Chapter 10: Sweet Like Honey

266 12 0
                                    

Chapter 10: Sweet Like Honey

And after the wedding, Harrison and I went out of town for our honeymoon...

Pinili ko nang sa bansa pa rin kami mag-spend ng honeymoon namin dahil hindi ako pwedeng matagal na um-absent kung mangingibang bansa pa kami kagaya ng plano ni Harrison. At busy rin siya sa trabaho niya. He's the CEO and his schedule was hectic. I got a sight of his monthly schedule once and I confirmed that he's a real busy man. Kaya napaisip pa nga ako kung paanong nabigyan pa rin niya ng panahon ang kasal namin.

We went to an exclusive beach resort in the countryside. Sinuggest lang din ito sa amin ng secretary ni Harrison na siyang tumulong din para sa pagpaplano ng honeymoon trip namin ng boss niya. At may nasabi pa nga sina lola kung bakit hindi raw kami mag-Europe. But I didn't listen to them anymore. Sila na nga halos lahat nagplano sa kasal ko. At least for my honeymoon after my wedding I want some peace and quiet...

Nilanghap ko ang preskong hangin dito sa tabi ng dagat ng resort. Masarap din sa tainga pakinggan ang ilang hampas ng mga alon. Napangiti ako. At napahawak din ako sa beach hat ko na muntikan pang liparin ng hangin.

"Do you like it here?"

Bumaling ako kay Harrison at ngumiti ako sa kaniya. "Yes. It's nice here..."

"This resort just opened a few months ago. Mga relatives at close friends pa lang ng may-ari ang nakakapunta rito na naimbitahan din."

"At kaibigan mo ulit ang may-ari rin nitong resort?" I smiled at him.

Bumaling din siya muli sa akin. "Just some people I know because of business..."

Tumango na lang naman ako sa sinabi niya. I already noticed that Harrison knows a lot of people. And most of them are influential people, too.

Kahit saan niya yata ako dinala na dati at sa kakainan lang namin na isang eksklusibo rin na restaurant ay kilala siya ng may-ari. I realize that it's become easier now that I'm with Harrison. Parang ang dali lang gawin ng mga bagay para sa kaniya.

Wala nga ibang tao sa resort kundi kami lang halos dalawa ni Harrison kasama ang mga staff, who were serving us as we stay here for our honeymoon. And they were all very efficient. Kaya nagustuhan ko pa sa resort. It was cozy and I think that I will really enjoy my time while we're here.

"Let's go back first to have an early dinner. It's getting dark."

Tumango ako kay Harrison at sumunod na rin sa kaniya pagkatapos.

And as we walked on the sand of the beautiful beach resort, Harrison just suddenly took my hand smoothly and held it...

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya. But he was just looking straight ahead. At naglakad na kami pabalik sa restaurant naman ng resort. Kumain na rin kami kanina pagdating namin ng mga around lunch. At nagustuhan ko rin ang pagkain nila dito, especially the seafood dishes. Mabuti na nga lang na wala naman akong allergy, because Harrison got worried for me earlier, too. Kasi akala niya na baka may allergy pala ako tapos tinikman ko na lahat ng seafood na sinerve sa mesa namin. Wala rin naman siyang allergy sa ganitong pagkain, so we both just enjoyed the food.

At pagkatapos naming kumain kanina pagkadating ng resort ay nagpahinga rin muna kami ni Harrison sa malaki at komportableng villa namin.

Well, actually it was kind of awkward at first, for me. Because there was only one bed. At humiga lang din agad si Harrison sa malaking kama namin pagkapasok namin sa kwarto. And I just awkwardly went to bed after him, too. Pero dahil sa konting pagod din namin galing sa travel at galing pang Metro Manila kaya naman nakaidlip na rin ako sa tabi niya. We had a nap that noon and in the afternoon earlier we went to see the beach...

With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon