~CHAPTER TEN~
•memories•
MEMORIES often brings us different kinds of emotions. Emotions that often leads us to something that we want to forget.
Parang t-nga noh? iniiwasan na nga pero dahil sa mga ala-ala na yan pilit na bumabalik na para bang ginagago ka. Pero parang ako ata yung tanga. Hindi naman babalik yung mga ala-ala na dapat ko nang kalimutan kung hindi ako pumayag sa kagagahan na ito.
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako tumingin habang marahan kaming pumapasok sa isang bakuran matapos kong iparada ang kotse na pinagsakyan namin ni Belladonna.
Naalala ko ang unang araw na tumapak ako sa lugar na ito. Halos walang pinagbago at nanatili parin ang dati nitong itsura noong una akong naka punta dito.
“Mommy! Ang ganda-ganda talaga ng bahay po ni Mommy Varene” saad ni Belladonna matapos niyang bumaba sa kotse ko sabay kuha ng back pack niya na agad niyang niyakap.
Halos umabot na sa tenga ang ngiti nitong si Belladonna. Kanina pa siya ganyan mula noong nag iimpake kami ng gamit mula sa bahay namin. Sa sobrang excited niya na tumira dito.Ayaw na niyang dalhin mga gamit niya, muntikan pa ngang makalimutan mag impake.
“Maganda? Muka nga ‘tong haunted house, anak. Bakit ba ang hilig niyo sa ganyan?” tanong ko sa kanya.OA lang naman ako ng kaunti nang sinabi ko iyon. Medyo lang naman ang vibes nito na parang haunted house. In fact napaka classy talaga tingnan ng bahay ni Varene eh.
Sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa mga makalumang disenyo ng bahay dahil sa kaka nood ko ng mga horror movies.
Napa nguso si Belladonna sa sinabi ko. “Mommy, vintage po kase ito. kasalanan po ng mga horror movies kung bakit maraming tao ang natatakot sa mga vintage house. Bakit po ganon mommy? Pag lumang bahay haunted house agad?” naka nguso niyang tanong kung kaya’t napa iling na lang din ako.
“Aba ewan anak” we both chuckled.
Ewan ko din ba talaga sa batang ito eh. kung magsalita parang mag kaklase lang kami tapos siya yung top 1.
“Hanggang ngayon haunted mansion parin ang tingin mo sa bahay ko?” halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likuran namin. Halos mapa mura pa ako nang makita ko siyang naka tayo sa likuran ko, naka suot nang isang mahabang puting bestida at naka lugay pa ang mahaba niyang itim na buhok.
“ANO BA YAN VARENE! BAKIT KA BA NANGUGULAT?!” inis kong tanong sa kanya na agad na ikinataas ng kilay niya.
Natawa na lamang si Belladonna sa naging reaksyon ko kay Varene.
“Nanggugulat ka dyan? kaka nood mo yan ng horror movies” inis niyang asik.
“Paano ba ako hindi magugulat? Eh yang yang suot mo. parang white lady”
Napa kunot noo niya at napa tingin pababa sa suot niya.
“I’m just wearing a white dress, you’re so OA” she rolled her eyes.
“OA ka dyan—”
“—Mommy Varene!!” aasarin ko pa sana itong si Varene pero hindi na nakapag pigil si Belladonna na tumakbo patungo sa Mommy Varene niya. Sabay yakap dito ng mahigpit na puno ng bahid ng pagka sabik.
Buong akala ko ay muli nanaman na maguguluhan si Varene sa presensiya ni Belladonna sa harapan niya. Ngunit tila ata nahawaan ako nang may sumilay na malawak at matamis na ngiti sa kanyang labi. Kinarga niya si Belladonna nang walang kahirap-hirap sabay halik sa pisngi nito na lalong ikina ngiti ni Belladonna.
YOU ARE READING
How to kiss a villlain?
RandomFrom bad news to a literal villain? They say it runs in their blood, yet can we really stop a darkness that embrace us? And I guess we both failed. But she f-cking failed big time because I can no longer see her as the woman I used to adore. I kisse...