"Hey...I'm sorry" She said between her laughter. Hindi ko na hinintay mga kaibigan ko dahil alam ko'ng namumula na ang mga yon sa kakatawa. Lumabas na ako ng library dala ang mga libro at inis na nararamdaman ko sa ginawa ni Mikha kanina. Nilingon ko siya at tinirigan ng sobrang dilim.
"It was not funny, Miss Lim! Kulang nalang tumawag ako ng medic dahil baka kung napano ka. I wasn't informed na baka may sekreto kang sakit kaya ka napuruhan at nahimatay sa pagod! "
Singhal ko sakanya. Ang boses ko ay puno nang galit at inis na kulang nalang ay bugahan ko siya ng apoy. Pero imbes na magguilty siya ay mas lumapad lang ang kanyang ngiti. I stared at her confused. Can't she really understand?
"I don't want to think this way but, Are you concerned about my well-being?" Oh God! Gusto ko siyang sapakin, kuhang kuha niya ang inis ko.
"Are you even thinking? Kung napano ka nga, ako yung sisisihin. I'm more concerned of my own well-being dahil kung ano man ang mangyari sayo ako yung magiging masama sa mata ng iba!" I spat at her and walked away again. imI heard her footsteps coming kaya mas binilisan ko na ang paglakad pero agad ko'ng naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.
"ANO BA!?" I wasn't able to hold it, nasigawan ko na siya.
"I'm sorry. Hindi ako nag-isip ng tama..." her voice was too soft that surprised me. Walang bahid ng kapilyuhan at tawa sa sinabi niya. She's serious.
"Yeah. It's nice that you're aware, now, let me go." binitawan niya na ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaang humakbang para umalis. Tinignan ko siya ng seryoso at ganon din siya sakin.
"Ano? May sasabihin kapa?" Tanong ko. None of it was delivered in a soft and gentle way. Parang wala na sa sistema ko ang kausapin siyang maayos ngayon.
"W-wala... " Tumagal na naman ang paninitig niya sa akin kaya agad na akong humakbang.
"You are to clean the gym tomorrow. Same time." I said one last time before heading to the stairs. Ilang hakbang palang ang nagawa ko ng marinig ko ang boses ni Jho na tumatawag sa akin. Patawa-tawa pa siya habang tumatakbo palapit saakin kasama si Maloi.
I rolled my eyes at them. Isang beses ko pang tinapunan ng tingin si Mikha bago tumalikod at naglakad na kasabay ang dalawang kaibigan.
But it strucked me to see the faint smile on her face the reason why I immediately turned back to her. Her smile fades as she turn her back from me as soon as I give her a look. Confused.
Binalewala ko na saka nag patuloy nalang sa paglakad. Ang ingay ni Jhoanna at Maloi ay halos hanggang kabilang building. Naiinis man, hindi ko mapigilang hindi matawa lalo na't ang pinag-uusapan ay tungkol kay Maloi who got low scores at our surprised quiz earlier.
"Wala akong masagot eh kaya puro 'Jesus loves you' 'Jesus understands you' ang naisagot ko HAHAHAHA" tinawanan pa niya ang kabaliwan niya kaya mas lalong lumakas ang tawa namin.
"Nakakahiya ka, Maloi!" sabi ni Jho sa gitna nang malalakas na tawa. "Nararamdaman ko ang kabiguan ni Rizal" dagdag niya na dahilan ng mahaba haba naming tawanan.
Pagkadating namin sa bagong bukas na kakainan hindi malayo sa University ay agad na kaming naghanap ng mauupuan. They sell mostly seafoods, there are also pork but I'm craving for butter shrimps kaya yun ang pinaorder ko. We tried different dishes para mapagsaluhan and I think that's a very nice idea.
Habang naghihintay bumukas naman ang pinto at may pumasok na isang grupo. I glance away but then I saw the red haired girl looking directly at me. Her hands on the pocket of her sweat pants, her shirt was tucked in the left side of her pants and she looks like she just finished a quick bath after cleaning the library.
Ginala ko pa mga mata ko sa kasamahan niya and they're the usual group of friends na nagbubulakbol sa likod ng gym.
"Andito pala mga batang hamog" Aniya ni Maloi. Natawa ako ng bahagya.
"Grabe naman maka tingin sayo si Mikha beh" Kuno't noo ko'ng tinignan si Jhoanna na kakabalik lang after mag CR. I glance at their table and confirmed what Jhoanna said was true. Mikha immediately look away.
Akala ko ako lang ang nakakahalata.
Not a few minutes later, bumukas ulit ang pinto at may mga nag gagandahang babaeng pumasok at agad na naupo sa table nina Mikha. My brows furrowed at the sight of this one specific girl who kissed Mikha's cheek as a greeting.
"Ayy may jowa pala" Si Jhoanna. I raised a brow and sat up straight nang nailapag na ang aming inorder.
"Girls, about pala dun sa U-Week next month, pa sched na tayo ng meeting bukas para mapaghandaan ng maayos." Sabi ko para maiba ang atensyon nila.
"Oo nga para maka start na tayo sa miniatures, Let's plan about the designs and anong design ng booth natin. We are architectures for a reason kaya dapat unique yung booth natin."
I agree with Maloi. We'e been winning the Best Booth Award since 1st year kaya every year tumataas ang pressure samin. We need to maintain that. Everything we do here, is an advantage for our crafts in the future.
"Uy rinig ko kay Colet dadalhin nila si Mikha mag brain storming for their booth. "
Mikha is an Engineering student pero I didn't know that she's that...well...
"Oh, eh ano naman?" Sagot ni Maloi na medyo napalakas. Nag-uusap na kami ngayon habang kumakain hanggang sa dumating ang waiter at may nilapag na mga dessert.
Did we order this?
"Ay kuya wala po kaming order—" naputol ang sasabihin ni Jhoanna nang nagsalita ang waiter.
"Bayad na po yan. Pati narin ang nauna niyong inorder" Umalis na agad ang waiter kaya hindi ako nakapag-tanong kung sino ang nagbigay.
The three of us looked at eachother, confused.
"Eh? Sino naman ang mangangahas na ilibre tayo?!?!" -Jhoanna.
"Ay baka si Lord, thank you po" -Maloi.
But my eyes immediately darted on the girl two tables away from ours. The red haired girl, Mikha Lim is once again caught staring at me.
Hindi kaya, Siya?
The girl beside her suddenly spooned her a steak in an enthusiast manner. The sight unknowingly annoyed the hell out of me.
Bakit niya ako tinititigan ng sobrang lagkit kung may girlfriend naman pala siya?
Isn't it called, cheating? Micro-cheating? or what!?
I took a deep breathe and let it go.
Nang matapos na kaming kumain pati ang dessert agad na kaming nagligoit ng gamit para maka-uwi na pero agad namang bumalik ang waiter at naglahad ng box—of cake? sakin.
"Para daw po sainyo." Aalis na sana siya pero agad ko nang pinigilan.
"May I know kung galing kanino po ito? Siya din ba nagbayad ang nagbigay ng dessert samin?" The waiter bit his lips, I know that he knows who, but he won't obviously drop a name.
"Sorry po pero—"
"Then I won't accept this po. And also, can we have our bill? Kaya po naming magbayad."
Akma na akong pipigilan ni Maloi pero binigyan ko siya ng makahulugang tingin.
"Ma'am m-may...may n-note naman po sa loob. Baka may pangalan po, sorry napag utusan lang."
I stared at the box for quite long before I decided to open it. Meron nga'ng naka paskil na note sa cover ng box.
I opened it at agad naman akong pinalibutan ng dalawa.
'Cute mo parin kahit nagsusungit, You just made my day so you deserve a treat ;)'
-Mikha
"OH MY GOD!?!?" sigaw ng dalawa habang ako naman ay napatulala.
What the hell is this?!
BINABASA MO ANG
MISCALCULATED [MikhAiah]
FanfictionA story wherein the academically inclined student, a stellar model and Beauty Queen, Aiah Arceta have completely devoted herself to her passion of becoming successful. Firm of her qoutes about 'Self Love' to avoid destructions. What if one day she c...