Kamare: Part 2

14.4K 9 0
                                    


Magkaholding hands kaming maglakad kami para maghanap ng makakainan pero dahil tanghali na, puno ang mga kainan. Patay-malisya lang ako… di ko naman binitawan kamay ni Cindy at hinayaan ko siyang hilain kamay ko habang naghahanap ng makakainan.

Marami na rin kaming napuntahang resto pero dahil puno lahat ng ito, huminto kami ni Cindy at tinanong ko siya… “Wala naman bakanteng resto…. Gutom na gutom ka na ba talaga?”

“Actually, uhaw na uhaw…. Uhaw sa pag-ibig…. Hahahahaha” Humigpit ang paghawak ng Mareng Cindy sa kamay ko… Napalunok ako sa sagot niya pero di ko pinahalata, .….. tumawa na lang din ako ng malakas… halata sa tawa ni kumare na medyo nabigla din siya sa kanyang naibulalas

“Bad ka huh….” Tiningnan ko si Cindy kung babaguhin ang kaniyang sinabi…. Yumuko lang ito sabay talikod… alam kong nahiya siya sa kanyang sinabi pero halata rin na nasabi lang niya ang kanyang tunay na nararamdaman.

Sinundan ko si Kumare at inakbayan ko ito. Nang di naman pumalag, inakay ko ito papunta sa parking lot at papunta sa aking kotse.

Nang tumapat kami sa kotse ko…. Huminto ako sa paglakad at tinanong ko siya… “Saan tayo?”

Yumuko si Cindy saka sumagot ng pabulong… “Ikaw na bahala, Don …” halata sa kanyang tinig na medyo nerbiyos ito pero desidido sa kanyang pasya.

Binuksan ko ang pinto ng passenger’s seat at tinulungan ko si Mareng Cindy makapasok at makaupo.

Pumasok na din ako sa kotse at naupo. Pinaandar ko ang kotse at sinet-up ko ang aircon nito, sobrang init ng panahon at sobrang init and nararamdaman ko sa tagpong yun.

Tahimik si Mareng Cindy, pinakiramdaman ko ito. Nagpakiramdaman kami…

Tinitigan ko ito, inantay ko kung may sasabihin…

Matagal na katahimikan…

“Maganda ba ako?”

Di ako umimik… pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang labi niyang mapula, ang ilong na matangos. Makinis at maputi si Cindy, mestiza at chinita.

Inulit niya…. “maganda ba ako…” parang nag-aantay ng assurance na siya ay desirable.

Hinarap ko siya, hinawakan ko ang kamay niya sabay bulong…

“Ang ganda mo Cindy…” humarap sa akin si Cindy…. Tinitigan niya ako… dahan dahang naglapit ang aming mukha… hanggang naglapat ang aming mga labi…isang masuyong halik.

Kumare (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon