unti nang bumabalik ang mga hiyawan at palakpakan na hindi ko marinig simula pa nung unang kanta namin. The spotlight almost made it impossible to see but the fans were cheering out loud. Our fans.


Nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko mula sa baba patungko sa leeg ko pati na rin ang pawis na pababa sa likod ko. Sino ba namang hindi papawisan sa suot ko?


Nanahimik saglit ang buong arena at naghihintay sa susunod na gagawin namin.


A strong strum of guitar suddenly broke that silence.


Lumingon ako kay Macchi at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin na tila sadya niyang hinuhuli ang atensyon ko. He continued strumming some notes to what I realized is the intro of our last song.


Macchi was straight staring at me. Sa totoo lang, parang may sinasabi ang mga mata niya at hindi ko iyon mabasa.


Agad siyang sinundan ni Adrian at Gray kaya unti-unti na namang bumalik ang sigawan. Of course, they've been waiting for this song all night.


Sabi nga nila, ito ang anthem ng fandom ng Mirage.


Those words somehow speak of our long journey. 'Told Ya' was our very first song. A song that tells each of our stories. Hindi ko talaga inaasahang aabot kami sa kinatatayuan namin ngayon. Pinapangarap lang namin ito dati.


Our stage. Our supporters. Our melody.


I strummed along with my guitar before almost screaming the lyrics to the microphone because of the excitement.


I hope you enjoy listening to our discorded hearts.

Escaping Discorded BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon