Chapter 2

153 2 0
                                    

Hinihintay ko si Cali dito sa cafeteria kasi hindi siya pumasok kanina sa first subject and I don't know why.

"Hi, babe!" She kissed my cheek then sat beside me.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong ko.

She rolled her eyes at me, siya pa may ganang mag-suplada?

"Give me a break, babe. Pinagalitan na nga ako ni Ate eh pati ba naman ikaw?" She asked, pouting.

She did something again for sure, pasaway talaga siya eh kahit kailan.

"Why? Ano na naman ba ginawa mo?"

"I don't know, she's just OA sometimes." Matapang niyang sagot.

Ginawa ko na lahat ng pagpipigil para hindi niya mahalata ang expression ng mukha ko, she keeps talking about her sister, unaware that Ate Celeste is listening right behind her.

"I think that's why she's still single, she's a mad woman." Cali added.

Oh, no.

"Is that so, Calista Hale?" Ate Celeste asked, using her authoritative voice.

Nanlaki ang mata niya sa narinig at parang nanigas sa kinauupuan niya, sumesenyas pa siya sa akin pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Ako ang kinakabahan para kay Cali, hindi kasi mapigilan ang bibig niya minsan eh.

"It was a joke, Ate! Ask Haven, we're just goofing around." Pagdadahilan ni Cali.

Dimamay pa talaga ako?

"Ven! Hey, talk." Dagdag pa ni Cali.

Hindi na lang ako nakasagot kasi nakatitig lang sa akin si Ate Celeste at ang cold ng expression niya, bahala na si Cali, kaya na niya 'yan.

"Uhm, ano po kasi Ate Ce-"

"Vennie! Late na pala tayo! Alis na kami, Ate. Bye, love you!" Cali said then kissed her Ate's cheek before dragging me.

Lunch break namin eh anong male-late pinagsasabi niya? Damay talaga ako lagi sa trip ni Cali eh.

"Let's eat outside na lang, I have chika pala to tell."

"What is it?"

She looked at me then smirked.

"What a nosy girl..." Pang-asar niya, she pinched my nose pa.

Inirapan ko lang siya na ikinatuwa niya.

"May transferee raw eh, narinig ko kanina from Ate Cece."

"Ahh, okay. So, what's with the transferee?" Tanong ko.

Nakarating na kami sa parking at agad na pumasok sa sasakyan niya.

"Tiffany Alegria is her name, kilala mo?" She asked.

Oh, pareho kami ng surname? What a coincidence.

"No? Wala akong kilala na Tiffany."

"Hmm, I see. I find her annoying like she's the kind of person who can easily get on my nerves." She replied.

Basher talaga to si Cali eh, hindi niya nga kilala 'yong tao eh pinangungunahan niya na.

"Be nice, Cal. Kaya ka napapagalitan eh." Sagot ko.

"Whatever, babe."

Kumain kami sa favorite restaurant niya na naging paborito ko na rin. Hindi pa ako nakakalahati sa pagkain ay biglang tumunog ang phone ko.

It's a call from an unknown number, I don't really answer calls kapag hindi naka-register ang number pero I don't know, it feels like I have to answer it.

The Archer Where stories live. Discover now