9: When Everything Reveals Itself

22 1 0
                                    


Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Sarocha after ng nangyari sa loob ng sasakyan. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang mas iniisip ko pa siya kesa sa anak kong inuwian ko that day at grabe ang maga ng mga mata nito kaiiyak dahil sa hinahanap ako.

I'm looking at her while talking with P'Beer. Naririnig ko ang usapan nila about contract signing again. Papasok bilang manager ni Sarocha si P'Beer. Hahawakan ulit kami ni P'Beer parang nung umpisa.

"We should arrange all your work for this month mas lalo at hectic pa ang schedule ni Becca at kasisimula pa lang ulit." Napatingin ulit ako sa pwesto nila Sar ng marinig ko ang pangalan ko doon.

"I know that, but you should warn her P'Beer. I know something that she's hiding." Sabi nito sabay baling ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganun ang usapan nila pero alam kong pareho kami ng iniisip ni P'Beer.

Nakita ko din ang gulat sa mukha ni P'Beer. Tumingin ito sakin tapos ay umiling para bang sinasabi na wala siyang anumang sinabi kay Sar na dapat kong malaman. Kinabahan ako sa salitang binitawan niya kay P'.

Umalis ito ng di tumitingin ulit sa akin akala mo ay walang ginawa. Wala naman talaga ako lang itong nag o-ovethink at alam ko sa sarili kong may itinatago ako. Nakita ko na lang si P'Beer na palapit sa akin at nasa itsura nito ang nagsasabing 'mag papaliwanag ako'.

"Did you here that?!" Ang bungad agad nito sa akin. "I know you heard it too. What the heck is happening?" Sabi nito ng kinakabahan sa akin. Parang mas naguguluhan pa to kesa sa akin na dapat ay mas mabahala.

Hindi ko siya sinagot sa ano mang tanong na ibinato nito sa akin. Kahit alam kong busy sa loob nitong bahay na kailangan naming pag shooting-an ay hinabol ko si Piyo na papalabas na ng bahay at papunta sa likod.

Narinig ko pa ang tawag sa akin ni P'Beer pero sinawalang bahala ko iyon at kaylangan ko malaman ang tinutukoy ni Sar sa usapan nila ng manager ko.

"Piyo stop. I needed to talk to you for just a minute please?" Ang pagsusumamo ko rito. Ramdam ko na ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito tapos ay walang tigil sa malakas na pag-tibok.

Hindi ito huminto. Ako din naman tong may kailangan sa kaniya ay tuloy tuloy ang lakad pasunod sa paruroonan nito.

"What do you need?" Narinig kong mahinang sabi nito pagkatapos huminto sa may silong ng isang puno sa likod na bahay.

Hinihingal ako bago tumigil din malapit sa kaniya. "What do you mean? That you knew something and P'Beer should warn me?" Tuloy na sabi ko dito kahit na hinihingal pa ako.

Alam ko sa sarili ko na maaaring may alam na to. But I'm giving her the benefits of the doubt. Nakakahiya man na lapitan ito sa walang kwentang bagay pero kaylangan ko din ng peace of mind.

I'm not that good with overthinking at mas lalo akong maiistress pag may iniisip ako at wala akong makuhang sagot sa kaniya.

"I do know it." Huminto ito tapos ay tinitigan ako sa mata. Napakalalim ng pagkakatitig niya tapos ay nakaka intimidate pa. Kinabahan naman ako sa salitang binitawan nito.

'That you suffers from a side effect from something. I heard you talking with P'Beer last time. Nahiya naman ako na makisingit that time kaya umalis na din ako. By the way who's Aella?"

Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko dahil sa di na niya narinig ng maayos ang usapan namin. Pero ang malumanay at may lambing na pagkakasabi nito sa pangalan ng anak namin ang nagpalambot sa buong sistema ko.

Nagtagal kaming dalawa dun na nagtititigan lang at walang ibang ginagawa. "You don't need to know." Sabi ko dito.

Nakita ko ng bubuka ang mga labi nito buti na lang at narinig kong nagsalita si direct sa likudan namin. "Guys I think we needed to start this." Ang sabi nito sabay aya na saming dalawa papasok ng bahay.

If It's YouWhere stories live. Discover now