Chapter 4

112 3 0
                                    

After naming kumain ng almusal ay nagpalit lang kami ng damit at umalis na naman, Zari prepared a list last night sa mga gagawin namin for today.

We will try pottery for the first time. Matagal ko na gustong i-try yun and I'm excited na magagawa ko na yun ngayon.

Pumasok na kami sa loob at wala pang tao siguro dahil maaga pa.

"Good morning po, Ms. Harris." A woman greeted her.

Lagi siguro siya rito? Kilala na siya eh.

We went to the corner to wear apron and para iwan muna ang iba pa naming dala na gamit.

"Akala ko ba it's your first time here? Bakit kilala ka niya?" Curious kong tanong.

"Yes, it is. I requested to close the whole establishment while we're here, which might be the reason why she knows me already." Parang wala lang niyang sabi.

Hindi agad ako nakasagot, kaya pala kami lang ang nandito kasi pinasara niya muna pala.

May iniabot sa aming folder at ang laman nun ay ang mga pwede naming gawin, may mugs, plates, and more. All of it looks so cute.

"I want to make this one!" Excited niyang sabi then pointed the flower base na may design na tulips.

"Hmm, ito naman sa akin." Sabi ko sabay turo sa teapot set na pink ribbons ang design.

May tig-isang tao na mag-guide sa amin. Yung may-ari ang nagtuturo kay Zari at nag-umpisa na sila, hindi rin nagtagal ay pumasok na ang babae na magtuturo naman sa akin na ikinagulat ko. Siya yung babae na nakasabay namin sa bangka, Jade ang pangalan niya kung tama ang pagkakaalala ko.

"Penelope, right?" Nae-excite niyang tanong.

Kailangan ko na lang sigurong panindigan ang pagsisinungaling ni Zari about sa pangalan ko kaya napatango na lang ako.

Agad naman siyang tumingin kay Zari na salubong na ang kilay, hindi rin siguro ine-expect ni Zari na nandito ang babaeng nakasabay namin kanina.

"Is it okay if I touch you? The look your girlfriend is giving me scares me." Bulong ni Jade.

Bumalik naman ang atensyon ko kay Zari na imbes na sa ginagawa niya ang tingin ay sa amin ni Jade siya naka-focus.

"Why don't you start teaching her? Are you just gonna stand there?" Mataray na tanong ni Zari na pati ako ay natakot.

Iyon na nga ang ginawa ni Jade, pumwesto na siya sa likuran ko at inumpisahan na naming gawin ang teapot set, detelyado ang ginagawa namin at nahirapan ako sa mga ribbons pero nakaya naman.

Ramdam ko na kanina pa may nakatingin sa amin at alam ko na kung sino 'yon, mukhang mabuting tao naman si Jade at walang dapat ikabahala si Zari. Alam ko naman na nagiging overprotective siya dahil nga estudyante at nasa pangangalaga niya raw ako.

Nagkwentuhan din kami ni Jade at nalaman ko na hindi naman daw talaga siya nagtatrabaho rito, tumutulong lang daw siya sa may-ari na kaibigan niya.

"Done! Are you sure that this is your first time? You did great, Penelope."

Napangiti na lang ako sa huli niyang sinabi. Curious tuloy ako kung gawa-gawa lang talaga ni Zari 'yon or may kilala talaga siyang Penelope ang pangalan.

"Thank you, ang galing mo rin kasing magturo."

She laughed a bit then we went outside after, nandoon na si Zari naghihintay at mukhang bored na bored na siya.

She stood up and immediately wrapped her hands around my arm.

"Are you done? Can we go now, honey?" She asked, sweetly.

The Archer Where stories live. Discover now