Chapter 19 ( Flirting )

384 12 5
                                    

" Hey Zoey, galit kapadin ba? I'm sorry na tangina wala nga akong girlfriend na sinusuyo tapos susuyuin kita?" Nakabusangot na pag susuyo ko dito ng makarating kami ng parking lot ng school.

Mula kagabi nang makauwi kami ay hindi ako nito pinapansin, hindi din ako sumabay kila Axel dahil ginamit ko ang motor ni dad, nakasunod lang ako sa kanila.

" Ewan ko sa'yo, wag mo nga akong kausapin" Saad nito at tinabig ang kamay ko nang akmang hahawakan ko ito. Attitude amputa.

" Ouch, masakit pa ka-" Pinutol nito ang sasabihin ko at dali daling binawi ang kamay ko.

" I'm sorry, masakit paba? ayos kalang?" Saad nito at sinuri ang kamay kong nakabalot ng puting benda.

" Ayos lan-" Binaba ulit nito ang kamay ko bago tumalikod at nag salita.

" Sino ba kasing tanga ang susuntok sa nananahimik na pader?" Saad nito at nag ikot pa ng mata bago ako talikuran.

Nakasuot ako ng black hoodie jacket at naka buhaghag ang buhok ko, naka suot lang din ako ng cargo pants. Sila Zoey naman ay ang jacket at pants ng university.

Tumalikod ako dahil gusto ko bumili ng coffee at hindi ko namalayan na nasa likuran ko pala sila Kizeah.

" Galit din ba kayo?" Tanong ko at umiling ang mga ito.

" So, hindi?" Masayang ani ko at lumapit sa mga ito.

" Galit na galit." Saad ni Tasia at pinag ikutan ako ng mata.

" Gago, gusto mo lang suyuin n'yan e." Natatawang saad ni Kizeah at siniko pa si Tasia.

" Kidding, wag mo nalang s'ya pansinin, nag aalala lang talaga sa'yo 'yun. Hindi kami galit sa'yo" Nakangiting saad ni Tasia at inakbayan ako.

" Hindi ka nag breakfast diba? tara sa cafeteria libre ko." Nakangiting pag aaya ni Kizeah at hinila ang kamay ko.

" Ey, masakit gago." Saad ko at nagulat naman ito. Tangina

" Ay sorry, ang tanga tanga mo kasi sinuntok mo ba naman yung pader." Saad nito at sinamaan ko lang ito ng tingin na ikinatawa ng dalawa.










Malapit na kami sa cafeteria at may natatanaw akong isang familiar na magandang babae at may kasama itong lalaki.

" Sila sir Nash at miss Kim, nag d-date sa cafeteria. Ang aga aga mas matamis pa sila sa cake na kinakain nila" Natatawang saad ni Tasia at nag iwas ako ng tingin kila miss Kim.

" Manahimik ka, bad trip na yung isa oh" Saad ni Kizeah at ramdam ko itong tumingin sa'kin.

" Pumasok nalang kayo at mag panggap na hindi n'yo sila nakita." Saad ko bago buksan ang pinto. Hinintay ko naman makapasok sila Tasia bago ko ito isarado.

" Thank you, gentlewoman." Saad ni Kizeah at nag flying kiss pa.

" Thank you, hubby ko." Malakas na saad ni Tasia at nakangiti sa'kin. Marami naman ang napatingin sa'min.

" Gag-" Pinutol nito ang sasabihin ko at umakbay sa'kin.

" Let's go baby." Nakangising saad nito, humarap naman ako kay Kizeah na nag pipigil ng tawa. Anong trip ng mga ito?

Nag lakad kami papalapit kila miss Kim at ramdam ko na may malamig na nakatingin sa'min.

" Hey, Yxidee." Tawag ni sir Nash ng makalapit kami sa mga ito.

" Good morning po" Saad ko at ngumiti ng pilit dito. Tinignan ko naman si miss Kim at makatingin ito sa kamay ko.

" What happened to your hand?" May pag aalala sa boses nito at tinignan ang kamay ko, tinago ko naman ito sa bulsa ng hoodie ko.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now