4: When Everyone Knew

26 0 0
                                    

Ilang linggo after ng pag drop ni direct sa last naming drama ay tumawag sakin si P'Beer for the final line up na pipiliin for the movie. Natuwa ako dun ang kaso lang baka di ako makuha at nanduon din si Kara na bagong-bago at kilala na sa pag-aartista.

Pagkarating ko sa building ng kompanya ay dinagsa agad ako ng mga reporters sa harap ng building. "Miss Becky ano ang nararamdaman mo ngayon na sasabak ka na ulit sa pag aartista after mo mawala?" Bungad na tanong sa akin.

"I'm so grateful kasi napili pa din nila ako kahit na di sila sure kung nandito pa din ba yung talent na meron ako dati."

"Wala ka pa rin bang asawa miss Becky?" Isa pa nilang tanong. Di ko yun sinagot at ngumiti lang sa kanila.

"Is there a chance na kayo ulit ni Sarocha ang magiging partners on cam?" Isa sa nagpatigil ng sandali sa akin.

"Hindi ko naman hiniling na pumili ng ipapartner sakin mas lalo at kababalik ko lang, pero kung papalarin why not. Naging magkatrabaho din naman kami dati." Sabi ko sa mga ito tapos ay nagpaalam na, gusto pa sana nila magtanong kaso ay sinabi kong kailangan ko ng pumasok.

Pagkapasok nginingitian ako ng iba sa mga kakilala ko sa company, mas madami na ang bago ngayon kesa sa mga dati kong katrabaho pero ngumingiti pa din ang mga ito sa akin at ibinabalik ko naman iyon.

Hinanap ko lang ang kwarto na pagdadausan ng sinasabi ni P'Beer. Tinahak ko ang mahabang pasilyo ay naalala ko ang mga nangyari sa nakaraan. Buti at madali ko lang iyon nahanap. Nandun si Sarocha at nagiisa sa kwarto, tinignan ko ulit ang nakasulat sa labas at baka namali ako ng napasukan.

"Dito gaganapin don't worry masyado ka lang maaga." Narinig kong sabi nito kaya naman ay umupo na din ako sa isa sa mga upuan na naduroon.

"How are you?" After ng ilang minutong katahimikan ay narinig ko ulit siya nagsalita. Sandali pa akong natigilan before sumagot sa tanong niya.

"I'm fine and happy with my life. How about you?" Sagot at balik tanong ko dito.

"I'm also fine, but not that fond with other actress na pinalit sayo." Sabi nito tapos ay tumitig sa akin.

"Grabe nuh ang bilis ng panahon highest paid actress ka na sa Pinas." Sabi ko dito tapos ay ngumit ng pagkalawak-lawak. Bakita ko ang unting lungkot sa mga mata niya.

"It should be us if di ka lang biglang nawala. I asked P'Beer if nasan kana but she didn't say anything pati si P'Saint ang galing magtago eh." Hindi siya makatingin ng diretso sakin pagkatapos sabihin ang mga yun.

"It's a personal matter kaya hindi ko pwede sabihin sayo." Safe na sagot ko dito.

"I would like to be your partner again, sayo lang ako komportable umalis ka pa." May sakit sa pagkakasabi nito.

"Di natin sure malay mo si Kara ulit ang kunin magaling naman siya ah." Paglilipat ko ng usapan ayaw ko ng palalimin pa ang usapan sa nakaraan namin at baka maungkat pa yung itinatago ko.

"She's not that good really, ilang beses na akong umayaw kaso ay wala ng ibang maipapartner sakin." Sabi niya tapos ay tumayo at lumabas ng kwartong iyon.

Ilang minuto after niyang umalis ay bumalik din siya pero this time ay kasama na sina direct at iba pang matataas na tao sa kompaniyang kinalalagyan ko. Kasunod din nila si Kara na masama na agad ang tingin sa akin.

Makikipag-kamay na sana ako sa mga ito ng nabigla ako at niyakap ako ng biglaan ni P'Saint. The owner of Idol Factory Company. Akala ko ay magagalit ito sa akin sa biglaan kong pag-alis pero sa pagbalik ko ay mainit na yakap pa ang ibinalik niya. Di ko napigilan ang medyo maluha kasi namiss ko din ang taong nagbigay daan noon para umangat ako sa industriya ng pag aartista.

If It's YouWhere stories live. Discover now