Chapter 1

4 0 0
                                    

Chapter 1


"Naalala mo 'yung na basted mong nursing student?" Ali randomly asked me. I didn't bother to look at her. On the other hand, Selene looked at me, shocked.

"I didn't know about this?" taas kilay niyang tanong sakin. I put my earphones off and look at Ali, tinaasan lang din niya ako ng kilay. "You what?"

"Matagal na 'yon, for God's sake." umirap ako sa kanilang dalawa. They slept over here at our house because it's weekend! We're free, but the activities were chasing us.

"Ganito kasi 'yon-" I cut her off, pali palipat lang ng tingin samin si Selene.

"It was 3 years ago, Ali. Shut up." ngumiwi si Selene. "I don't even remember how he looks like kaya!"

"Hindi ba't nagtake 'yon ng nursing?"

"Weh? Anong name?!" napailing nalang ako at inayos ang libro sa study table ko. "Baka I can pull some strings, Caleb is nursing student!"


"Gaga, wala nga siyang social media presence eh. Wala din atang social life 'yung tao na 'yon if I remember correctly."

"Alam mo ba 'yung name?"

"Ang sinasabi lang nitong gaga na 'to sa 'kin before nickname eh. Uno."

Nag-isip si Selene nang malalim. Tumingin siya sa'kin at sumunod naman kay Ali.

"Aljon..." she's trying to remember someone. "Batch niyo rin ba?"

"Yes, she was with Yna when they took UPCAT."

"Hindi mo kinuha 'yung socials?!" gulat na tanong ni Selene. Umiling ako. "Oh, my God."

"Hindi raw niya type," si Ali na nagsabi. "Tsaka nga 'di ba 'yung crush niya 'yung nakita niya sa church? Hanggang ngayon 'yon pa rin yung iniisip niya. Eh 'yon alam mo ba 'yung pangalan?"

Umiling ako.

"Ano?!" sigaw nilang dalawa.

"Hindi ko siya kilala. Wala akong kahit anong alam sa kanya. Ang alam ko lang that day is ayokong magsimba kaya hindi ako nakikinig, pero nung nakita ko siya na nakikinig at nagdadasal doon ko lang tinandaan yung itsura niya."

Tumalikod ako sa kanilang dalawa at nanatili ang usapan nila tungkol doon sa lalaki na nakasama ko nung panahong nagre-review ako para sa admission test.

"I'm so curious about that guy, Yna! I wanna know him and why... you turn him down!" Selene eagerly waiting for my response. We were at the coffee shop when they suddenly bring up that guy again! Hindi ko na talaga siya maalala. Or sadyang kinalimutan ko nalang siya?

I opened my iPad and sip on my coffee. I ordered iced americano and blueberry cheesecake. Mag-aaral ako para sa recitation bukas, kahit nag-aral naman na ako kagabi hindi ko alam kung sapat na ba 'yon.

Selene and Ali were talking to each other. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil masyado akong focus sa inaaral ko. When I'm studying, I really don't mind people.

I took civil engineering. My parents want me to take this program. Wala rin naman akong choice kundi sundin sila. Hindi naman ako ang nagbabayad ng tuition fee ko. Tsaka ang mahalaga lang naman sa'kin ay makapag-aral ako.

Nakita ko ang text ni Stella. Ang kapatid kong bunso. Napabuntong hininga ako at walang ganang binasa ang chat niya sa'kin.

Stella Gotiaoco: Ate, sabi raw ni Mom at Dad umuwi ka dito sa weekends.

Dose of happiness Where stories live. Discover now