" Bakla gising, andito na tayooooo my goshhhh wake up." Nagising ako dahil sa lakas ng pag yugyog ni Zoey sa'kin.
" Ano ba, tangina ka inaantok pa'ko lumayas ka dyan baka ilibing kita ng buhay." Saad ko dito habang nakapikit padin ang mga mata ko.
" Gago ka, andito na tayo sa cityyyyyy." Sigaw nito sa tenga ko at agad akong napamulat.
" Welcome home anak." Masayang saad ni inay at binuksan ang pinto ng sasakyan.
" Hoy siopao friends, excited na'ko, igagala kita dito tapos pupunta tayo ng bar tapos mag hahanap tayo ng pretty girls with a big boobies." Excited na saad nito na ikinatawa ni inay. Lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Gago ampt
" Hoy umayos ka nga, yung bunganga mo nasa city na tayo tapos andito din si inay. Mag bago kana tangina ka." Saad ko dito na ikinatawa naming tatlo.
Nasa loob na ang mga gamit ko dahil si itay na ang nag buhat ng mga ito. Hindi pa'ko nakakapasok sa loob dahil nakatingin lang ako sa labas ng bahay. Ang ganda ng bahay na'to mansion na mansion nga. Kulay puti ang kulay nito may malaking swimming pool din at may hardin. Ngayun palang ako nakakita ng ganitong kagandang mansion.
" Wow, laway mo tumutulo. Ang ganda ng bahay n'yo gago. Paampon nalang ako tita." Natatawang saad ni Zoey at pinunasan ko naman ang mukha ko pero wala naman laway. Hinila na'ko nito papasok ng mansion.
" Gago ang gandaaaaa." Sigaw ni Zoey ng makapasok na kami.
" Gusto ko nalang dito tumira." Natatawang saad ni Zoey at lumundag lundag pa.
" Umayos ka nga, para kang batang nakawala sa kural." Napapikit nalang ako dahil ako ang nahihiya sa ginagawa n'ya. Umikot ikot ba naman ito sa tiles.
" Pag pasensya n'yo napo ang kaibigan ko, nakawala po kasi s'ya sa mental." Saad ko na ikinatawa naming lahat.
Kung maganda sa labas ng mansion, mas maganda dito sa loob. Marami din ang mga paintings na nakasabit dito.
" Nay tay, sa'tin ba talaga itong mansion na 'to? Bakit n'yo naman ito iniwan dito?" Tanong ko.
" Bagong gawa lang nitong mansion na'to anak nung bumalik kami sa province. Actually anak para sa'yo talaga itong mansion na'to. Pinag planuhan namin ito ng daddy mo kung sakaling mawala man kami may ipapamana kami sa'yo" Saad ni inay na kina kunot ng noo ko.
" Nay, anong mawawala ang sinasabi mo" Tinaasan ko ito ng isang kilay at syaka nag pamewang.
" Baklaaaaaaa, ang ganda ng kwarto mo." Sigaw ni Zoey sa taas at napatingin kami dito. Nauna pa itong umakyat kesa sa'kin.
" Wow ha, hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo." Natatawang saad ko dito at umakyat sa taas.
" Bakit ba 'yang reaction mo parang wala lang, mag pasalamat ka nalang dahil nakatira kasa isang magandang mansion" Umirap ito sa'kin.
" Wow, ang ganda." Mangha kong saad ng makapasok ako sa kwarto ko. Kulay black ang kulay ng pintura dahil paborito ko ang black. Marami din mga books at may malaking tv may gitara din na nakasabit sa wall at mga pictures ko nung bata ako, may LED lights din at may mini ref may sarili din itong cr. The hell kwarto ko palang isang apartment na.
" Tangina mo, gandang ganda ka sa kwarto mo pero sa buong mansion hindi? " Nakakunot noong saad nito. Hindi ko lang type ang kulay dahil kulay puti.
" Gaga, hindi ko bet ang kulay puti e, paborito ko ang black kaya gandang ganda ako dito." Saad ko at kinuha ang gitara. Pinatay ni Zoey ang ilaw at binuksan ang LED lights nilagay n'ya naman ito sa kulay red.
YOU ARE READING
I'm into you, professor
RomanceMamahalin paba ni Yxidee si prof Kimberly kapag nalaman na n'ya ang totoo? Crush na crush ito ng president nila at sslg president. Nung nag collage na ito ay bumalik na sila sa city para dun mag aral. Pero nagulat nalang ito dahil ang dating presid...