CHAPTER NINE
~Annoyed~
KAHIT PA may kung anong nagsasabi sa ‘kin na huwag nang tumuloy sa lugar na sinabi ni Varene na puntahan ko ay parang wala na akong nagawa. Wala parin talagang nagbabago sa epekto sa ‘kin ng babaeng ‘yon. Sa tuwing may sinasabi siya o inuutos ay natatagpuan ko na lang ang sarili ko na sumusunod ng hindi ko namamalayan na wala man lang na bahid ng kahit anong pag rereklamo.
Pero hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit litong-lito ako habang nasa loob ako ng kotse ko. Sa tagal namin na hindi nagkita, Sa mga bagay na nagawa ko ay hindi ko inaasahan na aayain niya ako at may kailangan pa raw siyang sabihin sa ‘kin na importante.
Aaminin ko, Hindi ko maikaila na abot tenga na ang pag angat ng magkabila kong gilid ng labi sa ideyang makikita ko siya. Pero sa kabilang banda, may kakaiba akong pakiramdam sa sinasabi niyang kailangan niyang sabihin.
Aba ewan. Kanina pa ako napapakamot sa noo ko sa pag iisip ng sinasabi niyang sasabihin niya. Gaano ka lito? Sa sobrang lito at excitement hinayaan ko na lamang na si Belladonna ang mag pasya ng dapat kong isuot dahil wala na akong maisip at hindi na rin ako maka pili.
Ang magaling kong anak ay pinili ang isang simpleng light blue na shirt at itim na trousers para daw pogi ako kung tingnan. Ewan ko sa batang ‘yon, masyadong honest.
Pagdating ko sa mismong resto ay agad na napa kunot ang noo ko dahil wala man lang na mga taong kumakain. Bukod sa mga staffs na sumalubong sa ‘kin ay wala man lang.
Magsasara na ba sila? Akala ko ba sikat na resto ito? ang hirap ngang mag book dito dahil nga laging puno ang mga tao.“You must be very special, madame” Saad ng isa sa mga staffs na naka sunod sa ‘kin. Maging sa elevator ay hinatid pa nila ako.
“Bakit?”
She smiled. “Miss Varene closed the entire resto to make sure the both of you can spend this evening in peace.” Saad niya.
Hindi naman masyadong nakaka gulat, Dahil kahit na kami pa noon ay gawain na talaga iyon ni Varene kung kaya niya. Dahil nga pareho kami ilap sa mga tao, madalas ay nire-rentahan niya ang buong resto nang ma solo naming dalawa. Upang maka kain ng walang ibang naririnig kundi ang tunog ng kutsara’t tinidor namin.
Kakaiba din ang trip naming dalawang iyon noon kaya nga sinabihan ko na siya dati na kung gusto niya ng tahimik na date ay sa bahay na lang.
Parang kumirot ata ang dibdib ko habang inaalala iyon. T-ngina kase ni ateng na staff. Napa flashback tuloy si bakla ng wala sa oras.
Isang matamis na ngiti na lang ang ipinakita ko sa kanila sabay saad ng simpleng pasasalamat nang makarating kami sa floor kung saan ang VIP place nila.
The interior was heavily inspired by dark royalty aesthetic. The place looks like an exact replica of how a dining room in Bridgerton looks like. Fav show ni Varene. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit dito niya ako dinala. Siguro ay paborito niya din talaga ang resto na ito.
Agad na nahagip ng mga mata ko si Varene na naka upo sa mala tronong upuan sa isang sulok. Kaharap nito ang kaparehong upuan na bakante at sa gitna naman nito ang lamesang puno ng mga mamahaling kutsara’t tinidor na kabilang parin sa theme nitong lugar.
Paulit-ulit ko ng sinasabi sa sarili ko na maging kalmado sa pag punta ko dito. Ngunit parang kinain ko lang ata ang mga sinabi kongi yon nang mag tama ang mata namin ni Varene sa pag angat niya ng tingin.
Hindi ko maiwasan na mapa lunok nang makita ko ang kabuuhan ni Varene. Tumayo siya ng makita ako, Tila naghihintay na dumating ako.
Naka lugay ang buhok niyang mahaba na medyo naka malalaking kulot. Parang umaalon na tubig. Nagmuka siyang diyosa ng tubig dahil sa suot niyang dark blue na bestida.
YOU ARE READING
How to kiss a villlain?
RandomFrom bad news to a literal villain? They say it runs in their blood, yet can we really stop a darkness that embrace us? And I guess we both failed. But she f-cking failed big time because I can no longer see her as the woman I used to adore. I kisse...