HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG DAPAT KONG GAWIN habang naka upo sa loob ng van nila. Naririndi ako ng kaunti sa maiingay na bata sa tabi ko na naka upo sa car seat nila. Pero mas nakaka rindi ang malakas na tibok ng puso ko habang kasama ko sila. Isang bagay na hindi ko akalain na mangyayari pang muli.
"Hello po! Ano pong name mo? Tsaka bakit po ikaw nandito?" Tanong ng batang nasa tabi namin ni Belladonna.
Hindi siya pamilyar sa 'kin dahil hindi ko nagawa ang pangako ko sa nanay niya na pupunta ako sa binyag niya. Pero gaya ng kambal ni Mari at miss Aisha ay meron siyang itim na kulot na buhok at berdeng mata na tiyak kong nakuha niya sa nanay niya. Pero mas kamuka niya lang si Mari.
"Ah, ako si Arabella. Mama ni Belladonna" simple kong saad na ikinanlaki ng mata niya.
"Arabella? OMG! OMG!! You're my ninang!!!" tumingin siya sa ate niyang si Vienna na naka upo sa tabi ni Varene habang nag mamaneho ito. "ATE! ATE! She's our ninang Arabella right?! She's mama's friend that i saw in her old photos together with ninang Lian!! Goshiee finally ninang!" she giggled.
"HI PO! My name is Thana Libitina V. Monteverde! I am 4 years old! I like fashion, food, drawing and everything pink! Nice to meet you ninang Arabella!"
Napa ngiti na lang ako sa kanya. "Nice to meet you din, Thana"
Maging ang tatlong bata na naka upo sa unahan namin ay napa silip na rin sa 'min. "You're ninang Arabella po? Tita Lian and Mama often talk about you po! By the way po i'm Ck! Chaos Killian V. Monteverde" The little boy in front of us spoke like a gentleman. Napaka pormal. Nakakahiya tuloy na naka sando lang ako sa harapan niya.
"Hello sa 'yo, Ck" napa tingin ako sa batang babae na tahimik lang na nasa tabi niya. Hawak-hawak ang isang lumang manika na nakaka takot kung titingnan. Ngunit gaya niya din ito. Kulot din ang buhok at berde din ang mata gaya ng mga kapatid niya.
Ngunit ang batang ito, kakaiba. Tahimik lang siya na naka tingin sa 'kin. "This is my twin sister po, Her name is Karma Carmilla. Call her Cara po" saad ulit ni Ck, pagpapakilala sa tahimik niyang kapatid.
Bakit hindi siya nag sasalita?? Muka siyang manika, literal! Mahahaba ang pilik mata, napaka tangos ng ilong. Natural na mapula ang pisngi at korteng pusong labi. Dag-dag pa yung mata niyang pinaghalong singkit at malaki.
Binitawan niya ng sandali ang manika niya at saka ignalaw ang magkabila niyang kamay. Nag bibigay senyas gamit iyon.
Nanlamig na lamang ako ng mapagtanto ko ang ginagawa niya. Kinakausap niya ako gamit ang sign language. Isang bagay na hindi ko inaasahan sa kanya.
"Sabi niya po, nice to meet you daw po." Saad ni Ck, pag bibigay interpretasyon sa ginawa ng kapatid.
"Nice to meet you din, Cara" saad ko na sinabayan ko din ng sign language na ikinanlaki ng mata niya. Natutuwa na kaya ko siyang kausapin sa pamamagitan nito.
"Wow ninang! Marunong po pala kayo?"
I nodded. "Wow! Ako po kase nag aral po para maka usap ko twin sister ko"
"Ang sweet mo naman"
Tumingin sa 'kin si Cara at muli nanaman na nag bigay ng senyas. (I'm glad you can talk to me, Ninang. Dont worry, i can hear very well) saad niya sa pamamagitan nito.
"Napaka gaganda at pogi niyo naman. Manang-mana kayo sa Mama at Mimi niyo"
They all smiled.
Kahit na sobrang kahawig nila ang Mimi nila, kuhang-huha talaga nila yung ngiti ni Mari na may dimples pa.

YOU ARE READING
How to kiss a villlain?
РазноеFrom bad news to a literal villain? They say it runs in their blood, yet can we really stop a darkness that embrace us? And I guess we both failed. But she f-cking failed big time because I can no longer see her as the woman I used to adore. I kisse...