Chapter 6

4 0 0
                                    

"Mag-attendance na kayo Mateo at Lunaria," si Sir Angeles.

Inilapag niya ang isang makapal na attendance sheet sa aming harapan pag-katapos ay umalis. Ito ang pang-huling araw ng training namin para sa university meet. Bukas ay sabado at rest day na namin hanggang sa linggo.

"Ikaw na," si Mateo iyon na iniusog sa akin ang attendance sheet at isang black ballpen. As usual kaming dalawa na naman ang mag-kasama dahil kami naman lagi ang maaga sa gym.

Mag-kaharap kami sa isang malawak na mesa na hanggang baywang ko ang taas.

Kinuha ko ang attendance sheet at pinirmahan na lahat ng aking pangalan. Tahimik ako at ganon din siya. Nang matapos ay ibinalik ko sa kaniya ang attendance pati ang ballpen.

"Tapos na ako, hintayin na lang natin 'yong iba," ani ko.

Tumango siya. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin habang parehong nanonood sa mga nag-ttraining sa court na mga volleyball players.

Bumalik si Sir Angeles sa pwesto namin. "Kayong dalawa, punta kayo sa workout gym. Ayosin natin ang mga equipments doon habang nag-hihintay sa mga iba pa," ani Sir Angeles.

Tumango ako at agad tumayo. Tumayo na rin si Mateo. Inilabas niya ang kaniyang selpon at kinuhanan ng litrato ang attendance na may nakalagay na mga phone number at email namin.

I squint my eyes. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon. That was an unnecessary move. Nang matapos siya sa ginagawa ay tumingin siya sa akin pag-katapos ay ibinulsa na niya ang kaniyang selpon. Umakto siyang parang walang nangyari habang dumidiretso sa work out gym.

This guy is a pretender. Ang dali lang talaga para sa kaniya na umaktong parang walang nangyayari sa mga bagay- bagay.

"Si Mateo nga e," rinig kong sabi ni Ate Mia nang mapalapit ako sa kanilang pwesto habang nasa training. Magka-usap silang tatlo nila Mateo, Justin at Ate Mia.

Mateo's eyes were on me. Ayoko mang pansinin ngunit kitang kita ko ang kakaibang kislap non dahil sa sinabi ni Ate Mia. Nakangisi rin siya habang ang mga mata'y diretso ang tingin sa akin.

"Yan. Sa ganyan nag-simula ang lolo't lola ko e," tukso ni Alfred.

Nag-ngitian si Alfred at Ate Mia nang isang ngiting hindi ko maunawaan.

"Huh?" the only thing i uttered because of confusion.

Anong pinag-uusapan nila? All six pairs of eyes are looking at me. Bakit?

"Wala."

"Bingi ka kasi," si Alfred.

Inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha. Napadaan nga lang ako e hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nilang tatlo. Narinig ko nga pero hindi naman kompletong inpormasyon ang nakuha ko.

"Remove your gears. Then, we'll rest for the rest of the day. Balik na lang kayo mamayang hapon para sa meryenda na ibibigay nila," ani ni Sir Angeles matapos ang rotation sa sparring drill.

Umupo ako sa isang bangko sa loob ng gym katabi si Ate Mia.

"May plano ka ba mamayang hapon, Nari?" tanong niya habang tinatanggal ang kaniyang mga arm guard.

Umiling ako. I don't have plans, tho i can easily make one for 'emergency' purposes.

"Wala naman, Ate. Bakit?"

"Dagat sana tayo. Nag-aaya si Raphael e," aniya.

Tumango ako ngunit hindi ibig sabihin non ay pumapayag na ako.

"I have pending programs to make, Ate, e. Tatlo pa iyon," ani ko. Totoo naman. Tatlo ang program na ipinagawa ngayong week sa tatlong meetings ding iyon sa programming.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon