7: The Truth

27 1 0
                                    


Hindi ako mapakali habang hinihintay ang text ni P'Saint sa akin. I'm anticipating things that may happen after my biggest secret is revealed. Alam kong magtatanong si P'Saint at sasagutin ko yun ng may katotohanan. I don't want to give so much trouble to the company if ever.

Maya-maya ay nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang text ni P'Saint that it was all clear and I can go. Dali-dali kong binuhat si Aella tapos ay bumaba sa parking ng bahay. Inayos ko ang seatbelt ng anak ko tapos ay pumasok sa kotse.

"Aella, can you behave later when mami is talking with her friend?" Ang tanong ko sa anak kong busy na kumakain ng biscuit na ibinigay ko sa kaniya kanina. "Yes mami." Walang tingin sabi nito sakin. "Thank you baby." Sabi ko dito tapos ay tinignan ang daan.

Medyo natagalan kami dahil sa nagka-traffic malapit sa company. Narinig ko pang nag vibrate ang phone ko. Sa feel ko ay nagtext si P'Saint kung asan na ba ako.

Pagkarating sa harap ng building ay diniretso ko sa underground parking ang sasakyan ko. I know it dahil minsan na naming nagamit yun nila P'Beer at Sarocha ng minsan kaming nadawit sa gulo.

Inayos ko ang pagkakapark ng sasakyan ko tapos ay lumabas dun. Tinignan ko ang anak ko sa likod at nakatulog na dahil sa tagal ng byahe naming dalawa.

Kinuha ko ang kumot niya, binuhat ko siya at ikinarga ang ulo niya sa balikat ko tapos ay takip ng kumot sa buo niyang katawan. Walang nakikita man lang sa anak ko. Kahit naman sinabi ni P'Saint na pinauwi niya na ang lahat ay kaylangan ko pa din na maging maingat, mahirap na.

Nilakad ko ang medyo madilim na daan papasok sa loob ng company. Pagkabukas ko ng pinto ay tahimik na ground floor ang tumambad sa akin. Di na ako nag aksaya pa ng oras at dumiretso sa floor kung nasaan ang office ni P'Saint.

Habang hinihintay kong makarating ang elevator ay nanlalamig na ako. Ramdam ko ang tagaktak ng pawis ko at ang ngalay ng kamay ko dahil sa bigat din ng anak ko.

Sa sobrang pag-iisip ay nagulat pa ako sa pag tunong ng elevator hudyat na nakarating na kami sa pinindot kong numero.

Nilakad ko ang pasilyo at para akong nakalutang sa sobrang kaba. I want to back out but at the same time I want to clear things up towards my daughter and the company. Mahirap ang magiging posisyon ng kumpaniya pag lumabas ang katotohanan at wala man lang silang kaalam-alam.

Pagkarating sa harap ng pinto ay ilang beses akong huminga ng malamin. Binuksan ko yun tapos ay nakita kong naka-upo si P'Saint sa kaniyang swivel chair, nakapatong ang mga kamay sa lamesa at nakadantay doon ang ulo niya. Nakayuko siya at hindi niya ata naramdaman o narinig man lang ang pagbukas ng pinto.

"P'Saint..." Ang mahina kong banggit sa pangalan niya. Agad na tumaas ang ulo nito tapos ay tumingin sa akin, mukhang nagulat ko pa ito.

"You made me worried Rebecca." Ang mahina din nitong sabi sakin, banggit ang pangalan kong paborito niya. "You didn't even read my text,  I thought something happened-" hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay inalis ko na ang tabon ng anak ko dahil mukhang hindi niya iyon nahalata.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito. Tumitig ito sakin tapos ay sa anak ko ulit. Ng makita ko ang gulo sa mukha nito ay inumpisahan ko ng magsalita.

"T-This is my daughter P'Saint." Halos mabulol ako sa pagkakasabi ko nun. Nanginig pa ang boses ko ng unti na mukha namang hindi na pinagtuunan ng pansin ng kausap ko.

"So it is true?" Ang hindi makapaniwala nitong sabi tapos ay titig sa mga mata ko.

"I'm sorry P'Saint, I thought that you wouldn't give me any big project after what I've done but here I am. I didn't know how to start." Ang sabi ko dito at naluluha na ang mga mata.  Huminga ito ng malamin tapos ay lumapit sakin, niyakap niya ako tapos ay inaya akong umupo.

If It's YouWhere stories live. Discover now