Chapter 4 - Carla Dalia Rivera

9 2 0
                                    

Chapter 4
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐈𝐙𝐎𝐍
Carla Dalia Rivera

Hindi naman ako palaban, mahina nga ako e. Pero pagdating talaga sa mga mahal ko sa buhay nagiging palaban ako, ayaw ko kasi silang nasasaktan. Okay lang na ako basta huwag lang sila. Ganoon akong tao, 'yong tipong okay lang sa'kin na ako 'yong nasasaktan, nagkakasugat, umiiyak, basta huwag lang talaga sila kasi hindi ko kaya e. Mas matimbang sa'kin 'yong ako lang kaysa sila kasi mas masakit sa'kin 'yon e, mas hindi ko kakayanin.

Katulad nalang ngayon, tinitignan ko palang 'yong kapatid at pinsan ko na ginagamot ng doctor, ang bigat bigat na sa'kin.

"Labas muna ako, Ate Val." paalam ko sa pinsan.

"Sige, huwag kang lalayo ha. Iuuwi pa natin si Alora," bilin niya, tumango nalang ako.

Tinapunan ko muna ng tingin ang kapatid na hindi pa rin nagsasalita mula pa kanina. Naikuyom ang kamo ko.

Tangina talaga ni Yuren.

Pumunta ako sa convenience store na nasa tabi lang ng hospital para bumili ng beer in can para mahimasmasan ang galit ko.

Nakailang beer in can rin ako nang magmessage si Ate Val. Hindi ko na nga rin namalayan na gumagabi na pala. Ilang oras rin kasi naming hinanap ang lugar kung saan dinala ni Yuren ang pinsan at Ate ko, niroad trip ba naman sa Cavite 'yong kapatid at pinsan ko, akala niya yata hindi namin siya mahahanap e.

Binondo to Cavite ba naman byahe e.

From: Ate Val

Come back here, we're done.

Inubos ko muna 'yong laman ng beer tsaka ko napagpasyahan na bumalik na sa hospital. Nang makita si Ate Val at Ate Alora ay agad akong lumapit sa kanila.

"Uminom ka ba?" tanong agad ni Ate Val ng makalapit ako.

"Kaunti lang," sagot ko at tinulungan si Ate Val na alalayan si Ate Alora. "Ate Val, pwede bang hindi muna natin iuwi si Ate sa amin? Ayaw ko kasing mag-aalala sina Lolo at Lola e."

"I know, I already talked to Kuya Ethan and Ate Ethel about this, they're gonna fetch us up here." sabi ni Ate Val sa amin ni Ate nang makalabas kami sa hospital.

Kuya Ethan and Ate Ethel is a twin and Ate Val's siblings. But they are not close enough, sila magkambal. Ewan ba namin kung bakit hindi sila close basta pinanganak nalang silang malayo ang loob sa isa't isa. But I know they cannot resist Ate Val, bunso nila itong kapatid e. Siya ang baby nila which means ang masusunod sa lahat.

"Nakabalik na pala sila galing states?" I asked.

"Yeah," as usual, tipid na naman siyang sumasagot.

"Kailan pa? At anong dahilan bakit sila bumalik rito? Akala ko ba they're staying there for good?" sunod sunod na tanong ko.

"Last week, Kuya Ethan will be married next month, while, Ate Ethel wants to pursue her dream here kaya kailangan niya ng magbabantay sa triplets while she's working." mahaba habang paliwanag ni Ate Val sa'kin.

"Can't wait makita ang triplets! How old are they na?" I asked, happily.

"Bakit ang dami mong tanong? You should reserve it for later," suplada niyang usal.

Ayan na nagsusungit na siya!

"Sabi ko nga sila nalang iinterbyuhin ko," sumusukong saad ko.

Nanahimik nalang ako dahil baka matadyakan na talaga ako nitong brutal na babae na 'to.

Beyond the Horizon [ sapphic ]Where stories live. Discover now