Si Gabriel ay minsan nang nabigo ang kaniyang ama. Ang tanging alas na lamang niya upang maibalik ang kaniyang karangalan sa mga mata ng kaniyang ama ay ang mahanap ang nawawalang diyos ng buwan.
Sa gitna ng paglalakbay ni Gabriel ay muntikan na siyang mapatay ng isang tribo. Isang binata ang tumulong sa kaniya na mapaghilom ang kaniyang sugat, si Mikael, isang misteryosong binata na may kakayahang pasunurin ang ilog sa pagsapit ng gabi. Sa bawat araw na lumipas na siya'y nasa pangangalaga ni Mikael, unti-unting napagtanto ni Gabriel na may kung anong hiwaga sa binata at tila konektado ito sa buwan.
Bagaman iisang mundo na lamang ang ginagalawan nina Gabriel at ng panibagong buhay ni Bulan ay hindi pa rin naging madali para sa binata na isuko sa kaniyang ama ang bagong diyos ng buwan. Kung pipiliin niyang matanggap muli ng kaniyang ama, paano na lamang ang namumuong pagkakaibigan nila ni Mikael na sa pakiramdam niya ay ang bagong Bulan?
BINABASA MO ANG
Bulan
FantasyMinsan nang nabigo ni Gabriel ang kaniyang ama, ang tanging alas na lamang niya upang maibalik ang karangalan sa mga mata nito ay ang mahanap ang nawawalang diyos ng buwan. Sa gitna ng paglalakbay ni Gabriel ay muntikan na siyang mapatay ng isang t...