Chapter 2 - Bealia

10 3 0
                                    

Chapter 2
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐈𝐙𝐎𝐍
BEALIA

Pumasok kami sa opisina niya ng tahimik, hindi niya kasi talaga ako kinakausap hanggang sa umabot nalang kami dito sa opisina niya.

Hindi ba napapanis laway niya?

"May sasabihin po ba kayo sa'kin Professor Vale?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at umupo lang sa swivel chair niya, napalunok ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"It's your first day today and you already have a record in SAO." she started.

"Hindi ko naman po kasalanan na napaaway ako Professor," sagot ko.

"You should just have ignore them," she said.

"Hindi naman po yata tamang panoorin ko lang silang pag-isahan ang kapatid ko Professor," sabi ko sa kaniya.

She let out a sigh.

"Come here," she gesture me to come forward, naguguluhan man ay ginawa ko pa rin. "Sit down,"

"Bakit?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot, instead she get my hand and put some ointment on the scratch I didn't notice I had earlier.

Kinalmot siguro ako kanina ng isa sa alipores ni Yuren pero hindi ko napansin.

"A doremon band-aid?" I asked, looking amused by it.

"Yes, any problem with that?" she asked and let go of my hand. "You can go now, you still have a class to attend to. Baka malate ka pa,"

"Paano kung ayaw ko?" tanong ko, nakangisi na ngayon.

"It's your choice," she answered barely.

"Hindi mo 'ko pipilitin?" tanong ko ulit.

"Why would I do that? It's your choice to not attend your class, besides it's not my problem anymore if you missed some of your lessons." she stated, all attention to her documents na naman.

Kung jowa ko lang siguro 'to, magseselos talaga ako sa mga dokumentong pinagtutuonan niya ng pansin ngayon.

"You're not concerned about me?" natampal ko ang aking bibig nang kusa nalang 'yong lumabas sa bibig ko na hindi ko namamalayan.

"As your Professor, my students' academics are my concern but I have no right to force them to attend their classes if they don't want to." wika nito. "No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, so why would I stop you from ditching your class?"

Napakurap kurap ako at napaawang ang bibig.

Tangina, joke lang dapat 'yon eh! Bakit naman humantong sa ganito?

"Sabi ko nga papasok na ako," sabi ko nalang at napakamot sa likod ng tainga ko.

Tatalikod na sana ako ngunit napahinto nang magsalita siya bigla sa likuran ko.

"Did you go to Bealia once in your life, Miss Galvez?" she asked, napalingon tuloy ako sa kaniya, nagtataka.

"Ho? Bakit po niyo natanong?" tanong ko.

"You're familiar, did you perhaps get bullied by your friends?" she asked, looking so serious.

Bealia?

It rings a bell to me...

Biglang bumalik ang alaalang 'yon sa'kin, na pilit kong binabaon sa lupa because that night is my worst nightmare.

Inutusan ako ni Nanay na bumili ng grocery sa palengke kaya malamang nasa palengke ako ngayon.

"Ilang kilo po ito, Tay?" tanong ko sa matandang nagtitinda ng isda.

Beyond the Horizon [ sapphic ]Where stories live. Discover now