Halos tumalon sa gulat ang mga tao sa studio nang tumunog ang phone ko na nasa isang table malapit sa set namin. Fudge! Nakalimutan kong i-silent!
"I'm sorry!" I immediately apologized. Kinuha naman ni Jane ang phone ko at nang tignan niya ang name ng caller ay pumasok siya sa dressing room. 'Di kasi ako makagalaw dahil patapos na ang shoot ko now.
I told the photographer to continue so we can end earlier than expected. Sabi ko nga, maayos akong ka-trabaho. Curious na rin ako kung sinong tumawag sa'kin dahil sinagot 'yon ni Jane.
Pagbukas ko ng pinto ng dressing room, palabas na rin pala si Jane at kakatapos lang ng tawag.
"Sino 'yun?" tanong ko sa kanya habang nagtatanggal ng accessories. Medyo natataranta naman ako, baka kasi importanteng tawag.
"Si Issa," sagot niya bago binigay ang phone sa'kin. "Sabi ko, ikaw nalang tatawag sa kanya since may shoot ka kanina."
Jane helped me in changing my clothes, pati na rin sa pagtanggal ng make-up ko. Mas lalo ako naging curious nung malaman kong si Issa ang caller. Ano kayang ganap? May schedule kaya ako sa kanila?
"Issa? Hi!" bati ko.
[Girl! Hello!] kinikilig na bati niya sa'kin. Nung una, medyo maingay pa ang background niya pero nakarinig ako ng pag-sara ng pinto at nawala na ang mga tunog. Nasaan kaya siya?
[Sorry kanina, 'di naman ba ako naka-abala? Huhu!]
"Okay lang, ano ka ba! Kakatapos lang din namin ngayon." After Jane finished packing our things, I followed her out of the room. Si Jane na rin ang nagpaalam sa mga kasamahan namin at ngitian ko nalang sila bago umalis.
[May naka-sched ka pa ba? Iimbitahan sana kita.] Napanguso naman ang sa narinig. Hmm, may kasunod pa nga ba ako? The elevator then opened for us. Jane went in before me.
"Check ko muna with Jane." Lumingon naman siya sa'kin nang marinig ang pangalan niya. She raised both eyebrows at me and waited for me to speak. "May gagawin pa ba 'ko?"
"Wala na. Hindi ko naman pinupuno schedule mo kapag Biyernes," she answered while looking at her own phone. Huh, Friday pala ngayon? Nawala sa isip ko.
"Wala raw," sambit ko naman kay Issa sa kabilang linya.
[OMG! Pwede ka ba dumaan rito samin?] she excitedly asked. [Dito sa Debonair, I mean.]
'Yon yung pangalan nung building ng photoshoot namin kasama si Gray kaya agad ko namang naalala. Sa tuwa ko ay napatango ako kahit hindi makikita ni Issa. Tinawanan naman ako ni Jane.
"Sige, pero kausapin mo si Jane," nang-aasar na sagot ko sa kanya. Nasanay na rin kasi ako na dumadaan lahat ng ganap ko through her. And deep inside, gusto ko pa rin na alam ni Jane ang mga pinaggagawa ko sa buhay. Inabot ko agad ang telepono sa kanya.
Kahit nagtataka ay kinausap pa rin ni Jane si Issa. Kasabay ng pag-tunog ng elevator ay ang pagbaba ng tawag. Jane returned the phone to me while I clung on her arm.
To make it short, pumayag si Jane sa sinabi ni Issa at ihahatid niya nalang daw ako roon. Kaya papunta na kami sa Debonair ngayon. Ano kayang gagawin namin? Nakalimutan kong itanong kay Issa kanina.
Speaking of, she and Kiana waved when we saw them outside the building as if they're waiting for us. Sinamahan ako ni Jane hanggang sa entrance lang.
"Mag-text ka kung tapos na," paalala niya sa'kin kaya tumango ako. Jane also hugged the girls before leaving.
Humawak pareho si Issa at Kiana sa magkabilang braso ko habang naglalakad kami papasok ng building. They're telling me things like, excited daw sila ngayon and kinikilig kasi nakapunta ako.
BINABASA MO ANG
Escaping Discorded Beats
RomanceFor Celestine, singing is her heart's desire ever since she was a kid. The sound of music is what she like to wake up to everyday, and sleep to every night. Until she had to leave it for her sister, whom she believes is more worth than her own first...