Chapter 5

119 5 0
                                    

Zari and I talked for hours, naabutan na kami ng sunset sa balcony at doon na rin kami kumain ng lunch kanina. Ang dami naming kwento sa isa't-isa, feeling ko nga kilala ko na buong angkan nila eh.

We ordered food na lang dahil matatagalan pa kung magluluto kami, we're going to watch a movie raw so Zari ordered pizza at iyon na rin ang dinner namin.

I'm here in my room brushing my hair after I took a half bath, Zari is probably waiting for me downstairs so nagmadali na ako sa pag-aayos. I'm wearing pajamas na para after ay matutulog na lang.

I was right, she's now sitting on the couch browsing what to watch. Our food is already prepared on the center table at as usual ang dami niya na namang inorder.

"Ven, come here." She said then tapped the couch, signaling me to sit beside her.

"Let's choose a movie to watch, any suggestions?" She asked.

"Ikaw na bahala."

"How about this? Eternal Sunshine of the Spotless Mind?"

I nodded, kahit ano naman sa akin basta huwag lang horror.

The movie started at nag-umpisa na rin kaming kumain, at first the movie seems to be complicated pero nung nasa kalagitnaan na ay okay naman.

I'm hugging myself dahil nilalamig ako then naramdaman ko na tumayo si Zari at pagbalik niya may dala na siyang blanket, hininaan niya rin ang aircon.

I feel so cozy at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. When I woke up iba na ang pinapanood ni Zari, tapos na ba yung movie?

I also noticed na nakasandal na pala ako sa balikat niya, nakakahiya.

"Tapos na yung movie? Sorry nakatulog ako."

"Let's go upstairs na so you can sleep comfortably." She calmly said.

Umiling ako.

"No, ayos lang."

"You want me to tell you what happened? It's quite interesting."

Dahil nga curious ako sa nangyari kaya hinayaan ko na lang na ikwento niya ang nangyari sa movie, I'm focused sa pakikinig sa bawat sinasabi niya. Her voice is so soothing.

The movie was nice based sa kwento niya, so it's about lovers who wanted to erase their memories after their relationship. Is that even possible?

"Will you do the same, Haven?" Biglang tanong ni Zari.

Hindi ako nakasagot agad at napaisip ako, breaking up with someone you really love definitely hurts a lot pero yung gustuhin na mabura yung memories I think that's different kind of pain.

"No."

"Why?"

"I don't think I can do it, why would I erase the memories that once made me feel so alive? I rather live carrying all the pain than forgetting the person that made my life worth living."

She's just staring at me, ilang minuto ring ganon kaya ako na ang unang nagsalita.

"Ikaw ba?"

"No, that's double kill you know. Getting hurt is part of loving someone, I'll cherish that memories forever, good or bad."

Tama rin naman siya, dapat kapag nagmahal ka alalahanin mo na hindi sa lahat ng oras masaya, may mga pagkakataon sa susubukin ang relasyon niyo at depende na sa inyo kung paano niyo sosolusyunan.

"Have you been in a relationship before?"

I nodded.

"Ohh, who?" Tanong niya ulit.

The Archer Where stories live. Discover now