Chapter 3

124 5 0
                                    

"Uy girl, nakita ko si Mikha sa library kanina gosh sobrang ganda!!!"

Napalingon ako sa babaeng naglalagay ng mga gamit  niya sa locker na mukhang masaya habang binabanggit ang pangalan ni trouble-maker.

"Nakita ko rin! Kaya pala ang daming tao sa Library ang dami pang tumulong"

Napataas ang kilay ko sa kasama nung unang babaeng nagsalita. I class just ended so I don't exactly know what's happening sa library. But to think that Mikha really went to the library just like what I said is already a good start. Sumusunod naman pala. I did not exactly expect her to come, maybe she will pero baka late. Well, a person like her tends to do that.

"Nandun din si Vi, yung patay na patay sa kanya. Grabe! Halos akuin niya lahat ng ginagawa ni Miks eh HAHAHA"

Aside from being trouble-maker yes she's habulin ng mga babae. Parang every week ata may girlfriend yun.

I opened my locker to get the books I scheduled for today's study session with Jhoanna and Maloi. Afterwards, I went to the library where Jho and Maloi is waiting for me.

Di paman ako nakapasok halatang puno na ang library ng mga students. Some were giggling to the person beside them with heart eyes.

Nung nakita nila ako agad naman silang tumabi para maka daan ako. I roamed my eyes to find my friends before I check on Mikha. There, I saw them in the corner while watching on the same spot.

I look at where they are looking at and I found Mikha na nakaupo habang nagtuturo kung ano pa ang dapat na ligpitin sa tatlong babaeng parang mga tuta kung maka tango.

What the hell?!

"After this get something to clean the floor" Mikha said in a very gentle tone like she's trying to use her charm on these girls. Napa nga-nga ako ng pumayag yung tatlo. Oh my God. Punishment niya ba ito o nang tatlong babae?

Sa inis ko agad akong lumapit sakanya. I heard gasp from other students but I paid no mind.

"Am I seeing things right, Miss Lim?" I asked while slamming my books down the table infront of her. No one dared to ring the bell to silence everyone because they know me. I love love the privilege.

Medyo nagulat siya sa pasigaw na tono ko na agad na nagpatayo sa kanya.

However, she eventually shrugged her shoulders off me.

"I did not forced them to do this. Kanina pa ako naglilinis pero sila itong mapilit. I'm just kind enough to let them" There's a small playful smile in her face while she's saying that. Napakayabang.

"Oo nga, Aiah. Okay lang samin"

I chuckled. Sakanya okay pero sakin hindi.

"Really? " tanong ko habang nakangiti. Tumango silang tatlo, pwes

"Then go to the guidance office and get a red slip. Saka kayo bumalik dito para maglinis."

Agad namang namutla ang mga mukha nila saka agad na nilagay ang mga libro sa lamesa.

"Sorry, Aiah. A-aalis n-na kami...t-tara na girls!" Sabi nung parang leader nila saka agarang kinuha ang mga gamit nila at tumakbo paalis. Bumaling ako kay Mikha at nakita ang mangha niyang mukha.

I raised my brows at her.

"This have to be the last time na makitang may tumutulong sayo. This is something you have to face yourself alone" madiin kong sinabi so she will get that I'm serious with this matter.

MISCALCULATED [MikhAiah]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon