5: I Should Hide It

22 1 0
                                    


Nagising akong katabi ko pa din ang mahimbing na natutulog kong anak. Tinignan ko ang oras at halos mag hahating gabi na rin. It's already 11:45 in the evening. Pumasok ako sa banyo dahil naramdaman ko ang pagkaihi ko.

Pagkalabas ay sakto din na papasok na ang nurse ni Aella at ichecheck na ata ito. May tinignan lang ito sa anak ko tapos ay inalis na din ang oxygen na nakakabit sa anak ko.

"Uhm nurse okay naba ang anak ko." Tanong ko dito habang may inaayos pa sa chart na hawak-hawak nito.

"Yes ma'am actually she can get out of the hospital tomorrow pag binigay na ni doc yung test ng result niyong dalawa. But ma'am may possibility kaya na makuha din natin yung allergy information nung father for the best result na makuha ni doc." Tanong nito ng di pa rin tumitingin sakin at minsan pang chineck ang anak ko.

"Kaylangan pa ba talaga yun?" Tumingin ito sakin tapos ay ngumiti ng bahagya.

"It's up to you pa din ma'am, mas okay if makukuha natin so we can be sure with the results po." Sabi nito na nagpapaliwanag.

"I will do my best para makuha yun then I will send it here to the hospital is it okay?" Balik ko naman dito at tinanguan na ako bago nagpaalam na aalis na din.

Nagdadalawang isip ako kung makukuha ko ba yun or what. Ayaw ko isapalaran yung pagtatago namin ng anak ko. Malaki kasi ang chance na magkaroon siya ng idea kung nagkataon. I'm thinking of the possible outcomes if nagtanong siya kung san ko ba gagamitin. But for the well being of my daughter I can sacrifice some things.

Lumapit pa ko sa kamang hinihigaan ng anak ko sabay haplos sa buhok nito. Sobrang ganda ng anak ko. She looks like Piyo, really no doubt there. If I just have the courage to say it to Piyo, I think di na namin kaylangan ng anak ko ang magtago ng ganto. I don't need to sacrifice many things.

Tumabi ulit ako dito tapos ay inayakap siya ng mahigpit. Gumagaan lang ang buhay namin ng anak ko dahil andiyan pa ang pamilya ko. But what if mawala na sila, pano kami ni Aella. How will I survive in this world full of uncertainty.

Nagising ako sa mahinang haplos sa buhok ko. Napabalikwas ako dahil dun. Ng tignan ko naman ang anak ko ay mahimbing pa din ang tulog nito. At ng tignan ko naman ang humahaplos sa buhok ko ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Si mommy lang pala.

"You should get ready anak. Kanina pa nagriring ang phone mo." Pagkasabi nun ni mommy ay tumunog din ang phone ko, tumatawag si P'Beer.

"Buti naman at sumagot kana, you need to get ready Becky, it's already 7:30, ang start ng prescon niyo is 9!" Medyo may patili pa nitong sabi.

"Chill P'Beer I'll be there okay. Wait for me." Pagkatapos ko sabihin yun ay ibinaba ko na ang telepono.

Pagkatingin ko kay mommy ay nakahanda na sa pagabot sakin ang mga dapat kong suotin. This is what I love about mommy, maalalahanin.

"Mom take a good care for Aella habang wala ako okay. Text me if nakalabas na kayo ng ospital." Sabi ko tapos ay takbo sa banyo ng kwarto ng anak ko. Mabilisang ligo na lang ang ginawa ko tapos ay di na nakapag blower. Pinunasan kong maigi ang buhok ko at matutuyo naman na to sa byahe.

Pagkalabas ng banyo ay maayos na ako, may simple make up na din ako at paalis na lang. Nilapitan ko ang anak kong gising na at naguumagahan tapos ay hinalikan ito sa noo. "Mami will go to work okay. You should rest, no playing okay?" Sabi ko dito tumango lang ito tapos ay humalik sa labi ko.

Agad na din ako lumabas at diretso sa parking ng hospital. Bago pa ko makasakay ay tumawag na naman si P'Beer.

"I'm coming P'Beer pasakay na ko sa sasakyan ko okay don't panic. 8:16 pa lang oh." Sabi ko dito tapos ay narinig ko ang mahina nitong tawa.

If It's YouWhere stories live. Discover now