"Good morning guys." Mahina kong bati sa nasa loob ng pinasukan kong kwarto para makapag ayos na.
"Good morning." Sunod sunod na bati naman ng mga ito. Ngumiti ako tapos ay nilapitan na ng mga make up artist.
"Ms Becky anong hangin meron sa UK at ang ganda ng lahi ng pamilya niyo." Hirit ng baklang nag aayos sa akin.
"Huh, ano malamig siguro, tsaka di naman ako gaano kaganda." Nahihiya kong tanggi sa mga sinasabi nito.
"Sus toh naman si Miss Becky pa humble." Sabay mahinang hampas nito sa balikat ko. Nginitian ko ito tapos ay umupo na sa harap ng malaking salamin.
"Alam mo miss Becky pinangarap ko dati na ma-make up-an ka." Sabi nito sabay blend ng foundation na kinakarga niya sa mukha ko.
"Aw thank you, di naman ako gaano kasikat, tsaka name-make up-an niyo naman si ma'am Sar niyo mas sikat pa din siya sakin." Sabi ko sa mga ito sabay pikit para sa ikinakarga niya sa mga mata ko.
" Kayong dalawa talaga ang idol ko at pinapangarap na make up-an mas lalo nung kalakasan ng palabas niyo dati yung GAP the series." Sabi nito na kinikilig-kilig pa ng bukasan ko ang mga mata ko.
"Matagal na yun ah, probably 5-6 years na din." Sabi ko tapos ay inayos ang ikinalat sa labi ko ang ikinarga niyang lipstick.
"But the spark though!" Tili nito kaya napatingin samin si Kara na nas kabilang banda ng kwarto.
Narinig kong nagsalita siya. "Masyado kasing pabida matagal naman ng laos." Mahinang sabi niya sakto lang para marinig ng mga nasa kwartong kinalalagyan namin.
Nakita kong nagkatinginan ang mga nasa loob ng kwarto tapos ng mahalatang tumahimik ay nagsibalik sa mga ginagawa nila ng parang walang nangyari. Nasaktan naman ako sa sinabi niya pero at the same time kasi totoo naman. Nanahimik na din ang baklang nagaayos skin dahil patapos na din siya ng magsalita si Kara.
Maya-maya ay lumabas si Kara ng kwarto dahil tinawag na ito ng isa sa mga crew ni direct. Ng makalabas siya ay ilang bulungan ang narinig ko.
"Ang maldita talaga ng Kara na yan nuh, akala mo takaga sikat na sikat na eh halos palubog na nga siya hinila lang Pataas ni ma'am Sarocha eh." Ng tignan ko ay isa sa mga PA iyon ni Kara.
"Hoy totoo kayo diyan, ilang beses na inayawan ni direct yan, diba nga si miss Becky talaga ang kinukuha kaso ay nagmakaawa at sinabing para daw talaga sa kaniya yung role, sus eh may kapit lang yan kaya sinama ni direct." Bulong naman pabalik ng kausap nito na PA naman ni Sarocha.
Nagulat naman ako ng lumapit ulit sa akin ang baklang nag aayos sakin kanina. "Alam mo ma'am madami talagang naiinis diyan kay Kara eh, akala mo kung sino eh may kapit lang naman kaya nakuha yung role. Kapit kay ma'am Sarocha kasi nga palubog na. Solid Becky-Sarocha kaya ako." Sabi nito sabay alis ulit ng makitang papasok si Kara na inaalalayan ni Sarocha.
Kasunod naman nito si direct na mukhang naiinis. "Ano ba naman yan Kara, akala ko ba kayang kaya mo yung role kaya nga pinilit ko ang ibang sponsor na ikaw na kasi nagmamalaki ka sakin tas mag iinarte ka ngayon. Kara simpleng simple ang pinapagawa ko sayo." Sabi ni direct tapos ay umupo at humingi ng tubig.
"Eh direct ayaw ko nga mg tumatakbo eh. Tas sa maputik mo pa gusto." Pangangatwiran niya pa.
"From the work shop Kara sinabi na sayo ano ang mga pwede mong gawin dito simpleng pagtakbo sa putikan dahil nga kasama sa scene di mo magawa." Naiinis na balik ni direct di makapag salita si Kara dun tapos ay tumingin ng nagmamakaawa kay Sarocha.
"Give her chance direct masasanay din siguro siya kalaunan."
"Ilang beses na natin pinagbigyan Sarocha, halos lahat ng pina-pagawa ko ay pinag iinartihan niya. Ano pa bang gusto niya. Wag mo kong sinusubukan Kara at ibabagsak ko talaga tong project na to kahit malugi kami ng milyon dahil sayo." Sabi ni direct ng malapit na siya sa pinto ay huminto ito tapos ay tinignan lahat ng nasa loob ng kwarto tapos ay huminti ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
If It's You
FanfictionThis will be a very short story, and I'm not a professional writer. I'm just bored so, spare my stories. If you don't want the story then don't read it thank youuuuuu. Started: 04/19/2024