Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

"Ayaw niya pumupunta sa hospital."

Tumingin si Alon sa'kin, nagtataka. Nasa bleachers kami ngayon, nakatutok sa kanya ang mini fan ni Alon habang ako naman ay pinagmamasdan ang maamong mukha niya. Alon is sitting at the grass, while Zia is lying on my thighs, unconscious.

"Bakit..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Napayuko nalang ako, gusto kong silang tawagan. Nang hindi pa rin siya nagigising kahit ginigising na namin siya nag chat na ako sa GC namin.

"Ang dami niyang pasa." Nanginginig ang boses ko habang maingat na hinahaplos ang mga pasa niya. "Zia..."

"I'm sorry," umiling ako. Umayos siya ng upo at tumingin sa paligid. Nakita ko kung paano nawala ang kaba sa mata niya nung tumingin siya sa paligid. "Oh, are you Yna's boyfriend?"

Halos mapatayo ako sa tanong niya. Ngumiti lang si Alon sa kanya at inilahad ang mini fan niya.

"Lagyan mo ng ice 'yung mga pasa mo ha? Use a thin towel then put the ice, wrap mo then gently mo ilagay sa mga pasa mo. Namamaga na kasi siya." he answered instead. Imbes na sumagot si Zia kay Alon, makahulugan siyang tumingin sa'kin at ngumisi.

"What?"

"Thank you," tumingin siya sa lanyard ni Alon. "Anong department mo?"

Akmang sasagot si Alon nang marinig namin ang sigaw ni Daryl. Kasama niya si Selene, Ali at Alvin. They looked so worried. Nang maka lapit si Daryl sa kanya nakita niya agad ang pasa ni Zia, pero tinago niya pero sumulpot si Ali sa gilid at tinanggal niya ang buhok at kamay ni Zia.

Daryl cupped her face and smiled at her apologetically. Walang sinabi si Daryl pero umiyak na agad si Zia sa leeg niya. Nakatingin lang kaming lahat, naririnig ang mahinang hikbi niya.

Nakita ko rin ang hakbang paatras ni Alon. Tumingin siya sa paligid, sa taas at... sa akin. He just smiled at me and gestured na mauuna na siya. Umalis siya nang walang nakakahalata sa kanya. Tatawagin ko pa sana siya pero lumapit sa'kin si Ali.

"Boyfie?" bulong niya.

Umiling ako. Ngumiwi siya at sarkastikong tumawa.

"Uwi muna tayo sa condo ko?" alok ni Selene nang tumahan na si Zia. "We'll buy chicken and beer."

"'Yon!" Ali tried to lift the mood, pero biglang nagsalita si Alvin para matahimik kami lahat.

"Buti hindi ka pa pinatay."

Sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Gulat na gulat kami sa sinabi niya, pero mahina lang natawa si Zia sa kanya. Palipat lipat kami ng tingin sa kanilang dalawa. Kahit si Daryl sumeryoso bigla dahil sa sinabi ni Alvin.

"Alvin, what the fuck did you say?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Selene. Alvin just looked at her, emotionless.

"Sana nga pinatay nalang ako eh." Sabi naman ni Zia. "Para hindi mo na kailangan pang magsinungaling."

Bumigat lalo ang paligid namin sa sagutan nila.

"Para hindi mo ka na rin maging sunod sunuran," he said, sarcastically chuckled.

"Wala kang alam, Alexander." Mahina at madiin na sabi ni Zia. "Mauuna na ako, may gagawin pa pala ako." Tumalikod siya at hindi na kami nilingon.

Tumalikod din at si Alvin at umalis, pero hinabol siya ni Selene. Kaming tatlo nalang ang naiwan, nagkatinginan kami.

"Ano 'yon..." hindi makapaniwalang sabi ni Daryl. "Ang grumpy na niyang si Alvin talaga lately."

"Sinabi niya ba talaga 'yon? Parang ibang tao siya kanina." Sabi naman ni Ali.

Dose of happiness Where stories live. Discover now