Chapter 1

313 5 2
                                    

Haven Aviana Alegria

"Kailangan mo ng trabaho 'di ba, babe? May alam ako! You want?" Tanong ni Cali habang naglalakad kami palabas ng University.

Natanggal kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuhan dahil sa nalaman ni Mommy na nagtatrabaho ako, she's more than capable raising me pero ayaw ko naman na umasa na lang sa kanya.

Hiwalay na ang parents ko, may bago ng pamilya si Daddy and my mom is currently living in Italy.

"Saan naman?"

Nginitian niya lang ako sabay hila papasok ng sasakyan niya.

"May nagsabi lang din sa 'kin, babe. Mukhang ayos naman, what do you think?"

"Anong trabaho ba, Cali?" Tanong ko.

"Personal assistant. Kaya mo 'yon! Mas okay 'to kasi wala ka naman masyadong gagawin." Dagdag pa niya.

Personal assistant pero wala masyadong gagawin? Ano kaya 'yon?

"Trip ba 'yan or ano, Cali?"

"Hindi ah! Hindi ko lang gets kung bakit nagtatrabaho ka pa eh. Your parents are rich rich, you can just ask them for money."

Cali is right but I won't do that na kay dad, I don't need anything from him.

"I want to earn my own money, ayoko na inaasa kay Mommy lahat." Sagot ko.

"I see, my spoiled ass would never." She replied.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kasi baka trip niya lang ako kasi ganon naman siya minsan. May pupuntahan daw kami pero hindi niya sinabi kung saan, pagod ako kaya hindi na ako nagreklamo pa.

"Vennie, we're here!" Sigaw niya sabay tapik sa balikat ko.

Nilibot ko ang tingin sa lugar para alamin kung nasaan kami pero wala akong idea kung saan 'to dahil hindi familiar sa akin ang lugar pero nasa parking lot kami ngayon.

"Cali, nasaan tayo—"

"You'll find out later, wear this." Sabi niya sabay abot ng coat sa akin.

Daig ko pa ang maga-apply sa ginagawa niya eh, malamig ba roon sa pupuntahan namin?

Dahil nga ay kagigising ko lang kaya ginawa ko na lang ang gusto niya, lumabas na kami ng sasakyan at dumiretso papuntang elevator. Paglabas namin ay may nakasalubong kaming isang babae, ang ganda niya.

I'm just staring at her, she's so pretty.

"Ate Zari! What are you doing here?" Tanong ni Cali sa babae.

Saglit na napatingin sa akin ang babae, titig na titig siya na para bang inaalam ang bawat parte ng mukha ko.

"I'm visiting Tita Diana, how about you?" Tanong niya pabalik.

"Visiting Tita Diana too!" Sagot naman ni Cali.

Nagpunta muna kami sa isang lounge area para mag-usap.

"Oh, Ate Z. I would like to introduce my beautiful best friend, Haven."

Napatingin tuloy sa akin ulit si Miss, she's so pretty. Pwede rin siyang maging model like Cali. Napaka-amo ng mukha niya.

"Hi, Haven. I'm Zari, nice to meet you." She said then smiled so widely at me.

She offered her hand for a handshake rin na agad kong tinanggap.

"Nice to meet you rin po, Ate Zari."

"Oh, no! Don't call me that, it's making me feel old." Pagbibiro pa niya.

The Archer Where stories live. Discover now