Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok at nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isa sa mga kasambahay.
"Ma'am, ready na po ang dinner. Pinapababa na po kayo ni Ma'am Amelia."
"Mag-aayos lang po ako, salamat po." Sabi ko sabay pasok ulit sa loob para magpalit muna bago bumaba.
Nasa baba kaya si Zari? Nasaan kaya siya?
Nagbihis lang ako ng grey sweatpants at plain white t-shirt at bumaba na rin, sa lawak ng mansion ay hindi ko alam kung nasaan ang dining area.
Mabuti na lang ay may nakasalubong akong isang babae, she's wearing a black tank top and leggings at nakasuot ng headphones. She's currently wiping the sweat on her face so hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harapan niya na ako mismo, natisod pa siya dahil naapakan niya ang paa ko at gusto kong mapasigaw sa sakit pero pinigilan ko.
"Sorry po—"
Nahawakan ko siya sa braso na agad niya ring binawi, dinampot ko ang nahulog na towel at iaabot na sa kanya pero na-distract ako.
Ang ganda-ganda niya rin, may pagkakahawig sila ni Zari pero mas sharp ang features nitong kaharap ko. Lalo na at magkasalubong ang kilay niya habang kaharap ako.
Kapatid niya ba si Zari? Pinsan?
"Are you okay?" Malamig na tanong niya.
Napatango na lang ako at inabot na sa kanya ang towel.
"Uhm, sorry po."
She didn't talk, inoobserbahan niya lang ako. Itanong ko kaya kung nasaan si Zari? Or kung saan banda ang dining area? Nakakahiya naman. Naiwan ko kasi ang phone ko at ayaw ko ng balikan pa dahil baka maligaw na talaga ako ng tuluyan.
"Who are you? Who let you in?" She asked, coldly.
"I'm Zari's friend—"
"Liar." She answered.
"I'm her new friend and also her student." Pag-amin ko.
Her phone beeped, tiningnan niya muna ito at binalik ulit ang atensyon sa akin.
"Okay, I believe you. Nice to meet you then. I'm Tatiana, her cousin."
Wow, mag-pinsan nga sila.
Isa ata sa mga goal ko ay ma-meet lahat ng pinsan at kapatid ni Zari, nakaka-curious kasi eh.
"I'm Haven, nice to meet you." I said, smiling.
I offered my hand at mabuti naman tinanggap niya. Pagkatapos nun ay paalis na sana siya pero pinigilan ko.
"Wait! Pupunta kasi ako sa dining area pero hindi ko alam kung saan, naiwan ko kasi ang phone ko kaya hindi ko ma-contact si Zari." Page-explain ko.
"Follow me."
Sumunod na lang ako sa kanya, doon din pala punta niya eh. Kasalukuyang nasa 4th floor kami at pababa kami gamit ang hagdan, ang bilis pa nitong kasama ko. Part pa siguro 'to ng workout niya dahil parang wala lang sa kanya eh habang ako hingal na hingal na. Nang makababa na kami sa first floor ay mahabang lakarin pa ang ginawa namin, mapapaisip na lang talaga ako sa mga desisyon ko sa buhay.
"Breathe, you're starting to look pale." Sabi niya nang makarating na kami sa dining room.
Sa haba ba naman ng nilakad namin eh sinong hindi mamumutla sa pagod? Kailangan tuloy-tuloy lang ang lakad kasi ang bilis niya.
"Ven, what happened? Are you okay?" Tanong ni Zari sabay lapit sa akin.
Nandito na pala siya, kung anong suot niya kanina ay iyon pa rin sa ngayon. Saan kaya siya nagpunta?
YOU ARE READING
The Archer
RomanceAzaria Eloise Harris is known for her upbeat personality, kindness, and friendliness. She is adored by everyone and wants to be close to her. She has a stunning, angelic face that is impossible to resist. She was forced to be the "perfect daughter"...