Chapter 2
Two days had passed. Umuwi rin sila Mom nung kinaumagahan dahil binisita lang daw nila si Lola. Buti naman pinuntahan nila si Lola, matagal na kasi nila hinahanap ni Lolo.
Lolo have alzheimers, given of his age. Pero may private nurse siya at regular 'yung checkups niya. Hindi naman siya pinapabayaan nila. Nakaupo lang ako sa tapat ng university. Marami pa ring tao sa intramuros medyo pa wala na ang araw.
Mapúa University.
Zia, Alvin, and Daryl welcomed me with a warm hug. Anong ginagawa nila dito? Tumawa ako.
"Girl! Bakit nasa labas ka?!" malakas na tanong ni Zia. She's wearing a pink dress with a hot pink tote bag. This girl talaga napaka-kikay.
Alvin on the other hand took my bag and smiled at me. Gwapo talaga nito eh. Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang girlfriend? Chikahin ko nga 'to Mamaya!
"Hindi ko naalala na may pasok pala."
"Hoy?!" gulat na sigaw ni Daryl. Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw niya! Ano bang problema nito? Dapat nga ako ang magulat dahil nandito sila sa harap ng university ko! "Bakit nasa labas ka? Hindi ka siguro pumasok 'no?"
"Promise, nawala sa isip ko. Ang sarap kasi ng tulog ko eh hehe." nag peace sign ako sa kanila.
"Woah this is not you, Yna." Zia said. "Dinner tayo!"
"Saan?"
"Jollibee!" masayang sabi niya.
Sumakay kami sa sasakyan ni Alvin, nasa harap si Darly at kaming dalawa naman ay nasa likod. Nagkukwentuhan lang kami sa mga ganap namin sinabi ko rin na hindi makakasunod sila Ali at Selene dahil busy sila parehas.
Graduating students are the most drained and tired human being. This is the busiest year for us. Ni wala na nga kaming panahon gumala dahil sobrang daming backlogs. Hindi rin ako nakapasok kanina dahil sobrang sakit ng ulo ko kaka-aral sa quiz namin kinabukasan.
"Anong order niyo?" tanong ni Alvin. Sinabi nila ang orders nila at tumingin naman siya sa 'kin. "Super meal?" tumango ako.
"Add chicken nuggets, please!" pahabol ko bago ako umupo sa table namin. Silang dalawa ni Zia ang umorder for us. Umupo kami ni Daryl sa table.
He looked so tired. Naka suot siya ng white polo shirt, two buttons are unbuttoned and simple jeans. Amoy baby talaga 'to na kayang gumawa ng baby in no time. May headphones sa leeg niya habang tahimik na nakatingin sa kawalan. Mukhang may iniisip.
"Huy," umupo ako sa harap niya. "Anong problema mo?"
"Wala lang, iniisip ko lang after ng graduation ko." Problemadong sabi niya. Bahagya akong natawa, I tapped his shoulders. He Nursing sa UST. Bali silang dalawa ni Alvin ay nasa UST, while Zia naman nasa UPD.
"Oh anong mayroon?"
"Kung papasok ba ako sa med school or magaasawa nalang." Natawa ako nang tuluyan. Puro talaga siya kalokohan, wala ng lumalabas sa bibig niya na maayos.
"Siguro magaasawa nalang?" sagot ko at nagpa-ngalumbaba sa harap niya. Natawa siya at umiling nalang sa sagot ko.
"Oo nga pala." napabuntong hininga siya. "Kung nag drop nalang ako nung gabing 'yon..."
"Sus, sinabi ng consistent uno ang grades."
Natawa siya. "Panira ka talaga!" nagtawanan kami at dumating na rin sila Zia.

YOU ARE READING
Dose of happiness
RomanceYsobel Natasha is one of the hopeless romantic girl, she used to dreamed about the guy she saw at church. Ever since she saw that guy, she always to go the church but she never had the chance to see him again. But when Juan Alonzo enters her life...