Chapter 15 - Infirmary

6 2 1
                                    

Chapter 15
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐈𝐙𝐎𝐍
Infirmary

Wala kaming practice ngayon pero may Physical Fitness & Gymnastics subject kami na kailangan pasukan.

"Kung tatanungin talaga ako anong pinaka-ayaw kong subject, sasagutin ko P.E," sabi ni Biyaya sa amin, nagbibihis na kami ngayon sa locker room.

"Oa, akala mo talaga babalian ka." pambabara sa kaniya ni Sophie na ikintawa ko.

"Epal," ismid nito sa kaibigan pero ngumiwi lang ito sa kaniya.

"Bilisan niyo na daw diyan sabi ni Professor Vale," gulat kaming tatlo na napatingin sa president sa amin.

"Professor Vale ba kamo?" paninigurong tanong ni Biyaya sa presidente ng klase namin.

"Oo, bakit?" tanong nito pabalik.

"Akala ko si Professor Legazpi?" tanong ni Sophie kay Chelsea.

"May importante daw na gagawin si Professor Legazpi ngayon kaya si Professor Vale na muna." sagot naman nito.

"Amputa, feeling ko papahirapan tayo noon." mahinang sabi ni Biyaya sa amin, sinadya talaga na kami lang talaga makarinig.

"Baka hindi naman," saluwat ko, kinuha ko ang towel ko at tumbler. "Tara na baka pagalitan pa tayo,"

Umalis na kami roon sa locker room at bumalik sa gym.

"Luh, anong department 'yan?" tanong ni Biyaya nang mapagtanto na may kasama pa pala kaming ibang block.

"Financial Management 'yan, ka-same building lang natin." sagot naman ni Sophie sa kaniya.

"Bakit mo alam?" tanong ni Biyaya sa kinaya, naningkit ang mga mata. "May crush ka diyan, 'no?"

"Nandiyan pinsan ko, crush agad." inismiran siya ni Sophie.

"Ay, hihi." napahiya siya kaya nagpeace sign nalang siya.

Napailing nalang ako at naglakad palapit sa grupo namin.

"Sandra babe!"

Napapikit ako ng mariin ng maagaw ang atensiyon ng lahat nang sumigaw bigla si Florina, tumakbo ito palapit sa akin at yumakap.

Amputa?

"I missed you, babe." she sweetly said while hugging me.

I tried to get away from her but I just can't.

"Florina, you are suffocating me." I told her and that makes her get away from me.

"I'm sorry, babe. Namiss lang kita e," sabi niya sa akin.

Hindi naman kita namiss.

Pero siyempre hindi ko sinabi iyon, baka masaktan ko pa siya. Mukha naman siyang walang masamang intensiyon sa akin.

"Bakit pala kayo nandito?" tanong ko at inilibot ang paningin.

Akala ko ba si Professor Vale ang professor namin ngayon? Eh, nasaan siya?

"Subject teacher rin namin si Professor Legazpi, so..." she answered my question.

"Saan pala ang professor?" tanong ko sa kaniya.

"May sinagot lang daw na tawag, babalik rin daw 'yon." sagot niya.

"Ah, okay." tumango-tango ako.

"Are you free later babe?" she asked.

Beyond the Horizon [ sapphic ]Where stories live. Discover now