Chapter 6 - Hay Fever

11 3 0
                                    

Chapter 6
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐈𝐙𝐎𝐍
Hay Fever

Nagising ako na masakit ang gitnang parte ko pero pinilit kong bumangon kahit parang bibiyakin 'yong ulo ko sa sakit.

Sinapo ko ang noo ko at marahan itong hinilot, umaasang hihilom 'yong sakit ng ulo ko.

"You're awake,"

Agad akong napamulat nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Natulala ako dahil sa gandang taglay niya ngayong umaga na para bang hinuhugutan ako ng hininga. Dagdag mo pa 'yong kasuotan niya ngayon; a shiny light blue color blouse na kitang kita ang cleavage niya dahil nakabukas ang isang batones, pinartner niya ito sa black fitted beige pants dahilan para humulma ang makurba niyang bewang.

Pansin ko lang palaging blue ang suot niya, favorite niya ba ang color blue?

"Bakit pala ako nandito?" walang maalala kong tanong, napahinto siya sa pagsipsip sa kape niya nang sabihin ko 'yon.

"Don't tell me you don't remember?" she asked firmly.

"Hindi e-" naputol ang sasabihin ko nang makitang hindi na kagabi na damit ang suot ko kundi isang oversized white t-shirt at pulang undies sa loob.

"We mad-" hindi ko na siya pinatapos at bumalikwas ng bangon at tumakbo palabas ng kwarto.

"Sandra?" gulat na banggit ni Ramanico sa alyas ko.

"Can you lend me your jacket and uh... drive me to my house?" I favored shyly.

"Sure," hinubad ni Ramanico 'yong jacket niya at niyapos sa bewang ko para hindi ako makitaan.

Hindi ko na hinintay na lumabas pa ang professor at hinila na agad si Ramanico paalis doon hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Saan sasakyan mo?" makapal na mukhang tanong ko.

Pinindot niya 'yong remote ng kotse niya para patunugin iyon. Mabilis pa sa una akong lumapit sa Ashton Martin niyang kotse. Papasok na sana ako sa loob ng passenger seat nang pigilan niya ako.

"Let me open the door for you, Miss Sandra." he offered and then opened the door for me. Nang pumasok na ako ay naramdaman ko pa na inalalayan niya ang ulo ko para 'di mauntog iyon sa bubong ng kotse.

"Thank you," I uttered when he also put my seatbelt on me.

Ngumiti lang siya at lumipat papunta sa driver seat. Pumasok siya sa loob at sinuot ang seatbelt niya tsaka niya pinaandar 'yong kotse niya at pinaharurot paalis sa parking lot ng Straight Up.

"Bakit ka pa pala nandoon sa Straight Up? Akala ko umuwi kana," panimula niya na nagpakaba sa akin.

Ito na nga ba sinasabi ko e.

"Nalasing ako kagabi e so I decided to book nalang a room," pagsisinungaling ko.

"Oh, kaya pala." tumatango-tango siya. "First time mo pala uminom,"

Hindi ba halata?

"Oo, kaya tinamaan agad ako."

Beyond the Horizon [ sapphic ]Where stories live. Discover now