Chapter 14 - Confusion

8 1 0
                                    

Chapter 14
𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐈𝐙𝐎𝐍
Confusion

Bumalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock ko, kinapa ko 'yon sa bedside table ko para patayin dahil ang ingay. Sunod namang tumunog ay ang phone ko.

Pikit pikit ko iyong kinuha sa bedside table ko at sinagot kahit hindi ko pa tinitignan kung sino iyong tumatawag.

"Hello," antok kong bungad.

"Bumangon kana diyan Sanya! May practice kayo ngayon!" nailayo ko iyong phone dahil sa pagsigaw ni Ate sa kabilang linya.

"Ang sakit ng ulo ko," sabi ko sa kaniya. "Hindi ba pweding umabsent muna ako?"

"Anong umabsent?! Ngayon kayo mag-iisip kung anong gagawin niyo sa talent portion." asik niya. "Sino ba kasi nagsabi sa'yong maglasing ka kagabi?!"

Pinatayan ko nalang siya ng tawag kasi alam kong sesermunan lang niya ako magdamag. Kahit masakit ang ulo ko ay bumangon pa rin ako para magready papuntang school.

Pero bago pa man ako pumasok sa banyo ay tinignan ko muna kung nagmessage ba si Professor Vale sa akin pero nabuntong hinga lang ako kasi wala siyang text.

Pumasok nalang ako sa banyo ko at naligo para makapagbihis na ako pagkatapos.

-

Pumunta ako ng school na parang nabibiyak ang ulo ko sa sakit. Pero kailangan kong umattend ng practice kasi sabi sa'kin kahapon ni Kean na nakasalalay daw grades namin sa event na ito kaya no choice ako na umattend nalang.

Pagkarating ko roon ay agad akong sinalubong ni Professor Legazpi, akala ko papagalitan ako hindi pala. Tinanong niya lang ako kung okay lang ba ako, siyempre sinagot ko ng oo kasi pretender tayo e.

Nagpractice lang kami ng nagpractice hanggang sa makabisado na namin kung paano maglakad ng maayos, kung ano ang gagawin pag nasa stage na kami, at 'yong sayaw naming lahat ng mga candidates.

Napabuntong hinga ako at napahalukipkip nalang.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sophie, umiling ako.

"Sakit ng ulo ko," sabi ko sa kanila.

"Ikaw naman kasi 'te, uhaw na uhaw lang? Nilaklak ba naman 'yong mga alak na nasa food section." napapailing na sabi ni Biyaya sa akin.

"Ano ba kasi nangyari at bigla ka nalang naglasing?" tanong ni Kean sa akin.

"Nakakainis si Nanay e, hindi man lang sumipot kahapon sa birthday ng Ate ko. Alam naman niyang siya ang inaasahan namin ni Ate na pupunta," pagrarant ko sa kanila.

"Akala ko broken ka lang kaya naisipan mong maglasing," komento ni Biyaya dahilan para mapasinghap ako.

"Wala ngang nagmatapang na manligaw sa akin, magkajowa pa kaya?" tugon ko sa sinabi niya.

"Sabagay, pero matanong ko lang... Saan ba Nanay mo?" maingat na tanong ni Biyaya sa akin.

"Ewan ko, ayaw rin sabihin ni Lolo sa amin, sabi confidential daw." napaismid ako. "Kung makasabi naman siyang confidential para namamg hindi niya kami anak,"

Nanahimik sila pero nakatutok pa rin ang atensiyon sa akin na para bang sinasabi nila sa akin na magkwento lang ako at makikinig lang sila.

"Alam mo 'yon? Magkasama kami sa hirap at ginhawa dati bago kami kunin ni Lolo para pag-aralin dito tapos ngayon parang ang layo na namin sa isa't isa." mababang pahayag ko ng damdamin habang nakatingin sa wala ng laman kong pinggan. Nilalaro ko nalang 'yong kutsara sa kamay ko.

Beyond the Horizon [ sapphic ]Where stories live. Discover now