5- Worry

486 34 0
                                    








“Anong nikaw mo, Varene?” tila pag kausap ko sa litratong kaharap ko. Tahimik kong pinagmasdan ng sandali ang imahe niya mula sa litrato niyang naka lagay sa picture frame. Tahimik akong naka upo sa gilid ng kama ko, matapos ba naman ng mahabang araw ay hindi ko parin magawang makatulog. Lahat ng sinabi ni Alvin, hindi ko maalis sa isip ko.

Marami ng nag bago, pero bakit siya parin ang dahilan kung bakit hindi ko nanaman magawang maka tulog?
Inis ngunit marahan kong ibinaba na lamang ang litratong hawak ko.

Nang maka higa ako sa kama ko. Napa lingon ako sa pinto ng makarinig ako ng mahinang katok rito. Kahit pa mabigat na ang pakiramdam ko ay dali-dali akong bumangon sa higaan ko upang buksan ang pintuan.

Sa pag bukas ko nito ay agad na tumambad sa ‘kin si Belladonna na siyang kumatok habang mariin na pinupunasan ang mga luha sa mata niya. Agad na napa kunot ang noo ko sabay karga sa kanya papasok sa kwarto ko. “Anak? Anong problema?”
Patuloy parin siya sa pag hikbi.

“Mommy tinapon na nila lolo lahat ng toys ko” pag susumbong niya habang karga ko siya.

“Ano? Bakit?” nag aalala kong tanong sa kanya. Kanina pa siya tahimik pag uwi namin. Ni hindi man lang akong hinayaan na Samahan siya sa kwarto niya muna.

“H-hindi daw po yun makaka tulong sa training ko. Mommy umalis na tayo dito, please. Punta na lang tayo kay Mommy Varene…”

Agad na may kung anong kumurot sa dibdib ko dahil sa pakiusap niya.
Hindi ko maiwasan na matahimik. Hindi maka hanap ng tamang mga salita para ipaliwasag sa kanya na ang dahilan lang kung bakit siya nandito sa mundo ay para gawin iyon.
Gaya ko.

Pero napaka bata niya pa. “Pagsasabihan ko sila Lolo mo. mhm? O kaya bibilhan na lang kita ng bagong toys”

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. “Mommy naiingit ako kay Nemesis. Kase nakakapag laro siya kasama mga pinsan niya. Bakit nila ako kailangan layuan, Mommy?” inosente niyang tanong na mas lalo pang dumudurog sa dibdib ko.

“Hindi po ako bad, gusto ko po lang silang Samahan. Ayoko po kila lolo, pinilit po nila ako barilin yung isang guy. Ayoko po nun, Mommy” she hugged me tight. Making me cold.
I also don’t want that for her. I know how that feels.

“Sige, simula bukas. School na lang ang aatupagin mo ah? Pakikiusapan ko sila Lolo mo, pati daddy mo. Na hindi ka mag tratraining. Bibilhan ka ni Mommy ng madaming toys pamalit sa kinuha nila. Mhm?”

She nodded as I gently caressed her hair. “Mommy, gusto ko po kay Mommy Varene. Please ibigay niyo na lang ako sa kanya, para maalagaan niya ako gaya kay Nemesis. Bad po mga tao dito…” She darted her eyes on me that has a little bit of tint of green.

Kung pwede lang kita ibigay sa kanya. Pero kamumuhian ka nila.
I smiled at her. “Galit sa ‘kin ang mommy Varene mo”

“Tulungan po kita, Mommy! Lalambingin ko si Mommy Varene!”

she giggled of her own idea.
Ayokong malapit si Belladonna sa kanya. Dahil alam kong masasaktan lang siya sa katotohanan patungkol sa kanya. Pero paano ko ipagkakait iyon sa batang gusto lang naman siyang makasama?

My dear, Belladonna… Sana matanggap ka niya.

===

Kinabukasan. Matapos kong masiguro na naihatid na si Belladonna ng driver niya ay hindi na ako nag dalawang isip pa na mag tungo sa opisina ni Daddy. Kahit pa mariin akong naka kuyom ng palad sa idea pa lang na makikita ko nanaman siya.
Agad na napa yuko ang mga taong nadadaanan ko bilang respeto sa katayuan ko sa gusaling ito.

How to kiss a villlain?Where stories live. Discover now