Kakatapos lang ng klase ko at napagdesisyunan ko na bisitahin si Zari sa office niya, ilang araw na ring hindi kami nagkikita. Dumiretso agad ako sa parking at nag-drive papunta sa kompanya ng Daddy niya.
"Good afternoon po, Ma'am Haven!" Masiglang bati ni Kuya Rommel.
"Good afternoon po." Bati ko pabalik.
I went straight to the elevator then pressed on the floor where Zari's office is located. Sakto at nakasalubong ko ang secretary niyang si Kenneth.
"Haven! Nandito pala ang kamukha ko eh." Biro pa niya.
"Si Zari?"
"Nasa loob, kausap si Sir Nikolai." Sabi niya at parang kinikilig pa.
Nikolai? Yung lalaking kasama niya sa night market? Wala naman na atang iba. Nikolai na naman?
"Ohh, I see. Kanina pa sila nag-uusap?"
"Medyo, siguro mga isang oras na mahigit." Sagot ni Kenneth.
Ang tagal ah, ano bang pinag-uusapan nila? Wala na akong balak pang mag-stay lalo na't busy pala si Zari.
"Sige na, Ken. Uuwi na lang ako." Walang gana kong sabi at tatalikod na pero nagsalita pa siya.
"Wait lang! Hindi mo na ba hihintayin si Ma'am Z? Malapit naman na siguro sila matapos eh, sasabihin ko na lang din na nandito—"
Natigil sa pagsasalita si Kenneth sa pagbukas ng pinto. Zari and the guy went out of her office smiling from ear to ear, nakakahiya pa nga na maistorbo sila kasi ang saya-saya nilang tingnan. Dapat talaga umuwi na lang ako eh.
"Thank you, Niko." Masayang sabi ni Zari sa kanya.
"You're always welcome, Zari. Call me."
"I will." She answered.
Oh, that's it.
I took a step and I regret na heels ang sinuot ko ngayong araw! Natapilok ako at feeling ko ay may na-dislocate sa paa ko.
"Haven?" Gulat na tanong ni Zari at mabilis akong pinuntahan para tulungang makatayo.
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at tumayo nang maayos kahit na namimilipit na ako sa sakit.
"Hey, are you okay? Kanina ka pa ba rito? You should've called me—"
"You're not answering the phone but it's fine. Uuwi na ako."
"No, wait for me. I'll just get my bag lang then we'll leave." Sabi niya at nagmamadaling pumasok sa opisina niya.
But I didn't listen, I looked at Nikolai first to gave him a deadpan look, he smirked! How dare he? Nang-aasar ba siya?
Hinubad ko ang heels ko at naglakad na ako paalis, pagdating ko ng parking ay naiinis akong nag-drive paalis ng kompanya.
Zari keeps on calling while I'm driving, pinabayaan ko lang 'yon dahil wala ako sa mood. I went straight to the grocery store and I don't know why I'm here, mag-grocery shopping na lang siguro ako.
Bawat lakad ay ramdam ko ang sakit ng paa ko, mabuti na lang at may tsinelas ako na iniiwan sa sasakyan kaya iyon ang sinuot ko. Nagpaikot-ikot lang ako sa grocery store at nagtingin-tingin na rin ng mga pwedeng bilhin kahit alam ko na wala naman talaga.
Nagpunta ako sa kung nasaan ang mga ice cream para i-check kung anong available, I got one of my favorite ube ice cream at nilagay 'yon sa cart.
After putting the ice cream on the cart, I noticed a little girl beside the shelf. Busy siya sa pag-inom ng chocolate milk, her white dress is already dirty dahil sa iniinom niya.
YOU ARE READING
The Archer
RomansaAzaria Eloise Harris is known for her upbeat personality, kindness, and friendliness. She is adored by everyone and wants to be close to her. She has a stunning, angelic face that is impossible to resist. She was forced to be the "perfect daughter"...