Kabanata 3

6 0 0
                                        

3

"Shit! Shit! Shit! Bakit ba hindi ka gumagana!?" halos sigawan ko na ang aking laptop dahil sa sobrang inis.

Ilang beses ko nang na-debug at inulit ang aking program ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagana ang aking mga code. Nai-declare ko naman lahat ng variable ngunit sinasabi sa baba na may hindi ako na-declare na variable. I've been going through this problem since this morning. At hanggang ngayon ay hindi pa ako tapos e sa lunes na ang deadline nito.

Binuksan ko ang aking socials at tiningnan ang source code sample na sinend ng instructor namin. I copy and pasted it on my VSC.

Kumunot laman ang aking noo nang hindi iyon mag-run. What the hell? Nag-run ang code na 'yon noong discussion ng instructor namin.

Pinulot ko ang aking selpon at ni-message ang taong kailangan ko ngayon.

Lunaria Amores:

Hi, Chavez! Nasa campus ka pa ba ngayon?

Alas tres na ng hapon. May klase sana kami ng 3:30-5:00 ngunit kaka-announce lang na wala ang instructor namin sa isang minor.

I thought it would take him long to respond ngunit nagulat ako nang makitang nag-seen agad ito.

Emman Chavez:

Nasa library pa ako ng campus ngayon. Bakit?

Lunaria Amores:

Naalala mo pa ba nong nag-papaturo ako sa'yo kung paano ang mga tamang pag-gamit ng VSC? Can you teach me now? Kailangan na kailangan ko kasi ang tulong mo ngayon. I can't run one of my programs.

Emman Chavez:

Nasaan ka ba?

Lunaria Amores:

Nasa campus.

Emman Chavez:

Punta ka dito sa library hanggang 4pm lang ako dito.

Lunaria Amores:

Okay! See you!

Isinara ko lahat ng nakabukas na applications sa selpon ko bago binitbit ang aking laptop. Nakapag-palit naman na ako sa jogging pants at t-shirt. Hinihintay ko na lang ang oras para maka-diretso sa training mamaya.

Hindi na ako nag-sapatos at nag-crocs na lang sa pagmamadaling maabotan si Emman doon sa library. I shall not waste time.

Narating ko ang library nang hingal na hingal at nakitang nakayuko ito sa table na mukhang natutulog. Ngunit nakabukas naman ang kaniyang laptop. Kasama niya si Carlo sa kaniyang tabi na nag-se-selpon.

Agad akong umupo sa harap ni Emman at kinalabit naman siya ni Carlo kahit hindi ko sinabi.

Agad na napunta sa akin ang tingin ni Emman kaya ngumiti ako. Iginilid niya ang kaniyang laptop habang pinupunasan ang kaniyang salamin bago iyon sinuot ulit. Not really the typical nerd you expected.

His eyes were not bloodshot. Siguro ay ipinahinga niya lang ang ulo at mata sa maghapong pagka-tutok sa laptop.

"Anong problema sa program mo?" he asked.

Inilabas ko ang aking laptop. Binuksan ko ang VSC at sinubukang i-run ang aking program.

"Hindi gumagana e," sabi ko habang pinapakita ang terminal na walang laman.

Iniusod ni Emman palapit sa kaniyang pwesto ang aking laptop.

"Hmm... Ni-compile mo na ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa."

He sighed. May pinindot siya sa laptop bago tumingin sa akin. Kita ko namang nagiging patient siya sa akin ngunit hindi ko maiwasang isipin na naiinis siya o kaya ay iniisip niya ang aking kabobohan.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon